Sep 4, 2008

Ang Naaalala Ko Lamang po sa Nagdaang Kaarawan ng ADTrek…

by Shine Romero

Mula sa dating tagpuan ay nagtipon-tipon ang mga bundok-lover at ilang kamag-anak at kaibigan, nang makumpleto ay tinahak ang papuntang batangas kung saan naroon ang bundok na pagdarausan ng kaarawan ng grupo… may ilang nawala sa daan ngunit nakarating din naman… nananghalian, nagluto para sa hapunan at nagpasyang umakyat na ang grupo…

Photobucket

Sa pag-akyat, imbes na ang mga bata ang alalayan at pagpahingahin ay ang mga beterano at beterana ang nagmamakaawa sa mga bata na mgpahinga muna at wag bilisan ang paglakad… concerned kaya sa mga bata baka madapa at mapagod o kabaliktaran? Hahaha… I smell something fishy… dahil sa hindi paawat sa pagakyat ay narating na din ng mga bundok-lover, family & friends ang campsite kung saan idaraos ang kasiyahan…

Habang nagtatayo ng tent at nagluluto ng hapunan ay hindi mawawala ang “picture-picture”… na hindi na bago sa grupo kapag sinabing solo ay ang photographer lang ang nagsosolo sa pagkuha at lahat ay andun nakaporma na magpakuha..nyahahaha… ibang klase talaga ang mga bundok-lovers. Habang kainan, ay may taga batch4 na nagbabantay sa mga pagkain… akala ko may catering service na ni-hire ang grupo eh… ang lupet! Hmmm… o baka naman di na makayanan ang amoy ng pagkain at yun ang napili nyang pwesto… I smell something fishy ulit…

Photobucket

Matapos ang hapunan ay itinuloy na ang kasiyahan… aba kita mo nga naman oh… hindi handa ang grupo ah at may “Program” pa… habang iniisa-isa ang mga nakatatanda este beterano (officers) ng grupo ay may natuklasan ang lahat… Alberto Jr. pala ang pangalan ng namumuno at screen name nya lang ang Jojo… hehe… huli ka! Matapos magbigay ng “inspiring messages” ay ang mga representative per batch naman ang nagsalita… nalungkot ang grupo sa balitang paglisan ng isang bundok-lover… pero naampat naman agad dahil sa mga pabaong salita ng grupo… lalo na ang walang kamatayang… “ingatan ang atay”… kung ano man yun… pakitanong nalang sa bise presidente natin…


Matapos ang happy and sad moments ay inumpisahan na ang palaro… hinati sa dalawang grupo… ang team 1 at team 2 na pinangungunahan ng presidente at bise presidente na sina Sir Alberto also known as “Jojo” at Sir Jonathan also known as “Ave” para sa team 1… at para naman sa team 2 ay sina kalihim na Eye at ingat yaman na Ericson also known as Bopek… unang pinaglabanan ay ang patigasan ng itlog… nasaksihan ng lahat na hindi pahuhuli ang mga babae sa patigasan ng itlog… sa una ay lumalamang ang team 2 ngunit nahabol p din ng team 1… at dahil nga tabla ang 2 grupo… ay ang mga namumuno nmn ang nagtunggali… panalo ang team 1 sa unang palaro… paningit muna… dahil sa pangyayaring iyon ay sumikat ang bagong salita… ang “Time Breaker” also known as Tie Breaker… san kaya galing yung “m”? hmmmm…baka sa manok kung saan galing ang itlog… joke…peace tayo!

Sa pagpapatuloy… ang pangalawang pinaglabanan naman ay sipsipan challenge… akala ata ng team 1 ay inuman at namili sila ng malalakas uminom ngunit ang kailangan pala ay magagaling lamang sumisipsip pero mahusay din bumuga..kasi ililipat lang pala ng lagayan… how sad... excited p nmn ang team 1…hehehe… tie na ang magkatunggaling grupo… at ang sumunod ay itlog challenge nanaman at ito ay tinaguriang labas pasok na itlog… panalo nanaman ang team 1 namili kasi sila nang magkakasing tabas ng taas este damit pala… at ang huling maglalabanan ay ang supsupan challenge na kapatid ng sipsipan challenge… nagpoprotesta ang team 2 dahil nagpalit ang team 1 ngunit dahil wala sa pinagusapan na bawal ang magpalit ng player ay tuloy pa din ang laro… at dahil sa mga beterano sa supsupan ang mga player ng team 1 ay sila pa din ang nagwagi… congratulations sa team 1!

Matapos ang masayang itlog challenge & supsupan-sipsipan challenge ay back to socials na ulit… dito hiningan ng message ang mga guests kung ano ang feeling nila sa experience nila sa anniv climb… mukhang na-brainwash na sila at magaganda ang mga mensahe… naghandog ng kanta ang ilang magagandang dilag ng batch4… at pagkatapos ay nagpa-raffle ng ilang mga bagay… pang-finale pa ang Christmas light este colorful LED light ni Kathy… nice nice… si matt mangyan pala nageevolved… yan ay dahil sa mabilis na camera ni Kathy at nakuhanan ang malupit na makalaglag p... (panga) na pic ni Matiyo… maraming tv commercial na offer sa kanya ngayun… nariyan ang white castle at red horse… peace din tayo! Best wishes sayo… hehehe… kwentuhan at tawanan, hanggang sa maubos ang agua de pataranta… nagsitulog na ang iba habang natira naman ang uhaw pa… at pilit nagko-concentrate kung pano i-turn into wine ang sprite, Gatorade at iced tea…how sad… -lights off-

Photobucket

Kinabukasan… picture-picture na walang humpay… bumaba at nagbeach… may nawawalan ng damit pang-uwi… hanggang sa hindi kinaya ang silakbo ng damdamin at naluha… pero nakita din nmn ang nawawala… happy ending din pala… at naguwian na… sa uulitin…

<<<<<<>>>>>>
  • kaninong linya 'to "anak hintayin mo ang daddy, dahan dahan lang" --- habol!!!
  • sino itong batch3 na masyadong nanggigil sa tsupon ng feeding bottle? ingat-ingat baka makasugat!
  • kapag lumalalim na ang gabi at nais nyo pang magtawanan, shift to "balikat mode" para di nakakaabala, heheheh
  • mukhang napaaga ang feeding program ng adtrek at sa breakfast pa lang e tinatakal na ang kanin, nyahahah
  • tama bang magpahilod ng katawan sa gitna ng dagat
  • sa unang pagkakataon ay hindi inulan ang batch4, sino sa mga di nakasama ang may balat sa pwet?
  • may isang nabuhay muling batch2 member na sya pa ang pinipilit umakyat ng kanyang sinta. swerte ka bosing, ikaw ang pinipilit, yung ibang kilala ko gagawin ang lahat payagan lang makaakyat, bwahahahahah...
  • isinama rin ng muling nagbabalik na batch3 ang kanyang kabiyak, ang wika nito ay masarap palang umakyat, uulit pa raw sya. ayan, may basbas ka na, sa susunod na minor climb e sama uli kayo ha, wala ka na dapat dahilan, isama mo na rin sa batch5 para mas maganda
  • nuong 2nd anniv ay isang member ang nagpaalam sa pagiging binata, ngayong ika-apat na taon natin ay dalawang matitipuno ang magpapaalam na rin sa buhay binata, makakaakyat pa rin kaya sila after ng kasal? abangan ang susunod na kabanata...
  • mas mabilis ang inyong jeep na sasakyan kung may extrang "horse" power, di mabibitin sa paahon yun, heheheh
  • kapag pagod na at naglalakad pababa sa kalsada, subukan ang pabaligtad na lakad...baka naman patalikod? which is which?
  • salamat nga po pala sa lahat ng nag-pledge
<<<<<<< >>>>>>>

matapos ang apat na batch ng bmc, ilang outreach programs, ilang parties at 2-bottles, humigit kumulang apatnapung climbs at beacheneering, narito't ipinagdiriwang natin ang ika-apat na taong pagkakatatag ng samahan ng adtrek. isang samahang nabuo upang di na muling maranasan ang sinapit sa napulauan, mga taong naghahanap ng outlet sa mga napakagulo at maingay na buhay sa lungsod, mga taong nais magbawas ng stress sa trabaho at ilang tao na nais lang ng sariwang hangin at konting katahimikan. tulad ng isang alak, habang tumatagal ang samahan ay lalong sumasarap...lalung nakikilala ang bawat isa.

at tulad ng laging tinuturan ni katotong d' mabolo... "hanggang sa muling pag-ahon!"

<<<<<<<>>>>>>>

"Congratulations to everyone of batch 4 who were instrumental to the success of our 4th anniversary climb. we're sure we will share a long road of responsible mountaineering." --- officers