Jul 2, 2009

Mt. Maculot Clean-Up Climb

by JM...

Isang masayang pagbati sa mga ADTREK members…..

Masaya ako dahil noong nakaraang June 26- may walong adik este adtrek members ang nagpasyang mag night trek sa Mt Maculot at magsagawa ng clean up climb. Sa totoo lang mukhang nagugustuhan na ng mga adik ang night trek- bakit kamo? Matipid kasi sa oras at higit sa lahat ma e-experience mo pa ring gumising sa bundok na una mong malalanghap ang samyo ng sariwang hangin…walang polusyon. Hay!

Sa kabutihang palad ang naitinakdang schedule ay maganda- sapagkat hindi na inabot ng bagyong Ferria. Matyagang nagbantay ang macho man sa ulat panahon- ayon sa kanyang bubuwit ang Batangas area ay partly cloudy. Salamat saiyong pag momonitor Macho Man at tila sakto naman ang weather forecast.

Karamihan sa mga sumama ay nag-aalala na baka di maabot ang campsite ayon sa IT, dahil sadya talagang kinakalawang na ang mga tuhod. Marami ang nagsasabing pang newbie lamang ang Maculot- subalit eto ay may katarikan na talagang hingal ang aabutin mo. Nagtakda lamang ng 2 hours para marating ang campsite. Sa kabutihang palad kahit ang mga tuhod ay kinakalawang na hindi naman kami naipahiya at naabot namin ang campsite ng mas maaga pa ng 15 minutes hehehe tawad!

Syempre, kahit alas dose na, meron pa ring socials. Maraming salamat sa nagbalikbayang si Tikboy dahil kami ay nakatikim ng espesyal na alak- ano ba un NO LABEL? Hehehe- eto ba “sana” ang special request ni bossing MJ? HEHEHE peace! Ang socials ay puno pa rin ng kulitan na laging nauuwi sa hagikhikan nyahahaha. Subalit kelangang matulog ng maaga ang mga adik sapagkat kelangan magsagawa ng clean up sa susunod na araw.

Hindi kumpleto ang akyat kung hindi kami makakatikim ng espesyal na luto ng chef ng adtrek ang mahal na bise-presidente hehehe. Of course masarap ang aming agahan at sadyang napakarami…akalain mo ba namang pang labing dalawang tao ang pagkaing dala.


Pagkatapos ng agahan may limang adik na nagpasyang mag rockies- para samahan ang kasama nilang may tama sa heights nyahahaha….mabuti na lamang at matyaga nila tong pinilit na subukan na ang rockies…dahil nag enjoy daw sya sa view- sinunod nya daw ang payo ng henyong bopek na pagtingin muna sa malayo- palapit- and nevermind d dungaw nayahahaha. Samantalang ang mga naiwan ay nagpasyang maghukay nyahahaha, ng kayamanan ba? Aaaah….basura….kasi nga naman clean up climb ‘to.



Photobucket

Pagkabalik ng limang myembro buhat sa rockies- saglit na pahinga lamang at isinagawa at agad ang pagkolekta ng basura. Ang lahat ay masipag sa pagsipat ng basura dahil si henyong bopek ay nagbigay ng paalala, na noong nakaraang clean up climb sa Maculot ay labingdalawang sako ng basura ang kanilang nahakot….kaya naman ay labinlimang sako ang aming dinala nyahahaha. Isang sako lamang ang aming naipon mula sa campsite- tila yata may naglinis na o dili kaya nama'y tinangay na sa lakas ng ulan ng mga nakaraang araw. Kaya naman sa aming pagbaba ay para kaming nagtatanim ng palay dahil sa laging nakayuko at namumulot ng basura. Pagdating namin sa paanan ng bundok ay dalawang sako pa uli ang aming naipong basura- suma tutal tatlong sako lamang ng basura ang aming nakolekta.

Good news ba ‘to? Gusto kung isipin na marami ng umaakyat ng Maculot ang concern na sa environment.

Nadatnan din kami ni manong, yung may tindahan sa campsite- subalit di na naming inantay pa ang masarap nyang halo-halo dahil karamihan ay gusto na ring makauwi ng maaga. Nagulat nga kami sa bati ni Manong- sya ung may Friendster account na “Rockies Maculot” hehehe totoo po eto- dahil nga daw ay meron ng water source (hindi nga lang namin nakita, na marahil ay aming sasadyain sa susunod na akyat na lamang) at ang kanila daw baranggay ay may mga ipinatupad na pagbabawal sa basura sa bundok- kasama na dito ang pagtanggal ng tindahan sa campsite…ayon kay manong ay hanggang katapusan na lamang ng June ang halo halo station. Totoong masarap man na may halo halo sa bundok at may malamig na softdrinks pagkatapos ng dalawang oras na lakad- di pa rin sulit ang basurang maaring dala nito… Kaya kung seryoso man ang pagpapatupad nina manong sa pagalis ng tindahan sa campsite- isa ‘tong magandang balita para sa ating lahat, maliban na lang siguro sa mga umaasa sa food suplies duon sa tindahan.

Syempre pa ang pinakamasarap gawin pagkatapos ng climb ay kumain- dati laging chowking. Para maiba naman ay syempre pa niluto ng macho man ang chicken na dala ni Spidey. Maraming salamat nga pala sa matyaga mong pagbitbit paakyat at pababa hehehe ng 1.5 kg na manok). Napakasarap talaga ng sabaw ng tinola- hmmmm –salamat kay Macho man sa pagluto ng tanghalian.

Sino kaya tong mga lasing pro d naman uminom na pinagtripan ang mga manok ni Mang Manuel- akalain mo bang pakainin ang chicken ng chiken din bwahahaha at d nasiyahan pinakain pa ng itlog (scrambled egg naman). Kulit! Sino kayang pasimuno- Pre ha! Kaw talaga!

Pero 'tong c Pre aka Happy feet ang syang naiwang body guard ng mga gurls hanggang makauwi sa Cavite….napaka gentleman nyahahaha.

Sa kabuuan Masaya ang climb na ‘to –may kabuluhan ang clean up climb at higit sa lahat may magandang balitang inihatid si Manong na nakatira sa paanan ng maculot.

Lahat ng elemento ng isang Masaya at memorable climb ay naandito- walang mahilig sa ARTS, kwela lahat, kulitan at kabaluhan rolled into one event. Sana maulit muli hehehe

P.S. Mukhang dahil naging madalang ang pagakyat ng mga nakaraang buwan ay susulitin sa mga susunod na buwan….madami ata tayong aabangan….kaya sa mga kinakalawang ng mga tuhod na gaya ko….praktis praktis na tayo dyan kahit takbo or dayhike para d mapag-iwanan nyahahaha.