Feb 3, 2009

Mt. Manabo Midnight Trek

Isinulat ni Shine Romero

Da hu ang walong adik ng grupong AMC na nagtungo sa bundok ng Manabo noong ika-30-31 ng Enero. Miyembro din sila ng ADtrek Zoo at kilala din sila sa mga titulong:

* Happy Feet
* Kermit the Frog
* Black Panther (pansamantalang bansag habang wala pang naiisip )
* Spider***** (hulaan nyo kung anong letra ang mga asterisk na yan, I'm sure it's not new to you… makahula may kiss! Kiss sa Kape Alamid na Fresh from the poo poo ng Alamid… nyahahaha)
* Miss Piggy (dalawa po sila)
* Sandugo (dalawa din po sila, big & small…pansamantalang bansag lamang din kailangan makaisip pa ng mas brutal na pangalan…nyahahaha)

Photobucket

Siguro naman ay may naglalaro-laro na sa isip nyo kung sino ang walong adik na ito… Dumating sila sa paanan ng nasabing bundok sa ganap na ika-sampu ng gabi upang akyatin ito… O diba adik talaga… Bago ko po pala makalimutan, nais po pasalamatan ng walo ang pagsuporta ng kanilang kaibigang parrot, bagamat hindi siya nakasama sa adik climb na nagdaan ay "He made the climb possible naman for the 8 Adtrek Zoo members"… nyahahaa… Salamat po! Alam naming alam mo na kung sino ka… Nga pala bilang ganti ay may uwing pamalit na asul na tuka sa yo ung si small sandugo adik… hindi ko lamang alam kung fresh pa ang mga beak na iyon… Ang alam ko lang ay ingat na ingat ang kaibigan nating butiking iyon sa pagbitbit ng mga ito…

Sa pagpapatuloy ng aking kwento… ang pagkakaalam ko ay dalawang oras aakyatin ng grupo ang bundok Manabo… iyon ay kung walang ligaw… subalit, sapagkat, datapwat sa kadahilanang hindi ko maintindihan ay sadyang nakakaligaw naman talaga Itong bundok na ito… halos lahat ng liko ay may kanan at kaliwa... kaya naman hirap kaming magdesisyon kung anong daan ang susundin… at dahil nga dyan ay nakailang ligaw kami bago matunton ang aming destinasyon… Buti na lamang at may asong kumahol na tila tumatawag at nagtuturo sa tamang daan… Again commercial muna… salamat sa sounds courtesy of our secretary at sa LED lamp (tama ba ako?) courtesy of Celestino (nyahahah) na napakalaking tulong kay spider***** malamang kung wala ito ay magta-transform nanaman ako… Dahil sa mga yan ay nakarating kami sa aming destinasyon… Sa buong pagmamayabang na dalawang oras na may ligaw at sa hindi inaasahang laspag na trail… oo tama ang nabasa nyo, laspag na nga ang trail ng nasabing bundok dahil base sa kwento ni Kermit the Frog at Ms. Piggy parang Gulugod Baboy lamang ito noon subalit ngaun ay parang mini Cristobal na din siya… Ano kayang klaseng akyat ang ginawa ng mga mountaineer dito at humulas ang lupa ng trail… At last campsite na! Matapos magtayo ng tent ay nag-umpisa na ang walang kamatayang patay kung patay na tagayan… nyahahaha… This is it! Ang dahilan ng akyat na ito ay socials… At kahit pito lamang kaming tumagay ng dalawang malaking bote ng paborito nating inumin ay bitin pa din sapagkat wala pa din naghanap ng dwarf at blue hawk… Subalit, iba pa din ang tama pala nito… nagkalabasan ng mga lihim… Halina at ating alamin kung sino-sino ang tinutukoy sa mga blind item na ito:

* Da hu ang small but papable fatherly na ito na pinagnanasaan daw ng isang girlalu at ginawa pa daw wallpaper sa kanyang office computer at balita ko pa ay nagbabalak daw ang girlalu na mag-join sa AMC as batch5 (hmmmm)… actually hindi lang pala isa ang nabihag nitong subject natin kasi recently lang ay may napag-alaman din akong may matinding pagnanasa dito… syempre quiet nalang ang lola nyo kasi I know na kilala nyo cia… Da hu ba ang subject natin -may konek cia sa Kape Alamid at kilala din siya sa bansag na Kermit the Frog (shhhh)...
* Sino naman ang girlet na ito na talaga namang humihirit pa kahit lahat ay nasa kanya kanyang tent na upang magpahinga… palibhasa ay walang bantay kaya naman itinodo na nya ang paglaklak… nyahahaha… napakakulit naman talaga at nag-roll call pa ng mga kasama… clue: isa siya sa dalawang sandugo (esep… esep…)
* Sino ang matagal makaubos ng kanyang lollipop? Hehehe!
* Syempre pa hulaan nyo ang mga tunay na identity ng mga ADtrek Zoo Member na naka-enumerate above… ang makahula sa lahat ng yan ay may premyo...

Matapos ang walang humpay na tawanan, kulitan at tomaan sa campsite ay nag-umaga na nga… Nag-almusal at syempre mawawala ba naman ang picture-picture… at babaan na… bakit nga ba kami nagmamadaling bumaba? Ahhhh… oo nga pala kasi ang mga girls ay nakakaramdam na ng sakit ng tyan… ay hindi lang pala girls pati pala boys, ika nga ni Happy Feet, "the feeling is mutual"… sa buong paglalakbay pababa ay walang ibang topic kundi ang EBZ… bakit nga ba iyon ang topis? Nakakapigil nga ba ng paglabas iyon? Ang kasagutan ay wala na sa aking mga kamay… mapa-baba o mapa-akyat ang trail ay di maiwasang maramdaman ang pagdungaw nito… kaya naman para maiwasan ang mga ganung bagay ay dapat dahan-dahan lang sa pagbagsak sa pababang trail at pag-ire naman sa pataas na trail… at kahit may ligaw pa ay kayang kaya ng walong adik tapusin ito ng dalawang oras (angas!)… Pagdating sa bukuhan ay supsup at lunok pa din ng napakasarap na Buko Juice at Buko Meat (jebz na jebz na yan ah) ang pinagkaabalahan ng grupo… At ng makarating nga sa baba ay… naku sarado ang paliguan at depositan… waaaaaaahhhh… buti nalamang ay napag-isip ng grupo na maglakad-lakad at maghanap ng madedeposituhan, este masisilungan… at tamang labas naman ng care taker sa bahay nito… yes! At pila-pila na nga kami para maglabas ng sama ng loob… hayyy… sarap! Naligo at lumisan na upang lumafang at umuwi… sa van ay talaga namang bulagta lahat… nakakahiya man sa mga nakasakay sa van na hindi naming kilala at nakanganga kami ay ok lang din kasi hindi din naman naming sila kilala… nyahahaha… that's what you call quits… tama ba? O pano hanggang sa muling pag-ahon…sana mag-enjoy at ma-inspire kayo dito…

P.S.
Sa mga tinamaan sa naisulat ko dito ay mangyari lamang na ipagpatawad nyo ako at ang malaki kong bibig (in English… forgive me and my big mouth… nyahahaha)… tabi-tabi po! Peace!