May 19, 2005

reaching the summit

230 am, wake up call ng grupo. luto ng soup at kain ng tinapay habang nag-aayos para sa assault. ilang patong ng damit ang isinuot ng bawat isa, dahil nga sa nilamig sila ng husto nung nagdaang gabi.


nang makapaghanda na ng mga gagamitin at makakain na ang bawat isa, labasan na ng kwarto at simulan na ang assault. ang donkey ang nahuli, sya ang nag-sweep ng room bago lumabas kaya humabol na lang sya sa amin. pero teka, bakit panay sigaw ng kumag at bakit ayaw nyang buksan ang kanyang headlamp habang papalapit sa amin. e ano naman ang bubuksan nya? naiwan daw ng magaling na mama ang kanyang headlamp sa kwarto. at dahil wala sa kanya ang susi ay di na nya mabalikan. ang talino! intelligent trekker, sabi nga ni choco. mag-night trek ng walang ilaw, isa ka talagang henyo. lumipas ang unang bahagi ng trail, sandamakmak na hagdan pa rin, ng walang problema.

makalipas ang kulang kulang isang kilometro, isang checkpoint. iniisa isa ng bantay dito ang mga pangalan ng aakyat ng summit, dito rin nagsimula ang puro batuhang daan. isang kakaibang mundo. ang buong paligid mo ay granite, malawak na granite field if we may call it. nakalatag na rin dito ang mga lubid. hindi naman kailangang hawak lagi ang mga tali sa pag-akyat. additional security lang kung sakaling dumulas ang daan. nagsisilbing guide na rin ang taling iyon. sundan mo lang ito at siguradong sa summit ang punta mo. sa iyong pagtingala ay makakakita ka ng mahabang guhit ng ilaw. mga headlamp ng mga maagang nagsipagsimula.

oooppppsss.... eto na! nagpaparamdam na ang ating muse. medyo hirap na raw sya. medyo napapagod na yata. medyo malayo pa tayo at malapit na ang sunrise. matiyagang naghihintay ang grupo sa kanya. ayaw namang sayangin ang pagkakataon kaya't pinauna na ang mga gustong makita ang sunrise sa tuktok ng kinabalu. hindi na ang sunrise ang main goal ng strangler buddies, bakit di na group? kasi dalawa na lang ang nahuhuli. ang tanging hangad na lang ay ang marating ang summit, no matter how long it takes, the whole group we'll reach the summit, pero una nga lang yung anim, heheheh.



halos alalayan na sa paglalakad ang hapung-hapong ale. marahil ay nakakadagdag na rin ang nipis ng hangin sa pagod na kanyang nararamdaman. pero sige lang, tuloy lang ang hakbang, slowly but surely. hanggang sa sumikat na nga ang haring araw ay naglalakad pa rin sila sa plateau. iniisip ng buddies na inabutan ng anim ang sunrise, yun ang akala nila ha. malalaman nyo kung bakit...


nang makalampas sa plateau ay tanaw na tanaw na ang summit pero di makita ang lead group. at sa tuwing titigil at nakikita ng ibang climber si muse ay iisa ang kanilang sinasabi: "don't give up, you're almost there, you can do it" animo'y energy drink ang mga katagang ito na kahit pano'y nagbibigay lakas sa kanya. hangang sa makasalubong namin ang isang malaysian guide at sabihan syang " dahan dahan lang, almost there" kung sabagay, talagang malapit na nga ang peak, pero medyo steep na ang trail.


mag drama ba ang ale, "sige una ka na para makapag-picture ka pa dun, sunod na lang ako" - ito ang sabi nya. pero natural, hindi pumayag ang alalay, hindi ba't dapat ay laging may kasama sa pag-akyat. at malamang kung iniwan sya nito ay di na tumuloy sa summit ang ale. parang narinig ko na rin ang dramang ito sa double traverse ng makulot ah pareho sila ng linya, hhhmmmmm, iisa ang iniisip, parang soulmate? sino nga ba yun?


sa hinaba haba man ng lakaran at alalayan at sandamakmak na words of encouragement mula sa iba ibang nationalities na climbers, sa wakas, matapos ang apat na oras, nabuo na ang grupo sa summit. ang buong akala na lahat sila ay matagal ng naghihintay sa summit ay mali pala. tanging si kikay ang mag-iisang oras na dun, at medyo nakakaramdam ng hilo at antok. ano nangyari sa lima? dun na lang nalaman na may "casualty" rin sila kaya hindi agad nakarating sa peak. ang mamang kalbo, nagsuka raw sa daan, morning sickness este mountain sickness pala. dahil nga niratrat ang pag assault, hindi agad nakapag adopt ang katawan nya kaya siguro nagkaganun sya. buti pa ang ale, hindi nagsuka. dapat lang 'no. yung bagal ng lakad na yun, ewan na lang kung di pa sya maka-adopt.peace!!!

alam nyo ang unang hinanap ng ale pag dating sa summit? ang kanyang pinakamamahal na k--, kamera po hindi si k... tila ba nawala lahat ng pagod nya ng makita ang kapaligiran. sino ba ang hindi mamamangha sa iyong makikita, bawat isa'y may kanya kanyang tanung. ganu kaya katagal bago nabuo ito? paano nga kaya naging ganito ang itsura nito? narito na ba talaga ako? hindi ba ako nananaginip? at kung anu-ano pang tanung. pero totoo na nga ito, ang 1st adtrek kinabalu team ay narito na sa ibabaw ng pinakamataas na bundok sa timog-silangang asya. wow! big time na! international na ang maangas... namnamin nyong mabuti dahil malamang ay di na maulit or matagal pa kung saka sakali.

pagdating pala ng lead group sa taas ay hubad na agad ang choco at nag video na agad dun habang panay picture taking ang ilan. may inabutan silang ilang foreigner na climber, kung sabagay foreigner din nga pala kami dun. ng kanyang tanungin kung saan sila galing ang mga ito, alam nyo ba ang isinagot "down there referring to laban rata)" bwhahaha... nakahanap ng katapat ang choco. at pabiro din syang sinabihan nito "you're crazy", bakit nga naman hindi, sya lang ang matindi ang sapak na naghubad sa taas at malamang ay ngayon lang nakakita ang mga iyon ng ganung klaseng nilalang, este tao pala.

dahil sa late na ngang dumating ang grupo ay halos sila na lang ang nandun, at medyo umiinit na rin. kaya ayaw pa man nila ay sinimulan na ang pagbalik sa dorm nila. medyo mabilis na sila ng konti dahil pabababa na nga, picture picture pa rin sila habang pababa na aninmo'y wala ng bukas. talagang wala ng bukas para sa summit ng kinabalu.it's now and only now, kaya sige, wag tigilan ang picture taking. kahit nga inip na inip na ang guide, heheheh. at bago pa man makababa ay isa-isa ng nagbabawas ng mga damit ang mga mokong, medyo mainit na nga kasi dahil tanghali na. buti na lang at natutunan namin ang layering.



so nakabalik na nga kami sa kwarto namin, nag-aabang na ang mga empleyado ng laban rata, sisipantehen na yata kami. kasi nga 10am ang check out time di ba? pinagbigyan naman kami hanggang 1030, na umabot pa ng 1045, heheheh. kaya ang iba, sa restaurant na lang sa laban rata kumain ng brunch.



sa kabusugan, itong si bopek ay di na makapaglakad at nangangatog ang tuhod. hahahah, di nya magawa ngayon ang rumatrat pababa, tulad ng mga nakasanayan nya tuwing climb. matakaw kasi! sa simula ay ang muse ang lead, nananakbo pa kung minsan. di namin expected na sadmakmak na hagdan pala ang daan dito pababa, at ang ilan pa ay more than 1ft ang taas. basagan ng tuhod! kaya nagpahuli na lang uli ang strangler group, para sa ating muse. kung bibilangin siguro ang mga steps ng hagdan dito ay di siguro malabong mahigitan pa ang 1,500 steps ng maculot papuntang taal lake, talaga namang mananawa ka sa hagdan.

makalipas ang kulang kulang apat na oras at konting pag-ulan, heto na ang huling paakyat, hagdan pa rin, sa dulo nito ay tanaw na ang timpohon gate. ang hudyat na natapos na namin ang mt. kinabalu climb ay nasa aming harapan na. ibang klase rin ang guide naming si spencer, pang 20 times na raw nyang climb 'to dito, sa di inaasahan, nilingon nya kami dahil patakbo na sya sa gate, sabay tingin sa summit at kanyang sinabi, "goodbye mountain..."pero sa aming pakiwari ay may karugtong pa yata yun, either ... mountain...climber or ...mountain...eer... iisa na lang kasi ang nasa likuran nya nung time na nasabi nya yun... sino kaya yun?

at sa aming pagtawid ng timpohon gate, ganap ng nasabi ng group na naakyat na nga namin ang pinakamataas na bahagi sa buong rehiyon ng southeast asia at ligtas na nakabalik ang bawat isa. syempre picture taking uli, naghihintay na ang bus na maghahatid sa amin sa HQ. pag dating dun ay kinuha, may bayad pala, ang aming mga certificates. isang pagpapatunay na nagawa mo ngang abutin ang summit ng mt. kinabalu. at walang humpay na picture taking pa rin.


...............................


isang biruang nagsimulang maging pangarap ang pag-akyat ng mt. kinabalu. marahil ay di lang ang grupong ito ang nangarap at nagplanong marating ang bahaging ito ng ating mundo. isang lugar sa ibabaw ng bundok na tila nasa ibang planeta o dimensyon at tunay ngang kamangha manghang likha ng nasa itaas. nawa'y mapangalagaan pang mabuti ang kabundukang ito upang marami pa ang makamangha sa ganda ng kalikasan sa bahaging ito ng asya.


sa matyagang pagpaplano at paghahanda ng mga organizer gayun din ang suporta ng buong ADTREK, ay nagkaruon iyon ng katuparan sa 7 nitong miyembro at isang guest. 8 nilalang na lakas luob na nakipagsapalaran sa ibang bansa at ibang kultura, ang ilan ay 1st time lalabas ng 'pinas. pero higit na naging hamon sa bawat isa ay ang mga problemang hinarap nila dito sa sariling bayan bago pa man sila makalabas. isang cool headed na ale na sinamahan ng swerte ang susi upang matuloy nga sila, salamat sa'yo eye.


at ng marating ang tuktok ng mt. kinabalu, lahat ay di makapaniwalang naruon na nga ang grupo. tila ba isang panaginip pa rin ang lahat. tunay ngang naging masaya at makabuluhan ang akyat na iyon para sa lahat. sa limang araw na pagsasama sama nila ay mas lalung tumibay ang pagkakaibigan ng bawat isa at maaaring baka nga may iba pang nabuong magandang pagsasama, di ba lovers in kinabalu?


para sa 1st adtrek kinabalu team, isang pasasalamat sa inyo sa magandang alaalang ating pinagsaluhan sa maiksing panahon sa mt. kinabalu. sa ating ligtas na pagbalik, nawa'y maibahagi rin natin sa karamihan ang masasaya, mga sablay at mga pasaway na sandali natin dun. we saw, we dream, we plan, we came, and finally with each other's help, we made it to the top of MT. KINABALU.

------------------------------

sa pagtungtung sa banyagang lupaing iyon ay di maiwasan ng lahat na malungkot. nalulungkot dahil sa malayong agwat ng estado o kalagayan ng bayang pinanggalingan sa bayang kanila ngayong kinalalagyan. masakit mang isipin o tanggapin, ang dating inaakala naming magulo at walang kaayusan lugar na ito ay kabaligtaran pala. maayos na sistema at magandang lugar ang aming inabutan. malayung malayo sa itsura ng manila o maging ng ilang malalaking siyudad sa pilipinas. bakit nga ba hindi nating magawang umabante tungo sa pag-unlad? corruption ba? disiplina? ano sa palagay mo?