Jul 16, 2008

BMC4 Training Climb - Pico de Loro



ADTREK BMC batch 4... sadyang napakabilis ng panahon at sinong mag-aakalang mag-aapat na taon na ang samahang nabuo sa isang inuman sa sembrano... at ngayon nga ay katatapos lamang ng unang training climb ng BMC4. sa kabuuan ay naging masaya at makabuluhan para sa mga baguhan at nagnanais maging kapamilya at kapuso ng adtrek. narito ang ilang high lights at low lights ng nagdaang akyat. kasama na rin ang ilang kakaibang mga pangyayari...

  • 16 out of 26 ang sumama sa pico climb
  • 3 out of 16 ang late, yung isa nga e late na late, buti na lang at may van kaya nahintay pa
  • on time pa rin nakapag-start ang trekking dahil adik yung driver ng jeep na naarkila at yung driver nung van
  • malalakas pala ang batach 4,di humihingi ng pahinga at nagagalit pa ang iba pag panay ang break, maliban sa mga "bayani" na pinasan ang buong mundo
  • 12 out of 16 ang umakyat sa beak, yung 4 kasi ay may mga tama, isa may tama sa tuhod,isa may tama ang sapatos, nakanganga na, isa may tama sa heights...at yung isa naman ay tamang tinatamad lang dahil naakyat nya na yung beak before...
  • na-late lang ng konti ang balik sa denr dahil mukhang nag-enjoy sa falls... or di yata naisama sa IT yung pagdaan sa falls... sino ba kasi gumawa nung IT?
  • mostly ng itinuro sa classroom training ay nai-apply naman ng batch4... good job!!!



Photobucket

collage by eye

dumako naman tayo sa mga kakaibang mga pangyayari

  • nabuo ang tinatawag na conquer girls...t-shirt, pants, bag, backpack cover, ay parepareho ang tatlong dalaga, sayang nga lang daw at di nakasama yung isa, apat dapat sila.may discount kaya sila?
  • ang conquer girls ay pare-pareho din ng poncho na nabili naman daw sa ace, pero di raw sadyang nagkapare-pareho ang bili nila dahil di naman daw sila sabay sabay bumili, yah ryt!!!
  • 2 sa conquer girls ay pareho pa ng sandals na gamit sa campsite, sandals na usually sinusot ng mga abay sa kasal!!! nagreklamo pa ang isa dahil mas mahal daw ang bili nya nung sa kanya...light weight nga naman yun!!!
  • 1 sa conquer girls ang matindi ang ritual during trekking at pagkagising, maglagay ng press powder... deng, in my 12 years of climbing, ngayon lang ako may nakasamang ganyan... astig!!! kaya naman may hon na sya bago bumaba, heheheh
  • may isang babae ang natapatunayang nawawala sa sarili tuwing nakakainom, sabihan ba naman ng parang kutson yung sinasandalan nya na nagmamasahe sa kanya at bagay daw sya sa pico dahil maraming kawayan... bwahahahah
  • na tuwing sinasabi ni master bets ang "go girls" ay bumubuhos ang ulan... baka naman na-tsambahan lang...
  • prepared pati sa pagtulog ang batch4, akalain mo may dalang poncho sa luob ng tent, at ng bumuhos ang ulan ay nakasuot ang tatlong basang sisiw ng poncho sa luob ng tent habang natutulog, nyahahah
  • ang tatlong basang sisiw ay pinalipat sa isang tadpole tent na may laman ng 2 tao, paano kaya sila nagkasyang lima dun sa buong magdamag... hmmmmmm
  • ang jac di raw nakatulog dahil may jacuzzi sa luob ng tent nila, pero yung kalahating side lang, yung side lang nya, nyahahah....
  • may 2 chicks na takot pala sa kulog at kidlat. tuwing lumiliwanag ang maulan at madilim na kalangitan ay duet na sumisigaw ang dalawa ng "aaayyyy". mukha nga lang na- OA itong isa at ng magbukas ng headlamp ang kasama e sumigaw pa rin... nyahahahah may kidlat sa luob ng tent!!!
  • ang mga adik, tila ba may babagansya sa kanila nung nagso-socials at may sumigaw na "ayan na ang ulan"... kanya kanyang dampot ng mga gamit,pagkain at takbo sa kani kanilang tent...mga di pahuhuli ng buhay
  • saan ka nakakita na ang pouch bag ay mas malaki pa sa clutch bag na usually ay dala dala ng mga bodyguards...

lessons learned:

  • kung nais ng magagandang picture, dalhin ang sariling camera at wag iaasa sa iba ang hirap ng pagdadala
  • distribute the load equally to the whole group para naman lahat ay enjoy while trekking hindi yung iba ay hirap na hirap
  • pag sinabing shortcut ay hindi nangangahulugan na mas madali ang daan, mas maigsi lamang po
  • kahit na t-rex mode ka,dapat pa ring magdala ng emergency food mo at ng hindi kayo nagugutom kung maisipan nyong mauna sa trail at walang datnang softdrinks o pagkain sa jump-off
  • wag itago ang mga pagkain sa luob ng tent at baka may mabait na alaga sa taas at butasin ito para mkuha ang pagkain sa luob

leave nothing but footprints...and the mark you leave behind when you slide

kill nothing but time... and your toe nails on your descent

take nothing but pictures... display nothing but your own pictures