Oct 21, 2008

Batch4 Induction Climb @ Mt. Cinco Picos

nagsimula ang lahat sa isang imbitasyon para sa ikaapat na BMC ng adtrek... at matapos ang ilang araw na class room training, practice climbs, training climbs ay narito na nga ang labingwalo sa 26 na nagsimula... induction climb sa cinco picos, traverse to silanguin/anawangin cove.

dumating ang itinakdang araw ng pagtungo sa subic zambales upang duon ay isagawa ang simplemg induction climb ng mga bagong kapamilya, kapuso, katagay, kaasaran, kakulitan at kung anu ano pang "ka-"... balita ko nga e meron pang "ka-ibigan"... nakampu... sabi na nga ba e.

sa terminal pa lang ng gabing magkita kita ang lahat ay animo ilang daang taon ang lumipas ng kanilang huling pagkikita kita... kaliligalig, asaran dito, asaran duon... at sa unang pagkakataon e walang late sa hintayan ng buong grupo... dapat lang, kasi kung hindi, maghintay sila ng 4hrs para sa susunod na byahe o kaya naman e uwi na lang at dun sa bakuran mag-pitch ng tent nya...karamihan sa mga batch 4 ay ngayon lang susubukang bumiyahe ng gabi para sa isang climb. dumating ang tropa sa olangapo bandang alas-dos ng umagang umaga. sugod muna sa chowking upang duon matulog, kumain, mag-repack at maghintay ng jeep. sinadya ng mga organizer na may 2hr waiting time sa chowking dahil sa takot na maraming ma-late kung 3am ang alis sa pasay...buti na yung sigurado, tsaka para na rin daw mas maaga start ng climb at mas mahaba ang time para sa trekking.

ayon kasi sa aming sources ay 7hrs average ang trekking time from jump-off to campsite...patay na naman kami... at dahil lahat nga ng IT na aming nakuha sa kung saan saan ay nagsasabing 3am ang start ng byahe nila, gulat na gulat ang driver ng jeep na aming kausap... kami pa lamang daw ang magpapasundo sa olangapo ng 5am at papahatid na sa jump-off sa sitio cawag...sensya na manong, marami excited sa mga kasama namin e, heheheh.

pagbaba sa jump-off ay sinalubong na kami agad ng ilang guide duon upang pag-usapan na ang kalarakan ng mga guides duon. may bago na raw patakaran at nuong nagdaang araw lamang napag-usapan...kaya naman medyo nagulat din kami, ngunit nakiusap na lamang kami ng maayos na baka pwede wag muna maiimplement sa amin totally yung lahat ng pagbabago... pinakinggan naman po nila kami sa ilan sa aming kahilingan... salamat kay kuya binggoy, ang aming lead guide.

Photobucket Photobucket

o sya, simulan na ang lakaran, tila isang malapad na rough road ang aming unang binagtas, para tuloy naaalala ng ilan sa amin, actually 2 lang pala kami, ang ganito ring trail sa tapulao.dahil nga sa maaga kaming inihatid ay medyo maaga rin kami nakapagsimula at di pa ganun kainit ang sikat ng araw.pagdating namin sa unang ilog na kailangang lusungin, tanging tatlong tao lamang ang naghubad ng kanilang mga sapatos, at ang lahat ay masayang tinanggap ang kapalaran na magbabasa na lamang sila ng sapatos, heheheh.

Photobucket Photobucket

sa hindi maipaliwanang na kadahilanan, ang isang pobreng mama ay umabot sa dibdib ang basa ng tubig ng sya'y lumusong sa ilog, samantalang hanggang tuhod lamang sa karamihan...hmmmm...alam nyo dahilan nya? yun daw kasing isdang dala nya e naglumikot dun sa plastic bag dahil naramdamang nasa tubig, gusto raw maglublob kaya nilabanan pa nya yung pwersa ng mga isda... yah ryt, antok lang yan boy!!! matapos ang ilog, walang katapusang kalsada na naman ang aming binaybay hanggang sa marating namin ang isa na namang maliit na batis, mag-a-alas-dyes na ng umaga yun, kaya nag-isip na rin ang karamihan na kumain na ng tanghalian dahil nga sobrang aga rin naman nung agahan namin... sabi ng isa naming guide ay may isang malapit na kubong pwedeng kainan sa bandang itaas ng batis na aming kinalalagyan,yun nga lang e medyo mainit daw dun at malayo sa water source.ang siste, may ilang dun sa kubo kumain at ang ilan naman ay sa batis na lang upang sa gayon ay sagana sa inumin.

Photobucket Photobucket

matapos ang pananghalian ay sige na naman sa paglakad. pambihirang buhay yun, ang aming babaybayin ngayon ay puro talahiban at walang mga punong masisilungan at higit sa lahat, tanghaling tapat na po iyon. sigh... dahil nga inaakala naming medyo malayo pa kami e tinuloy tuloy na namin ang paglakad, alas onse pa lamang yun ngunit pamatay ang init at tila nagdaramot ang subic bay ng kahit kaunting hangin maging ang kalangitan ay nagdamot ng kaulapan. matinding init ang pumapagod sa lahat,nais mang magpahinga ay di na rin ninais ng karamihan.baket kanyo? nakampu! pag tumigil ka ay mas ramdam mo ang init ng araw dahil wala ka namang masisilungan sa trail, kaya naman ang lahat e sige sa paglakad, sa campsite na lang magpahinga.

Photobucket Photobucket

makalipas ang pinakamahaba at pinakamainit na isa't kalahating oras namin ay narating na namin ang campsite. huwat?!?! campsite na? pero teka, 1230 pa lang ng tanghali,di ba't 3-4pm ang ETA natin dito?tayo ba'y namamaligno? nag-shortcut?time space warp? hindi po, simple lamang po ang sagot.dahil kayo'y mga adik. maging ang mga guide ay nagulat sa bilis ng ating paglalakad at pagdating sa camp.wala daw marunong magpahinga sa atin ng matagal e, lakad na akala mo'y wala ng bukas, nyahahah...ano pa nga ba ang gagawin natin sa camp ng ganung kaaga? ang iba ay nagtampisaw na sa water source na malpit dun, karamihan naman ay natulog muna, habang ang iba naman ay kwentuhan at ang ilan naman ay naghahanda na para sa hapunan.

Photobucket Photobucket


matapos ang masayang hapunan, socials at program na ang tropa. dahil sa ito ay induction climb ng batch 4, bigayan na ng certificates. unang nagbigay ng talumpati si angas1, na sinundan ni tiny at ni bopek. syempre ang pang finaleng pananalita ay kay *J, ngunit sa kasamaang palad, matapos pa lamang ng unang pangungusap nya ay biglang bumuhos ang ulan, malalakas na hangin, kulog at kidlat. tila ba nagagalit ang kalangitan sa kanyang sasabihin?walang nagawa ang lahat kundi ang kumanlong sa kani kanilang tent.

ngunit makalipas lamang ng ilang minuto ay may mga sumisigaw na ampunin daw ang mga cg's dahil medyo nababasa sila sa tent nila. si macho man ang umampon ng isa, habang ang tatlo naman ay inampon ni pula at ni boy lindol. alam nyo ba kung kaninong tent yung gamit nung lima? kay kuya arn-arn, kung inyong maalala ay ito rin ang tent na umampon sa ilan ng bumuhos ang ulan sa pico.sadya yatang may 2nd floor or basement ang tent na iyon at talagang kasya ang lima kahit sa specs ay dalawahan lamang iyon.sa tent ding iyon nanggagaling ang ingay na narinig ng lahat hanggang alas tres ng umaga, panay kwento at tawanan lamang daw ang nangyari duon. inyo bang naalala ang isang ale na panay ang sigaw sa pico tuwing kumukulog at kumikidlat? nyahahahah, kasama uli sya nuong araw na iyon.isang mahabang dagundung ng kulog ang sumabay sa malakas na hangin at ulan, at sa takaot ng ale, sinabayan nya ng sigaw ang haba ng dagundong ng kulog, heheheheh. ok, lighhs off...

Photobucket Photobucket

kinabukasan ay maagang nagsigising ang lahat at nagsipaghanda ng almusal at nag-ayos ng kani kanilang mga gamit upang makababa agad at ng mas matagal ang kanilang pamamalagi sa anawangin, yun ang akala nila. 830 ng umaga ng magsimulang tahakin ang daan tungo sa silanguin cove, unang bahagi ay mahaba at matarik na pababa sa talahiban, na sinundan naman ng ilang minutong tila paikot ikot sa gubat, di kasi masyadong establish ang trail dun sa gubat, tanda na mukhang madalang ang dumaraan duon.matapos sa gubat ay talahiban na naman na kung minsan ay nawawala ang trail. deng!buti na lang at may guide.sa dulo ng huling talahiban ay isang batis ang pinagpahingahan muna ng tropa. matapos nun ay sige na naman ang lakad, or shoud i say lusong. ilang hakbang lamang mula sa batis na yun ay ang pinakamahabang river trekking ng tropa ang sumunod na eksena. talon dito talun duon, lusong dito lusong duon. akyat dito baba duon. sa luob ng dalwang oras ay puro ganyan ang eksenang iyong makikita sa kahabaan ng ilog na iyon. bagamat puro tubig nga sa ilog na iyon, sobrang init naman ng batuhan duon kung kaya't medyo hinihingal na rin ang lahat at isa nga ay sinumpong na ng migraine habang ang tatlo naman ay alalay sa kani kanilang mga tuhod. pagkahaba haba man daw ng lusungan, sa tabing dagat pa rin ang bagsak.sa wakas ay narating na rin ang silanguin cove at naruon na ang bangkang susundo sa amin, na kulang kulang tatlong oras na palang naghihintay duon.sensya na po mga kuya, hirap lang talaga nung trail. walang inaksayang sandali ang lahat, sakay agad sa bangka ng makumpleto na upang baybayin naman ang karagatan, isang oras din ang aming paglalayag sa karagatan mula silanguin patungong anawangin cove.

Photobucket Photobucket

bago pa man lumisan ang tropa sa chowking 'gapo ay nagkasundo ng mag-stay lang sa anawangin hanggang alas singko ng hapon at sabay sabay ng uuwi din ng araw na iyon. ngunit ng makita ng batch4 ang anawangin ay ayaw ng magsiuwi ng mga ito.

Photobucket Photobucket

kahit na ba napakasunduang uuwi ang lahat ay sadyang gusto nilang mag-overnyt pa sa mala-paraisong lugar na ito. pero wala kayong dalang pagkain para mag-overnyt pa sa anawangin. lahat ng problema ay may solusyon. pinakiusapan ang isang bangkero upang mamili ng kanilang mga kakainin sa kanilang pamamalagi dito,at dahil the price is right, pumayag namang mamili ang isang bangkero sa pundakit. ang walong gustong magpaiwan ay naging labing apat pagsapit ng alas singko, ano pa magagawa namin, mga adik na rin ang mga ito e, akala mo ba e wala ng bukas, heheheheh.



Photobucket Photobucket

da hu ang mga ito?:

  • sino ang nakramadam ng malakas na lindol sa campsite matapos ang ilang shot ng gilbeys?

  • sino ang nagpabango ng grand-ma, di lamang sa damit kundi sa buong bag?

  • sinong mama ang namumukod tanging umabot sa dibdib ang nabasa matapos lumusong sa unang ilog?

  • sino itong matipiuno at matikas na habang patungo sa anawangin mula silanguin ay walang habas ang pagnguya ng butong pakwan na tila ba nililibang ang sarili?dahil sa takot?wala ako kinalaman dyan ha.

  • sino ang pinay henyang nag sign language ng "paki-kuha ng dalawang manasanas dyan sa bag ko"? di kasi magkaintindihan sa bangka e

  • sino-sino ang dalawang nilalang na panay ang iwas mabasa ang sapatos kaya't pinagod muna ang mga sarili sa pag-ikot ikot sa ibat ibang bato, ngunit sa kalagitnaan ng river trekking e walang ibang daan kundi ang tubig.pinagod nyo lang ang sarili nyo, heheheh

  • sino ang bagong boy bakat ng adtrek? clue, mahilig sya sa cobra drinks at may cobra din ang kanyang trekking pole...

  • sino itong saksakan ng ligalig sa anawangin at bagsak sa papag matapos ang ilang shot ng gilbeys?

  • sino nga kaya ang nagalit na mama dahil nalasing ang kanyang inaabangang binibini?

  • sino ang most improved adik sa lakad na ito? dati rating laging sweeper, ngayon e mukhang di pahuhuli ng buhay sa paghabol sa kung sino man

  • sino daw ang takot lumusong sa dagat sa anawangin ng umulan, baka daw kasi tamaan ng kidlat ang kanyang ipin. may nagkwento lang sa akin nyan ha..
  • sino ang pobreng nawalay sa mahal nyang sapatos dahil naiwan sa bus nuong pauwi na?kaya nga may plus 10 yung bag e, heheheh
  • sino sino ang members ng ACG at ano ang ibig sabihin nito?

  • at ang pinakabonggang bonggang katanungan ay ito: sino ba itong nilalang na nahulog ang kaluoban sa isang dalaginding (bata pa raw kasi sya e, heheheh) sa luob ng buong BMC training? at ito nga ay tinaguriang "ISANG BMCng PAG-IBIG"


Photobucket Photobucket

sa bumubuo ng adtrek batch 4, congrats sa inyong lahat. nawa ay may mga napulot kayong aral sa ilang buwan nating pagsasama sama sa BMC training nyo. at nawa ang mga bagong kaalaman ninyo, lalo na sa pangangalaga sa kalikasan at ligtas na pamumundok, ay inyong isabuhay. taas kamay kami sa lakas, pagkakaibigan at higit sa lahat ay ang ipinakita ninyong ka-adikan.

Photobucket

hanggang sa muling pag-ahon...