Aug 7, 2008

Batulao DayhikeTraverse (BMC4)

nagsimula ang lahat nang maudlot ang planong pag-akyat sa tarak ridge sa bataan sa kadahilanang nataon sa EOQ ang araw ng sana'y pag-akyat. kundangan ba naman kasi e walang tumutol nung ilabas ang schedule na yun at kung kailan malapit na e tsaka sinabing eoq churva daw yun... sigh...baka naman di rin nila alam na eoq.. baka nabigla rin ang lahat paggising nila isang araw na eoq pala...yah ryt! anyways,ito na nga ang ipinalit muna sa naudlot na tarak, practice climb-dayhike-traverse ng batulao plus yung naunang dayhike traverse sa maculot (na lima lang ang tumuloy).

eto na po... halu-halo na ang mga ideyang ito...bahala na kayo mag-isip kung hi o lo lyts o lessons learned o kakaibang pangyayari o kung ano pa man...

Photobucket

14 out of 26 ng batch4 ang sumama

3 out of 14 ang late...tradisyon na yatang talaga o sadyang may sumpa lang sa adtrek na laging may ma-late sa bawat lakad...sigh...

inyo bang naalala ang CG's (conquer girls), eto na naman po sila...this time, kumuha pa ng isa pang kakampi...

kung inakala nyong nakita nyo na lahat ng mga "di sinasadyang magkakaparehong gamit" nagkakamali kayo... may ilalabas pa pala, sa pico e puro gray/black shirt suot nila, ngayon naman e red shirts naman at terno pa ng mga sapatos...as in size lang yata ang magkakaiba... pero di ko lang din sure...baka pareho din yun, nyahahahah

sa meeting place pa lang ay may mga naghahanap na ng shovel...hmmmm

sino kaya itong naglabas ng lampin, na ang sabi pa ng iba e bigkis, at itatali daw nya sa nuo nya... kung bigkis man yun, para syang si bondying nun, nyahahah

ano ang gagawin mo kung sa ilang patak ng ambon ikaw ay nagsuot ng poncho habang ang iba ay naka cap lang o payong? masaklap nito, biglang tumigil din ang ambon? ano ang gagawin mo? huhubarin ang poncho? magmamatigas kang isuot yun kahit wala ng ulan o ambon man lang...kahiyaan na 'to e...o manalangin na sana ay umulan para di naman sayang ang suot?

masarap na trail food ang saging, kaya bumili sa nasalubong na ale.sabi e matamis daw,pero may nagsabing mapakla pa. alam nyo sabi ng tindera? "dapat e bukas mo pa kinain para siguradong matamis na".... yan kasi reklamo pa e, nasisi ka pa tuloy...

sa batch1 ay nabuo ang pangungusap na "distansya amigo!"... mukhang di naituro ito sa batch4...matapos kasi ang pananghalian at magsimula ng i-assault ang summmit,marami ang humuhiyaw sa daan... tila raw ba may kung anung "nakalalasong amoy" ang pinakawalan... nanghina ang mga nasa likuran... makailang ulit na pumailanglang ang hiyaw ng mga tumatangis at naghihinagpis...

matiwasay namang nakarating ang lahat sa summit kahit na nga may tila isang golum daw ang gumagapang sa ridge line habang binabaybay ito...inyo pa po bang naalala yung may tama sa heights sa pico? heheheh

kung ikaw ay magbibiro, piliing mabuti... may nagbiro kasi sa telepono na napakalakas daw ng ulan at hangin sa itaas nung mga oras na iyon kahit na foggy lang naman.wala pang 5 minuto ang nakalilipas matapos ang usapan ay bumuhos na nga ang pinakamalakas na ulan at hangin na inabot namin sa climb na yun...bilis na talaga ngayon ng karma, nyahahaha...

Photobucket

may isang mamang mangyan na pasaway, makulit habang nag-aasist ng mga pababang chicks...pi
napipili nya ang mga ito kung sino mag-assist... sa gwapo (mangyan) daw ba o sa macho... sa pagkakataong yun, mas marami pumili sa macho... mas sigurado raw na maibaba sila nito e, nyahahah...

"bopek tama ba dinadaanan ko?" "bopek dito ba ako aapak?" "bopek, ano ba..pansinin mo naman ako...." ilan sa mga katagang namutawi sa ating guro...paano ba naman, di raw sya pinapansin ng bopek (na syang nangangasiwa kung sino ang bababa at kung saan dadaan) dahil daw may iba pang ina-assist ang bopek...may favoritism daw ang bopek... di naman, malaki lang tiwala nya kay mam, beterana na yun e, heheheh...sabi ko beterana ha, hindi matanda... peace!!!

bakit kaya nauna pa sa bukuhan yung pangatlong group?naruon na ang una at pangatlo pero wala pa ang pangalawa...alam nyo kung bakit?dun kasi pumunta sa "biglang liko" imbes na dumerecho... yun kasing takot sa kidlat e nalito daw dahil maulap (baka kinakabahan na baka kumidlat na naman kaya nagmamadali) at traverse daw sila ngayon kaya ganun...buti na lang at kasama nila ang macho at nakakita sila ng local na naghatid sa kanila pabalik sa tamang daan, nyahahaha...kung sabagay, yung dinaanan naman nila e pabalik pa rin sa jump-off, mas mahirap nga lang kasi akyat-baba daw, heheheh...

may nakasama na ba kayong umakyat na puting puti ang damit nung magkita kita sa meeting place nung umaga pero naging kulay tsokolate na pagbalik sa jum-off?ikaw na magpadulas sa tila lubluban ng kalabaw na trail...tingnan lang natin kung di mangyari sayo yun...disposable naman daw yng damit nya e... mura lang naman daw kasi, heheheh

kung may masalubong kayo sa daan na mga paakyat na mga nakapaa sa putikan at tingin nyo ay kailangan ng tulong...suriing mabuti at baka mga "suplada" e tablahin ka pa...yan kasi ang himutok ng machong mama, nag-alok na nga daw sya ng tulong sa aleng nakapaang lumusuong sa putikan e sinupladahan lang daw sya... hanggang sa nasa byahe na e masamang masama pa rin luob nya dun sa suplada, heheheh

yung parehong grupo na lumulusong sa putikan alam nyo ba ginawa ni mam sa kanila?tinakot!!! na bakit daw sila nakapaa sa putikan e marami daw bulate dun, nyahahah...ayan macho, ibinawi ka pala naman ni mam e, heheheh.sabagay tama naman yun, baka kung ano pa ang maapakan nila sa putikan at kung ano pa pumasok sa katawan nila...

sa bundok, pag bumili ka ng buko natural na walang kasamang kutsara yun...papagawa ka dun sa nagtitinda ng kutsarang gawa sa pinagtabasan nung buko mo... sabagay sabi nga nila mam, pang masa lang yung ganung gawain e... di raw alam ng mga RK... or better yet e VRK, nyahahah... wala din daw kasing ganung tinda sa TNF kaya di nya yata alam, heheheh...

the who itong batch4 na matindi ang gayuma sa mga kalalakihan? akalain nyo ba namang nabangga nya lang ng kaunti yung isang taong grasa dun sa may hi-way e di na sya nilubayan... lagi ng nakadikit sa kanya nung nasa tindahan habang naghihintay kami ng masasakyan... hanggang sa ng makasakay na kami sa aming jeep e andun pa rin sya.. at ng magsimulang umusad ang aming sasakyan ay tila ba naghuhumiyaw ang kanyang damdamin at sinasabing "wag mo akong iwan!!!!" ang lupet mo talaga... clue, member ng CG's, heheheh

kung ang CG's nuong pico climb e hindi mga nagsipagpaligo, ibahin nyo sila ngayon... sila lang po ang bukod tanging naligo sa bahay ng gawapo at ang iba naman ay nagpalit na lang ng damit at wet wipes (na amoy baby daw, buti na lang at di amoy baby na bagong lungad, nyahahah) at alcohol treatment. lintek naman kasi lamig dun sa tindahan nina gwapo e... hindi ma-i-off yung napakalakas na electric fan...

para daw makatipid sa tubig at mas mapabili ang paliligo ng mga girls, pwede naman daw sabay e, wala na lang daw pintasan, nyahahahah... henyo ang nagwika nito e...

bawat akyat na pinagsasamahan ng mga ito ay lalong nagpapatibay ng kanilang bondying, este bonding pala... unti unti ay nawawala na ang mga hiya ng lahat sa bawat isa, nadaragdagan ang mga ka-close na tropa, nakikilala ang lakas at kahinaan ng bawat isa. na isa naman talaga sa hangarin ng mga ganitong gawain, ang pagbuklod buklurin ang mga taong may pare-parehong pagnanasa este pagnanais na i-enjoy ang ganda ng ating kalikasang likha NIYA...

PS.. yung tatlo dyan na nag maculot traverse e hinahamon ang buong batch4 na mag-maculot traverse daw silang lahat, sasama daw uli silang tatlo matuloy lang...