Jul 8, 2009

Mt. Batulao Dayhike Traverse

By Master Bets

On July 5, 2009 at 8 am, five members of Adtrek went on a day hike at Mt. Batulao in Batangas. Present were Bopek, macho man, dora, Master Bets (the 'Cobra') and Lota (the 'Gentle Destroyer').


Photobucket

Preparation before the climb

Bopek and Dora texted me last Friday July 3. I was sooo excited because at last makakaakyat ako this time na di worry about my studies. He he, tapos na namin yung report sa TM251 ni Prof. Edison, so Saturday night pa lang medyo I was mentally preparing for the climb (not physically!!). 4:30 ng umaga ako nagising buti na lang masama panaginip ko (iniwan daw ako ng grupo!),dali daling naligo sakay ng trisikel papuntang Pasay at sakay agad ng bus papuntang Mendez Tagaytay. Putsa! ang bagal ng bus sarap murahin ng konduktor, takaw sa pasahero kada kanto hinto.Anak ng tokwa malelate ata ako. Past 7 am dumating ako, check ng cel ko me text si bopek, nagtatanong kung san na ko, text bak agad at sabi ko Palapala na sabay tanong kung asan na sila. Derecho ng Jollibee at yon nakita sila, kaso sarado pa mga konting minuto na lang openning na sila. Proceed agad at umorder ng tapsilog, kelangan heavy breakfast, inom ng Centrum (secret weapon!) chit chat ng konti maya maya dumating na si Mam Angie, bili na agad ng kanin para baon. then pakitaan ng mga nabili na gamit si bopek. Inggit ako sa spork (pinagsamang spoon and fork!)super lightweight, sinubukan kong baluktutin di kaya super strong!Dala ni bopek yung pinabili kong drybag (I love it!yellow color!!)me bago na naman akong iinggitin nya ha ha!

The climb proper

We arrived at the site at around 8 am and after the usual routine of changing the costume (take note: suot ko yung mamahaling cycling short!).We started the climb gradually,sa sobrang bilis we arrived at the summit before 12 noon. But before that we took our lunch at campsite number 8 ba yon? (not sure me mental retardation na ko!). Stop over namin e uminom ng sabaw ng buko, parang bottomless sa dami ng sabaw!(kakaloka, bloated na yata ang tiyan ko).Sarap ng lunch, puro healthy foods courtesy of dora. Home-made hotdogs, buttered camote tops, fish (mayamaya)and chicken (by 'Destroyer').Habang kumakain nagdemo si bopek ng mga bagong gadget, impressive!Konting pahinga, then akyat uli before 12 noon nasa summit na kami, kodakan dito kodakan doon sa bagong camera ni bopek na galing pa ng U S of A.Nakatuwaan naming basahin mga kasabihan mala-Loren Legarda(kanya kaya lahat nun?) tungkol lahat sa kalikasan. Kakalungkot lang dahil me entrance at exit fee (20 pesos each!). Sabi ni bopek ke manong dapat sampu sa kabila, sampu rin dito. Sabi naman ni manong kung papayag yung kabila why not! Di ba?

The post climb

Bandang hapon biglang umulan! Pagkalakas lakas! buti na lang me payong syang katapat at poncho, boy scout laging handa!!!Nawala pa ko, buti nalang sabi ni koya balik daw ako at kumanan. Naghanapan pa nawawala si bopek! Hay naku, nauna na pala at nakapagbulalo sa tindahan. Hiniram ni macho ang payong ko't susundan si bopek, si dora naman hiniram yung trekking pole ko para sunduin si bopek! Dami namang nagmamahal sa yo bro! Nauna kami ni destroyer tapos nakita namin si bopek sa tindahan palabas na ng highway. Nauna kaming tatlo sa labas at hinintay ang dalawa, nagpaload ako ng Globe then mayamaya dumating na yung dalawa(macho and dora), text si destroyer ke Mat para umorder ng bulalo, kalamares at tawilis. Ayos! Kumakalam na sikmura ko, sakay agad ng trisikel at sa wakas nakarating din. First time ko kina Mat, tinandaan ko place, ibaba ng radar, para pag me gimik kina Mat na ang pwesto.Time to freshen up, bihis dito ayos don, paglapag ng pagkain nauna na kong humigop ng sabaw. Sarap!!! Tanggal agad ang pagod ko sa pag-akyat medyo masakit pa muscle ko sa baba ng kanang tuhod ko, paki ko basta me sabaw ng mainit nalimutan ko pansamantala. Nameet na namin asawa ni Mat, 5 months preggy na pala sabi ko ke dora, ang tulis din pala ni mat! 7 pm na at dumidilim kelangan ng umuwi ng grupo, tagal ng bus, mayamaya lang me dumating aircon, kaya lang tayuan, ok lang basta makauwi. Babaan silang lahat sa Palapala, naiwan akong mag isa, Pasay pa kasi ako bababa, bayad ng 94 pesos sa konduktor, sa wakas nakarating din ng Rotonda. Sakay uli ng jeep papuntang FTI, trisikel and then finally home sweet home.

All in all the day hike was worthwhile. It removed all my stress, made my legs (kuno) stronger and my soul. There's another climb by the last week of July and I can not wait to that event. Im just hoping my legs wont fail me this time around.

This is Master Bets (alias 'cobra') signing off and see you again the next time around.

Mt. Batulao Day Hike

Jul 2, 2009

Mt. Maculot Clean-Up Climb

by JM...

Isang masayang pagbati sa mga ADTREK members…..

Masaya ako dahil noong nakaraang June 26- may walong adik este adtrek members ang nagpasyang mag night trek sa Mt Maculot at magsagawa ng clean up climb. Sa totoo lang mukhang nagugustuhan na ng mga adik ang night trek- bakit kamo? Matipid kasi sa oras at higit sa lahat ma e-experience mo pa ring gumising sa bundok na una mong malalanghap ang samyo ng sariwang hangin…walang polusyon. Hay!

Sa kabutihang palad ang naitinakdang schedule ay maganda- sapagkat hindi na inabot ng bagyong Ferria. Matyagang nagbantay ang macho man sa ulat panahon- ayon sa kanyang bubuwit ang Batangas area ay partly cloudy. Salamat saiyong pag momonitor Macho Man at tila sakto naman ang weather forecast.

Karamihan sa mga sumama ay nag-aalala na baka di maabot ang campsite ayon sa IT, dahil sadya talagang kinakalawang na ang mga tuhod. Marami ang nagsasabing pang newbie lamang ang Maculot- subalit eto ay may katarikan na talagang hingal ang aabutin mo. Nagtakda lamang ng 2 hours para marating ang campsite. Sa kabutihang palad kahit ang mga tuhod ay kinakalawang na hindi naman kami naipahiya at naabot namin ang campsite ng mas maaga pa ng 15 minutes hehehe tawad!

Syempre, kahit alas dose na, meron pa ring socials. Maraming salamat sa nagbalikbayang si Tikboy dahil kami ay nakatikim ng espesyal na alak- ano ba un NO LABEL? Hehehe- eto ba “sana” ang special request ni bossing MJ? HEHEHE peace! Ang socials ay puno pa rin ng kulitan na laging nauuwi sa hagikhikan nyahahaha. Subalit kelangang matulog ng maaga ang mga adik sapagkat kelangan magsagawa ng clean up sa susunod na araw.

Hindi kumpleto ang akyat kung hindi kami makakatikim ng espesyal na luto ng chef ng adtrek ang mahal na bise-presidente hehehe. Of course masarap ang aming agahan at sadyang napakarami…akalain mo ba namang pang labing dalawang tao ang pagkaing dala.


Pagkatapos ng agahan may limang adik na nagpasyang mag rockies- para samahan ang kasama nilang may tama sa heights nyahahaha….mabuti na lamang at matyaga nila tong pinilit na subukan na ang rockies…dahil nag enjoy daw sya sa view- sinunod nya daw ang payo ng henyong bopek na pagtingin muna sa malayo- palapit- and nevermind d dungaw nayahahaha. Samantalang ang mga naiwan ay nagpasyang maghukay nyahahaha, ng kayamanan ba? Aaaah….basura….kasi nga naman clean up climb ‘to.



Photobucket

Pagkabalik ng limang myembro buhat sa rockies- saglit na pahinga lamang at isinagawa at agad ang pagkolekta ng basura. Ang lahat ay masipag sa pagsipat ng basura dahil si henyong bopek ay nagbigay ng paalala, na noong nakaraang clean up climb sa Maculot ay labingdalawang sako ng basura ang kanilang nahakot….kaya naman ay labinlimang sako ang aming dinala nyahahaha. Isang sako lamang ang aming naipon mula sa campsite- tila yata may naglinis na o dili kaya nama'y tinangay na sa lakas ng ulan ng mga nakaraang araw. Kaya naman sa aming pagbaba ay para kaming nagtatanim ng palay dahil sa laging nakayuko at namumulot ng basura. Pagdating namin sa paanan ng bundok ay dalawang sako pa uli ang aming naipong basura- suma tutal tatlong sako lamang ng basura ang aming nakolekta.

Good news ba ‘to? Gusto kung isipin na marami ng umaakyat ng Maculot ang concern na sa environment.

Nadatnan din kami ni manong, yung may tindahan sa campsite- subalit di na naming inantay pa ang masarap nyang halo-halo dahil karamihan ay gusto na ring makauwi ng maaga. Nagulat nga kami sa bati ni Manong- sya ung may Friendster account na “Rockies Maculot” hehehe totoo po eto- dahil nga daw ay meron ng water source (hindi nga lang namin nakita, na marahil ay aming sasadyain sa susunod na akyat na lamang) at ang kanila daw baranggay ay may mga ipinatupad na pagbabawal sa basura sa bundok- kasama na dito ang pagtanggal ng tindahan sa campsite…ayon kay manong ay hanggang katapusan na lamang ng June ang halo halo station. Totoong masarap man na may halo halo sa bundok at may malamig na softdrinks pagkatapos ng dalawang oras na lakad- di pa rin sulit ang basurang maaring dala nito… Kaya kung seryoso man ang pagpapatupad nina manong sa pagalis ng tindahan sa campsite- isa ‘tong magandang balita para sa ating lahat, maliban na lang siguro sa mga umaasa sa food suplies duon sa tindahan.

Syempre pa ang pinakamasarap gawin pagkatapos ng climb ay kumain- dati laging chowking. Para maiba naman ay syempre pa niluto ng macho man ang chicken na dala ni Spidey. Maraming salamat nga pala sa matyaga mong pagbitbit paakyat at pababa hehehe ng 1.5 kg na manok). Napakasarap talaga ng sabaw ng tinola- hmmmm –salamat kay Macho man sa pagluto ng tanghalian.

Sino kaya tong mga lasing pro d naman uminom na pinagtripan ang mga manok ni Mang Manuel- akalain mo bang pakainin ang chicken ng chiken din bwahahaha at d nasiyahan pinakain pa ng itlog (scrambled egg naman). Kulit! Sino kayang pasimuno- Pre ha! Kaw talaga!

Pero 'tong c Pre aka Happy feet ang syang naiwang body guard ng mga gurls hanggang makauwi sa Cavite….napaka gentleman nyahahaha.

Sa kabuuan Masaya ang climb na ‘to –may kabuluhan ang clean up climb at higit sa lahat may magandang balitang inihatid si Manong na nakatira sa paanan ng maculot.

Lahat ng elemento ng isang Masaya at memorable climb ay naandito- walang mahilig sa ARTS, kwela lahat, kulitan at kabaluhan rolled into one event. Sana maulit muli hehehe

P.S. Mukhang dahil naging madalang ang pagakyat ng mga nakaraang buwan ay susulitin sa mga susunod na buwan….madami ata tayong aabangan….kaya sa mga kinakalawang ng mga tuhod na gaya ko….praktis praktis na tayo dyan kahit takbo or dayhike para d mapag-iwanan nyahahaha.