May 18, 2005

the road less travelled

unang nagising bopek, just in time sa kanilang wake up call. nag-ayos ng mga gagamitin, nagluto ng para sa pack lunch, naligo ang ilan. oo, ilan lang ang naligo dahil naligo naman daw yung iba bago natulog nung nagdaang gabi. nang makakain ng agahan ay naghanda na ang lahat para sa mahabang lakarin sa araw na yun. paglabas ng kwarto ay dun namin napagtanto na tanaw sa likuran namin ang summit ng mt. kinabalu. ito na ang pinakamalapit na pagtanaw namin ng mga oras na yun. picture picture muna bago nagtungo sa reception.

pagdating sa registration area ay nagbayad kami at inayos ang lahat ng dapat ayusing permits at guide. marami kaming inabutan at nakitang aakyat ng araw na 'yon. karamihan sa kanila ay european. at karamihan din sa kanila ay balot na ng mga jacket kundi man wind breaker. tila ba giniginaw sila. kami? ang attire namin ay ang usual na suot namin kung mamumundok sa 'pinas. t-shirts at shorts or jogging pants, arm guard at leggings... kaya naman siguro napapatingin sa amin ang ilan. pero patitinag ba ang 'pinoy? syempre hindi... wala kaming pakialam kung ano man ang tingin nila sa amin.



sa registration, inakala ng bantay na timpohon-timpohon trail ang kukunin namin, which is the usual trail na kinukuha ng karamihan, pero sinabi naming timpohon-mesilau ang gusto namin, medyo maangas kami eh. mas mahaba ng 2km ang mesilau trail kesa timpohon. nag-suggest ang mga bantay dun na gawing mesilau-timpohon na lang. dahil daw rolling ang mesilau, baka mapagod kami kung sa pauwi namin kukunin yun. nang sabihin nyang rolling trail ay inisip namin na simpleng taas baba lang mga tipong 10-20m up or down ba. so ang nangyari, mesilau-timpohon nga kami, dagdag kami ng 12 ringgits para sa guide. hintay pa kami ng ilang minuto, medyo naiinip na ang grupo, excited ng pahirapan ang mga sarili. heto na, lumapit na sa amin ang magiging guide namin, sya daw si spencer. mukha naman syang mabait at tahimik. nang iabot na nya ang magiging ID namin sa climb na yun, lalong na-excite ang mga kumag. hindi basta basta yung id, maangas din ang dating.

sakay na kami ngayon sa isang van na may tatak na "bas mini", damn, eto pala yung sinasabi nung ilang driver sa city. malay ba naman naming van pala yun at hindi mini buus. inihatid na nga kami sa aming jump-off, mesilau nature resort. kulang kulang 20 minutes din ang byahe, maayos ang dinatnan naming jump-off point. isang bahagi pa rin ito ng kinabalu national park. dasal muna, nagpasalamat sa ligtas na pagdating dun at humingi ng guidance at lakas para sa araw na 'yun.

heto na, wala ng atrasan. simulan na ang pahirap sa sarili. nagsimula kami sa elevation na almost 1,800MASL. unang bahagi pa lang ay paakyat na at may mga hagdan agad ang dinaanan namin. buti na lang at di naman sementado yung mga hagbdan, nilagyan lang nila ng baytang yung ilang bahagi ng trail, marahil ay upang ma-preserve yung trail ng matagal. at bakit nga ba hndi? sa dami ng umaakyat dito taun taon ay di malayong masira nga agad yun kundi lalagyan. halos di nagkakalayo ang trail dun at sa mga kabundukan natin dito sa pinas. kaya ok lang yung attire namin, hahahah.... tama yung preparation namin.

kada 500m-700m ay may madadaanan kang mga shelter or "pondok" na may mga toilet or "tandas". tuloy pa rin ang lakad namin hanggang maabot namin ang elevation na 2100 at wala pa rin kaming makitang rolling na trail. pero teka, ano 'tong nasa harapan namin ngayon, isang walang katapusang pababa? ito ba an tinatawag nilang rolling terrain. dahil wala naman kaming choice, hala sige!!!! baba! baba pa, sige lang... hanggang sa di namin namalayan na mahigit 200 meters na pala ang ibinaba ng elevation namin. nakampu! panu naman namin mararating agad yung 3,300MASL+ (elevation ng laban rata) kung ganito ang dadaanan namin.

sino na naman bang adik ang nakaisip na ito ang daanan? bukod nga sa mas mahaba 'to ng 2km e may pabababa pang 200meters. pareho din naman papuntang summit yung timpohon at mesilau. mukhang malapit ng palitan ang pangalan ng grupo ah, ADTREK - ADik TREKker.


nang daanan namin ang isang tulay, sinabihan kami ng guide namin na puro pataas na raw 'to, promise! di nga sya nambobola, puro pataas na nga, walang humpay na pataas, may mga gradual, merong steep. may maugat na daan, flat pero pataas pa rin, at syempre mawawala ba yung mga hagdan. nakakaramdam na ng pagod ang aming muse, dito na nabuo ang strangler group. nahati sa 2 ang group, yung apat na maaangas ay sa lead group, habang ang muse, ang hairstylist, ang kapreng walang tigil sa paghithit ng yosi at si bopek ay nasa hulihan kasama ng guide.

at kung sakali nga palang may madadaanan kayong tulay o trail na may chicken wire, dun kayo dadaan sa chicken wire ha. inilagay yun dahil may dahilan. wag nyong gayahin ang isang pasaway na iniwasan ito at anu ang nangyari? nadulas lang naman, bwahahah!pasaway. para saan ngayon ang chicken wire?

sabi sa BMC yun daw pinakamalakas sa group ang dapat nasa sweeper group... e ano naman ang ginagawa nung tatlo sa likod kasama nung muse? malalakas ba sila... oo naman! yung hairstylist, malakas ang appeal sa girls... and boys? chickboy yun eh, pwede sa chick pwede sa boy. ang kapre aka choco, malakas din. malakas magyosi at magsabog ng bio gas. si bopek, ah malakas din yan, malakas humilik pag pagod, bwahahah!! so yung tatlong malalakas na yun ang tumulong at naghintay kay muse.



nagpatuloy sa paglalakad ang grupo hanggang sa abutan sila ng isa pang grupo. 1 girl(burmese) at 3 boys(singaporean). pero kakaiba sila, yung babae ang astig. yung mga lalaki ang medyo mabagal. inunahan nila kami habang nagla-lunch, pero ilang sandali lang ay inabutan din sila ng strangler group. 2 sa kanila ay sinusumpong ng pulikat. dahil likas sa pinoy ang palabati at pagiging matulungin, nag-suggest ang isa na pakainin ng konting asin yung mga pinupulikat. wala daw silang dala, kaya nanghihingi sila ngayon sa amin. kaso mo, nasa lead group, ang meron lang kami ay ang maalat at maanghang na nagaraya. yun na lang ang inabot namin sa kanila. sa simula ay dalawang isip pa sila kung kukunin, siguro'y iniisip kung niloloko ba namin sila. so naging friends namin sila at nagkukumustahan tuwing magpapaang abot kami.



mukhang di pa sapat ang pahirap, bumuhos ang ulan. so ang nangyari, nabawasan pa ang strangler group, medyo giniginaw na raw sya at pagod na kaya mauuna na raw sya. biruin nyo? iniwan ng isang mama yung muse... paano na lang ang wagas na pagmama.... lasakit sa isang kai-bigan. nakakaramdam na rin ng pagod at over fatigue ang tatlong natitira sa strangler group... halos nakakatulog na sa tuwing mapapadaan at magpapahinga sa mga pondok. pero kahit anung mangyari ay wala pa ring iwanan ang mga ito, di tulad ng iba dyan...



at sa hinaba haba man daw ng lakarin at pahirap sa sarili ay narating din namin ang laban rata... tila na ang ulan at medyo malamig na ng dumating kami. pero dahil pinoy at feeling namin ay nasa pinas lang kami kahit na medyo malamig... naka t-shirt lang kaming dumating dun. picture taking muna sa labas, sinasamantala ang magandang tanawin. may nag-aabang sa aming isang galing sa lead group. pinaiwan daw sya ng TL para nga intayin kami. nahan na ang magaling na mamang nang-iwan sa amin? dun na raw sa kwarto, mahusay na bata!

matapos ang ilang picture taking at posing, naisipan muna naming mag hot chocolate sa restaurant dun. pag pasok namin ng restaurant, lahat ng tao ay napatingin sa amin. bakit kaya? di naman kami alien, di naman kami nakahubad. bakit kaya. isa lang ang naisip naming dahilan, lahat sila ay balot ng jacket at mga naka jogging pants at ang iba ay naka-bonnet pa. e kami? t-shirt, at shorts lang, bitbit na namin ang mga poncho namin dahil naiinitan na kami. astig! iba talaga ang pinoy. partida, galing pa sa isang bansang tropikal.



habang ninanamnam namin ang mainit na choco ay dumating si TL, naiinis. bakit? nag-aalala daw kasi sila dun sa kwarto dahil wala pa kami. at ipinagluto pa kami ng mainit na soup, tapos e aabutan nya kaming kampanteng nagkukwenthan dun at painom inom ng chocolate... alam nyo ang nasabi nya... mga hayuf...



maagang natulog ang grupo para makabawi ng lakas na gagamitin nila para sa pag-aasult ng summit. ang ilan ay di na nakuhang kumain, mas gusto na lang na matulog. sadyang nakakapagod ang 2nd day.