Sep 24, 2008

sa dako paruon...

itong buwan lang ng setyembre ay dalawang adtrekkers ang lumisan patungo sa ibang dako ng mundo...masakit man sa kaluoban nila ang iwan ang mga minamahal na kampilya, kapuso at ka-adtrek ay kinailangan daw nilang gawin yun upang hanapin ang mas magandang kinabukasan para na rin sa kani-kanilang mga pamilya.

una, si adik na momsie, tumungo sa lupain ng mga kangaroo. alay sa kanya ng tropa ay ang anniv climb na sya nyang nais huling maakyat ngayong taon. syempre pabaon ay ilang patak ng luha, mga paalala at masasayang huling sandali... o ang atay wag kalimutang ingatan ha....

Photobucket

sumunod naman ay si kathy putik, tumungo naman sa fine country (fine as in penalty, heheheh). handog ng batch4 ang "takbo para kay putik" este kathy pala. 15 kasapi ang nakilahok sa huling takbo nya dito sa gateway kasama ang mga adik na lagi nyang kasama sa mga akyatan at takbuhan. syempre, matapos ang pagbabawas ng ilang fats and calories, kailangang palitan yun, kaya last supper naman sa bulaluhan, nyahahahah.... wag ding kalimutang ingatan ang atay ha...

Photobucket

sa inyong dalawa, lagi nyong pakatatandaan, saan man kayo magpunta ay naruon lamang kayo at narito naman kami, heheheh....

sa kasalukuyan, ay nasa 15 adtrekker ang nasa iba't ibang panig ng mundo upang hanapin ang kani-kanilang mga kapalaran duon. saan mang dako sila ngayon, mananatili silang adtrekker, mga taong nagnanais umakyat ng bundok, mga taong mangagalaga sa kalikasan in their own little ways, at mga taong mananatiling mga ADIK....

sa inyong lahat, "hanggang sa muling pag-ahon"