Jan 31, 2008

Mt. Maculot Clean-Up Climb

nagsimula bilang usapang lasing ang clean-up climb ng maculot nuong christmas party ng adtrek. dahil sa taal na taga-cuenca ang mabolo, hindi naging mahirap para sa kanya na isaayos ang lahat ng kailangan matapos mapagkasunduang ituloy ang maliit ng proyektong ito. ilang tawag sa malakanyang at national defense, este brgy hall at sa mga brgy tanod pala at kay konsehal ay naisaayos na ang paglalagakan ng makokolektang basura.

Photobucket

nanawagan ang pamunuan ng adtrek sa lahat ng kasapi, sa una'y marami ang nagsabing "count me in", "sama ako dyan" at "itala mo na pangalan ko sa final list", ngunit sadya yatang napakaramingdi maiiwasang bagay-bagay at pangyayari ang dumarating sa mga kasapi kaya ng lumaon ay anim lang na adtrek ang natuloy. mabuti na lang at may apat na magigiting na panauhin kaya naging sampu ang final count.

Photobucket

enero 26 ang araw ng pamumulot ng basura, nahati sa dalawang grupo ang pag-akyat, isang 9-man team at isang 1-man team(nyahahahah, team ba yun?) ang umakyat at sa summit na lang nagkita-kita, muntik na kasing di makasama yung nagsolo sa pag-akyat e, pero nagawan naman daw ng paraan. matapos ang pananghalian at siesta at kaunting kodakan, ayun na! kalkalan na ng basura sa campsite na animo'y mga scavengers sa smokey mountain. may ilang grupo ang tila nag-iisip kung ano ang aming ginagawa at wala kaming tigil sa pagsako ng mga nagkalat na bote ng alak, sopisdrink, mga plastikware, balat ng chichiria, mga lata at kung anu-ano pa. akala siguro nila ay ibebenta namin sa junkshop sa ibaba... dah!!!! pero sumagi rin yata sa isip ng ilan sa amin yun para may pang merienda kami, heheheh. di kalaunan ay napagtanto nilang isang clean-up climb pala ang aming pakay sa bundok na 'yun. mukhang na-engganyo ang mga boyscout ng SCPS na magbaba rin ng basura kaya hayun, nag-iwan kami ng tatlo o tila lamang sako yun. kung nagbaba sila, di na po namin nasaksihan. kung hindi man, ok lang din basta di rin sila nagdagdag pa ng basura sa itaas. pero kung sakali mang nagbaba sila, mabuhay kayo!!!

Photobucket

bakit maraming basura sa itaas ng mt. maculot at maging sa iba pang bundok? ito marahil ang tanung ng ilan... simple po ang sagot, bagama't kabi-kabila na ang nagbibigay ng BMC (basic mountaineering course) sa mga nagnanais umakyat, sadyang may mga taong walang pakialam sa kalikasan. walang habas ang pagyurak at paglapastangan sa kagandahan ng lugar na kanilang dinarayo. sa kaso ng maculot, marahil sa dahilang malapit sa manila, madaling akyatin at di ganung kalakihan ang gastos sa pag-akyat dito, marami ang tropa tropa na nagpupunta rito. nakalulungkot nga lang na ang iba ay sadyang matigas ang ulo at matigas ang mukha na nag-iiwan ng mga basura dito.

Photobucket

sa kabuuan ay nakapagbaba ang tropa ng labindalawang sako ng basura nuong araw na iyon, bukod pa yun sa naunang nag-clean-up climb nuong nagdaan pang linggo.

Photobucket

sabi nga ni oldskul aka mabolo, sistema lang ang kailangan upang mapanitili ang kalinisan hindi lamang sa maculot kundi maging sa iba pa nating kabundukan. nais ko lang dagdagan ang kanyang opinyon, maliban sa maayos na sistema, malaking bagay din ang disiplina ng bawat umaakyat. wag nating kalimutan na tayo ay dayo lang sa ating bawat bundok na inaakyat. di kailangan ng matinding BMC para ating malaman na "MALI" ang mag-iwan ng basura sa itaas ng bundok o kahit saan pa man, maliban sa basurahan. sentido komon lamang na ang basura ay sa basurahan dapat ilagay at hindi dapat iwan sa kabundukan.

salamat sa nga pala sa kay kauste para sa pagtugon at sa ilang mga litrato dito. hanggang sa muling pag-ahon...