May 17, 2005

D-DAY (adventure and misadventures)

maagang nagkita kita ang walo sa likuran ng megamall bldg A upang duon ay sumakay patungong clark pampanga. may shuttle kasi ang philtranco na maghahatid sa mga pasahero ng air asia, pero hindi libre at first come first serve basis po. salamat na lang kay choco at nagawa nyang makabili ng ticket isang araw bago ang alis namin kaya sigurado na kaming makakaupo, pero muntik na ring mabulilyaso.

pagdating ng bus ay pinaasakay na agad ang mga pasaherong may ticket na. napansin namin na walang inilagay seat numbers sa aming mga ticket at ang buong akala namin ay free seating din ito



kampante kaming pumili ng mga upuan sa luob ng bus. pero ilang sandali lang ay nagsakayan na rin ang ibang pasahero at may mga seat number silang ipinapakita sa amin kaya wala kaming magawa kundi ang umalis. dahil nga marami na ang napapaalis sa amin, bumaba ang bopek upang magreklamo sa mga nangyayari. ipinaliwanag naman nila na kahit walang nakasulat sa ticket namin ay may naka-reserved para sa amin, ibinigay naman nila.

habang nakikipag negotiate si bopek sa mga inspector ay yung driver naman ang kausap ni babsie. tinanong din nya sa driver yung sitwasyon ng grupo, alam nyo ba ang sabi ng mahusay na driver, kung di raw kami mabigyan ng seat number ay pwede rin daw naman kaming maupo sa gitna dahil may mga mono block silang upuan. ayos ka lang manong?! hindi ba't kaya ka nga magpapa-reserve o magbabayad ng mas maaga eh para siguradong may mauupuan kang maayos.

kalmadong ipinaliwanag ni babsie na di pwedeng ganun dahil nga may reservation kami. alam nyo ang isinagot ng talentadong driver? kung ayaw daw naming maupo sa mono block ay pwede naman daw sa susunod na bus kami sumakay at sigurado namang makakarating din kami dun, ayos di ba? ang problema, ang kasunod na bus ay 11 pa aalis, tamang tama yun dahil 1140 ang flight namin... ang talino nya eh.... humirit pa, kung gusto naman daw namin ay pwede kaming pumunta sa terminal nila malapit dun, 110 lang daw naman pamasahe hanggang sa pampanga (dau yata yun o sa angeles). di ko alam kung alam ba nya ang patakaran o ibig sabihin ng reservation, not to mention na bayaran mo ng mas maaga ang ticket mo... kayo na ang bahalang humusga.

matapos ang mahigit 2 oras na byahe ay narating din namin ang clark at pumila na sa entrance ng airport. nang mabayaran na ang lahat ng dapat bayaran ay pumila na kami sa immigration upang makapunta na kami sa boarding gate sana namin. pero mukhang may kung anung gustong pumigil sa pag-alis namin. mukhang di maganda ang gising ng mga immigration officer na naka duty. yung isang officer ay tinatanung ng husto yung tatlong kasabay namin. anu daw ang gagawin nila sa malaysia... anung trabaho nila... at ng sabihin ng isa na may sarili silang tindahan at may trabaho ang mga asawa nila, alam nyo ba ang isinagot ng butihing officer? "kung ako nga, piloto ang asawa ko hindi ako makapag tour..." ano naman ang pakialam namin sa buhay mo? kasalanan ba namin yun? kailangan pa ba talagang sabihin yun? kailangan bang pahirapan ang mga taong gustong samantalahin ang murang pamasahe upang makapamasyal kahit minsan? di na namin natapos pa ang usapang iyon dahil kami namin ang pinahirapan ng officer na napilahan namin.

hinahanapan kami ng invitation to climb galing ng malaysia. ipinaliwanag namin ng mahinahon na hindi kailangan ng invitation dahil dun nga sa headquarters ng park kukuha ng permit on the day ng climb mo. ayaw pa ring matinag, lahat daw ng climb ay kailangan ng invitation galing sa location nung bundok na aakyatin nyo... ha? with all due respect, pinipilit ba nyang intindihin ang sinasabi namin sa kanya? kalmado pa rin ang grupo, tinanung namin kung pwede na ba yung reservation ng lodging namin sa laban rata? medyo alanganin pa rin sya, pero pumayag din. good.


pero mukhang minamalas talaga kami ngayon ah, walang nakapag-print ng confirmed reservation or yung payment man lang ng lodge namin. nakiusap na lang uli kami at ipinaliwanag namin. pero mukhang wala silang balak paalisin ang mga tulad namin. sinubukan naming humingi ng kaunting tulong sa ilang kawani ng air asia. ang kailangan lang sana namin ay internet access ng ma-i-print namin yung reservation namin. pero, inaalat talaga, matapos kaming paghintayin ng kalahating oras sa opisina nila ay tsaka nila sasabihing di nila kami matutulungan... anak kayo ng mga tatay at nanay nyo ah!!!! pero nag-offer pa rin ang isa sa kanila, pwede raw naming i-fax sa kanila yung reservation kung may makapag-print galing sa aming opisina.

habang nakikiusap pala ang mga organizer ay isa naman sa amin ang inaaway na lahat ng tao sa airport, mula dun sa kasagutan nyang immigration officer hanggang sa mga bantay sa air asia. pero meron pa ring isa na kalmado at nag-iisip ng ibang paraan, ang aming muse. paglabas namin sa "mabuting" tangapan ng air asia ay may kausap syang taga-opisina, so, pina-print nga namin at ipina-fax sa tanggapan ng air asia, pero ayaw daw pumasok nung fax transmission. alam nyo ba ang isa pang ginawa ng isang empleyado ng air line? binawi nya lahat ng claim tag ng bag namin, bakit daw? dahil di raw kami siguradong makakaalis ng 'pinas. imagine that? ikakarga na lang sa eropano pero inalis pa rin. damn.... bakit ayaw nyo kaming paalisin!!!!! medyo tensionado na ang lahat, sino ba ang hindi? nagbayad na kami ng airfare, lahat ng gusto nilang tax, may reservation na rin kami sa laban rata at nakapag-file na kami ng mga VL's.

dahil talagang cool headed ang aming muse, nagawa nyang kausapin yung bisor ata ng mga immigration officer dun at ipinaliwanag ang aming sitwasyon, mukhang cool headed din ang officer na kausap ngayon ng aming muse, naintindihan naman nya at pinayagan nya kami, kinausap nya yung isa pang officer. anu na nga pala nangyari dun sa tatlong babaeng kasabay namin? sabi ng ilan ay nagpa-refund na lang daw at di na tumuloy.

so nakalusot na nga sa immigration ang muse namin, pero talaga yatang pasaway yung officer na may asawa daw na piloto, nakilala nya yung kausap nya sa amin kanina at pilit na iniimpluwensyahan ang officer na pinilahan namin. buti na lang at di nakinig si mr. officer G. (yun ang initial ng surname nya) at sinabihan nya pa si mrs. officer na pangatlong group na kaming ipa-process nya. biruin nyo yun? pangatlo na kami pero mukhang di pa rin sila sanay? so, wala na ngang nagawa si mrs. officer. whheeewww!!! nakalusot din kaming lahat. kaya karga na naman ang bag namin sa eroplano, bwahahah!!! binawi namin ang aming mga claim tag at ipinakarga uli ang mga bag.


paglampas ng immigration, isa na namang xray machine para sa mga carry-on luggage. hinarang ang dalawa sa amin? bakit na naman?!! maayos at malumanay na ipinaliwanag ng security officer na di raw nila pinapayagan ang mga battery sa eroplano (AA yung mga battery namin a), dahil daw pwedeng power source yun ng kung anu man. dahil na nga rin siguro sa mga pinagdaanan na namin, ibinigay na namin sa kanila yun ng wala ng pakikipagtalo pero talagang mabait yung officer, sya na ang nag-suggest na i-check-in na lang daw namin para hindi sayang. so lapit kami sa isa na namang empleyado ng air asia, sa harap ng mga security officer ay sinabi nyang di nya kami matutulungan dun. so ang sinabi ng officer, sasamahan kami sa check-in counter para ibigay sa kanila yng battery at ilagay nila sa mga bag namin. salamat po sa mga security officers, sa sandaling inilagi namin sa airport na yun ay tanging sila lamang ang nakausap namin ng maayos at magalang at matulungin sa mga pasahero, isama nyo na rin pala yung OIC ng immigration at si mr. G.

nakasakay rin ng eroplano ang lahat, unahan nga lang sa pagpila sa boarding gate dahil free seating sa eroplano. ano yung free seating? kanya kanya kayong hanap ng uupuan nyo sa luob. pero wag kayong mag-alala, di ito tulad ng philtranco na overloading at sa mono block pauupuin ang mga pasherong walang seat number. at lumipad na nga patungong kota kinabalu.



pag dating ng sabah, ok pa rin. nakarating kami ng maayos sa center point mall, pinakamalaki sa city ng kinabalu. hanap agad kami ng makakainan, sa food court agad ang tungo. habangnag-iikot kami dun ay may mga lumalapit sa amin at kinakausap kami ng ingles. hanap lang kami, ikot lang ng ikot. hanggang sa may kumausap sa amin ng tagalog. muntik na tuloy naming malimutang wala kami sa 'pinas. ang dami pala nila dun na mga pinoy at ang ilan ay nakakaintindi pa at nakapagsasalita ng tagalog. syempre, san pa ba kami pupunta kung di sa mga kababayan namin, di ba pards?! yan ang itatawag nila sa'yo.
matapos ang late lunch namin, namili na ang ilan sa amin para sa supply ng pagkain namin sa luob ng 5 araw, habang ang ilan ay nanginginain ng durian ice cream. nabili na ang lahat, except sa isa, lighter fluid. dahil nga di pwedeng magsakay sa eroplano ng butane, napagkasunduan ng grupo na multi-fuel stove na lang ang dadalhin at dun na lang bibili ng fluid.



so ang nangyari, hanap kami ng lighter fluid..... matapos ang ilang sandaling ikutan sa mall, wala pa rin kaming nakitang lighter fluid, na ang tawag pala sa kanila ay gas lighter. hanap din kami sa mga katabing tindahan sa labas ng mall, wala pa rin!!!! kaya ang naisip na lang namin ay mag unleaded gasoline na lang, kaso mo, ayaw naman kaming pagbilhan sa gasoline station kung walang lalagyang bote. meron kaming canister ng fluid, pero 500ml, baka di umabaot sa apat na araw pang natitira. matapos pa ang ilang sandali ay nakabili na kami ng canister, actually, water canister yung nakuha namin, pero pwede na rin yun.

sa kabilang banda, habang abala kami sa paghahagilap ng fluid, si babsie naman ay nakikipag negotiate ng aming masasakyan patungong kinabalu park. ang hirap pala talagang wala ka sa sarili mong bansa, ang hirap makipag negotiate lalo na kung hindi masyadong sanay sa inglesan ang kausap mo... biruin nyo ba naman, naghahanap kami ng "van" para nga isang sasakyan na lang kaming walo, pero di nila maintindihan ang salitang van..... hhhuuuuwwwaaaa!!!! pano kami magkakaunawaan nito? halos daanin na lang namin sa sign language ang negotiation para lang magkaintindihan, pero alam nyo ba kung pano nagkaintindihan para sa van? nung sabihin ng isa na kung yun daw ba yung "kia" sabay muwestra ng malaking sasakyan.... yun nga!!!! tumpak!!! medyop tinataga kami sa presyo, kaya sinubukan naming humanap uli ng ibang mga driver na may kakilalang van... pero mas mahirap ang naging usapan namin, ang hirap ipaliwanag na gusto namin ng van, na gusto naming pumunta sa kinabalu park...kahit na sabihin namin kia van, di pa rin nila maunawaan. may nagsabing "bus mini", ang pagkaunawa namin ay mini bus. medyo malaki naman yata yun para sa amin. at dahil medyo late na rin, kahit na medyo mahal ang sinisingil sa amin nung una naming kausap ay pinatulan na rin namin.....

hala sige, karga ang gamit at lahat ng pinamili. pero pinakiusapan muna namin yung driver namin na idaan kami sa isang gasoline station para nga makabili ng unleaded. pag dating namin sa isang stasyon, bumaba si choco para bumili ng gas. nilapitan nya yung isang mamang inabutan namin malapit sa isang pump station. nakiusap sya na makabili ng 1.5L na unleaded pero ayaw daw syang intindihin at ayaw daw magbenta. bano.... pano ka ngang pagbebentahan nyan eh di naman pala empleyado ng gas staion yung kausap nya, bwhahahah, not to mention na self service pala, wahihihihi.ang talino mo talaga choco...

makalipas ang may isang oras na byahe ay may natanaw kami sa di kalayuan.... tama ba ang aming nakikita? ang kabundukan ng kinabalu. parang kailan lang ay sa internet, picture at TV lang namin nakikita at pinapangarap lang namin. pero heto kami ngayon, sa bawat paglipas ng oras, sa bawat kilometrong aming nilalakbay ay papalapit na kami sa katuparan ng aming pangarap at pakay.



pasado alas syete na ng gabi ng kami'y dumating sa headquarter ng kinabalu national park. mabait na mga receptionist at manager ang sumalubong sa amin. nang maayos na ang mga bayarin para sa aming accomodation sa gabing iyon ay inihatid na kami ni veronica, ang mabait na receptionist na nakakaintindi rin ng kaunting tagalog. nag-ayos ng gamit, nagluto ang ilan habang naliligo ang iba. habang nag-aayos ng gamit ay may napansin ang isa, nawawala ang mga carabinner nya, so inakalang nalaglag, nanghiram na lang sya sa iba, pero nakampu!!!! lahat pala ng carabiner namin ay nawala. sa pagkakaalala namin, ay walang pagkakataon na hindi namin katabi ang mga bag namin mula sa airport ng kinabalu. ibig sabihin, hindi dito sa malaysia nawala yun, at sigurado rin kami na bago namin i-check-in ay mga nakasabit pa sa bag namin yun bago namin nilagyan ng mga backpack cover. kung hindi sa malaysia? saan? kung gayon.... sino? ayaw man namin magbintang pero kayo na ang bahalang mag-isip kung sino nga. maaga ang lights off dahil pagod na rin ang lahat at maaga pa kaming gigising at mahabang lakarin din ang gagawin.

wow, what a day... and the fun is just beginning.