Sep 30, 2009

Donations for Typhoon 'Ondoy' Victims

Una po sa lahat ay nais namin kumustahin kayo at maging ang inyong mga pamilya. We are hoping na walang matinding tinamaan sa atin ng nagdaang bagyong Ondoy. At kung sa kasamaang palad ay mayruon sa atin o sa ating mga pamilya na nangangailangan ng tulong, maari po lamang na ipagbigay alam agad sa kahit sinong officers natin.

Kaugnay po nito, napagkasunduan po ng officers na tayo ay magpaabot ng kahit anung tulong sa mga nasalanta -- cash, used/new clothes, sapatos, tsinelas, canned goods, noodles at kung anu-ano pang pwede nating maiambag. Pwede rin po mag-volunteer ang mga naka-day-off sa GMA or ABS CBN sa pagrerepack ng mga relief goods or we can even join sa relief distributions, just like what we did in 2004.

Mangyari po lamang na dalhin agad dito sa GT upang, sabay sabay madala sa mga foundation na pagbibigyan natin. Kung may mga kaibigan kayo o kapamilya na gusto ring magbigay ng kahit anu, mas maganda po' yon. Sama sama po tayo sa pagtulong sa mga nangangailangan bilang pasasalamat na rin natin na hindi tayo kabilang sa matitinding naapektuhan.

Para po sa mga non-ADTrek o mga walang personal na kakilala sa ADTrek e i-derecho na sa mga foundations or PNRC o kahit saang tumatanggap ng donations.

Maraming salamat po...
ADTREK Officers