Jun 19, 2009

busy lang ng konti...

nangangalahati na ang 2009, tagal na rin mula nuong huling post dito... ano na nga ba ang nangyari sa tropa?

naging busy lang ang karamihan habang ang iba naman ay iniinda ang tila walang katapusang krisis pang ekonomiya, habang ang iba naman ay may ibang priority muna sa buhay, mga nangibang bayan, mga magiging tatay na, nagpapagawa ng bahay, at kung anu ano pa.

magkagayon man, umasa kayo na ang tropa ay masaya pa rin namang nagkukulitan tuwing nagkakasama sama. andyan ang mangilan ngilang 2 bottles, mga road trips at syempre ang walang kamatayang chikkahan sa YM, IM at kung anu ano pang "M".

meron pa rin namang ilang nagagawang umakyat. mga taong dati rati ay naghihintay lamang na may mag-organize. at least ngayon ay masasabing kahit paano e nadaragradagan na ang mga magpapasimuno ng kahit minor climbs muna.

ang tanung ngayon, ano ang pagkakaabalahan ng tropa sa susunod na kalahati pa ng taong 2009? yan ang magandang abangan.

ikaw na nakakabasa nito, mag-aabang ka na lang ba ng activity or ikaw na ang susunod na mag-plano ng ating lakad?