May 28, 2005

mt. kinabalu fun climb

DREAMS AND PLANS

wala pang isang taon ang nakalilipas ng magbiro ang aming presidente at climb organizer na ang susunod na akyat ng grupo ay sa mt. kinabalu. dahil sa di masyadong pamilyar sa karamihan ay maraming nagpalista sa pag-aakalang ito'y isa na namang fun climb, at nasa pilipinas. nang malaman ng lahat na ito ang pinakamataas sa southeast asia at matatagpuan sa kota kinabalu, sabah, malaysia, marami ang nag-isip na tanging sa panaginip na lang ang lahat. bakit? dahil sa malaking salaping kakailanganin, ilang araw na di pagpasok sa aming mga trabaho at higit sa lahat, kailangan ng passport.

ngunit sinong mag-aakalang magkakaruon ng katuparan ang lahat. nagbukas ang isang bagong airline dito sa 'pinas, Air Asia. Sa halagang 1,700 pesos one way ay makakarating ka na sa kota kinabalu. Tunay ngang "now everybody can fly", ayon na rin sa kanilang motto.

walang inaksayang panahon ang mga organizer, naghanap ng mga impormasyong makakatulong sa pagbuo ng aming IT. isang paglalakbay na di dadaan sa kahit anu mang travel agency, para nga naman makamura. search sa internet, tawag sa malaysia, tawag sa Diosdado Macapagal International Airport ang ilan sa mga hakbang upang makabuo ng possible na IT. at matapos nga ang isang linggong pangangalap ng impormasyon, nag-announce na ang team leader ng mt. kinabalu "fun" climb. tulad nga ng inaasahan ay di naging ganun karami ang nagpalista.



sa kagandahang luob ng ating secretary ay nagpa-book na ng flight online ang grupo, na wala pang katiyakang may matutuluyan kami sa national park. medyo talagang swerte yata kami dahil ng magpa-book kami ay bumaba pa sa 900 one way ang pamasahe. ngunit, subalit datapwat, lahat yata ng swerte ay may kapalit, ng subukan naming magpa-reserve sa park ay fully book na raw para sa buong buwan ng May. nakampu! tapos tayo dyan! bakit ganun ang reaction? simple lang naman, kung walang reservation sa laban rata (rest area malapit sa summit), hindi pwedeng mag-climb dahil nga sa "no camping allowed" sa park na 'to. kabi-kabilang tawag na naman sa malaysia upang magawan ng paraan, medyo swerte uli dahil mukhang may nag cancel ng reservation at nagawang isingit ang walong tao. yun nga lang, bayad kami ng multa para sa change flight schedule. ok na rin yun kesa di matuloy.


nagkaruon din kami ng ilang pagmi-meeting upang pagplanuhang mabuti ang mga gagawin, dadalhin at mga kailangan sa pagpunta sa mt. kinabalu. nariyan din ang aming training climb. dapat sana ay akiki-ambangeg in two days ang training namin (meaning, mag night trek kami from marlboro to ambangeg). para sana masubukan ng lahat ang mag-trek ng malamig, madilim at sa high altitude na rin... pero napag-alaman ng grupo na may babayaran pa palang travel tax at terminal fee sa clark, isang bagay na di namin napaghandaan. ang magiging damage, 1970 pesos. mas malaki pa sa gagastusin namin sana sa pulag.



haaayyy..... change venue ang climb para di na masyadong lumaki ang gastos. makiling na lang daw para medyo malapit at medyo mura. tulad ng pulag climb sana, night trek ang gagawin ng grupo mula sa peak 3 patungong peak 2 pabalik uli ng peak 3, bago bababa uli ng sto. tomas. di raw magdadala ng tent para masanay daw sa lamig at sa tarp lang matutulog, yun ang akala namin. ngunit bago pa man dumating ang training climb ay may nag-back-out sa amin, pero dahil sa kalat na nga ang planong kinablu climb na grupo (hanggang sa ibang kumpanya), nakakuha naman agad kami ng pamalit. pagsapit ng climb, malas na naman, napakainit ng panahon na kahit nung naglalakad na nung madaling araw ay walang kahangin hangin. kaya napilitan na lang din kaming wag ng bumaba sa sto. tomas at ideretso na lang sa UPLB ang trek. sino ba naman kasing adik ang nakaisip ng climb na 'to? tanung ng ilan sa amin.... mukhang bangag at sabog sa ipinagbabawal na kung anu man ang nagplano nito eh, heheheheh.

5 days bago ang climb, final pre-climb meeting ang grupo over dinner sa magdaragat. dito, sa unang pagkakataon ay nabuo ang walong magkakasamasama sa kinabalu, kasama na rin ang 2 naming pinakamamahal na board members. matapos ang ilang paliwanagan, tanungan at palitan ng kuro-kuro (yun ay sa gitna ng nagkakantahang pamilya sa aming background), nabuo ang final plan. see you on may 17.

click on the titles to read full stories........

D-DAY (adventures and misadventures)

ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat... isa sa pinakamahabang araw para sa grupo at sandamakmak na hassle sa pagtahak ng daan tungo sa tuktok ng mt. kinabalu.



THE ROAD LESS TRAVELLED

dahil sa talagang likas na maangas ang ilan sa 1st ADTREK kinabalu team, mas pinili nila ang mesilau trail sa pag-akyat. mas mahaba ito ng 2 km at rolling daw ang trail dito. sinong adik na naman ang nakaisip nito?


HIGHEST POINT IN SOUTHEAST ASIA

ang sandaling hinihintay at pinaghandaan ng grupo ay dumating na. marating nga kaya ng lahat ang tuktok? anong adventures na naman ang naghihintay sa lahat?

May 25, 2005

simply, eye...

isa ka sa mga bumuo ng plano para sa kinabalu climb. ngunit maraming nag-isip, kung kakayanin mo nga ba? hindi sa wala silang bilib sa yo kundi, maraming concern sa'yo. dahil bukod sa nag-iisa kang girl, ikaw lang ang galing sa batch 2. hindi lang yun, puro maaangas pa sa batch1 ang kasabayan mo. di ka kaya nila iwan sa daan?

maging ikaw ma'y nagduda sa kakayahan mo matapos ang ating makiling climb. pero, what the heck. tuloy kung tuloy, andyan naman ang group para suportahan ka di ba? at kung kulang pa rin, maraming porter na nag-aabang dun.



so, baon ang lakas ng luob at paniniwala sa grupo sumama ka nga. medyo mahirap pala, sabi mo. parang gusto mo ng umayaw, pero andyan naman ang strangler group para sabayan ka. lumipas ang maghapong hintayan, ulan at mga baby walk ay narating din natin ang campsite, actually dormitory pala.

di ka pa rin makapaniwala sa'yong nakita, tila ba ang lahat ay panaginip pa rin. baka naman hypothermic ka lang... biruin mo, tayong mga pinoy lang ang nag-trek ng naka t-shirt lang.

dumating ang oras ng summit assault... ito, na syang kinatatakutan ng marami para s'yo. pero tulad nga ng naging usapan, dahan dahan lang. sa una'y hahabulin sana ang sunrise, pero gusto mo ng sumuko, ayawan na. pero papayag ba ang ADTREK na may sumuko? sige, paunahin ang gustong mag-sunrise, pero ikaw, dahan dahan lang. no matter how long it takes, you'll reach the summit and the rest of the group will be waiting for you. di mo naman binigo ang lahat, kahit anung pagod mo ay narating ang tuktok. ang bubong ng southeast asia ang iyong tinutungtungan ngayon.




di ka pa rin makapaniwala, parang kailan lang ay sa picture, internet at sa TV mo lang nakita ang lugar na 'to. pero ngayon, totoo na 'to, narito ka nga ngayon sa peak ng mt. kinabalu. bumilib sa'yo ang marami, hindi dahil sa lakas mo at angas, kundi dahil sa determinasyon mong tapusin ang nasimulan. bow kami sa'yo at siguradong marami na namang tatawag sa'yong "idol". lahat ng tulong ng grupo ay isang maliit na bahagi lang ng iyong tagumpay, its still your determination that brings you there... damn... ang lalim nun...




sa pagbalik ng headquarters ay panay pa rin ang reklamo mo, sino bang hndi. puro hagdan naman ngayon ang inyong tinahak. ngayon, bago na ang motto mo... sa kinabalu team na lang yun.

at sa pagsapit nga sa gate ng timpohon, abot tenga ang iyong ngiti at natapos mo at ng buong grupo ang paglalakbay na'to ng ligtas at puno ng saya at karanasan... sa mountaineering.

ikaw ngayon ang kaisa-isang babae sa grupo na narating ang itaas ng SE ASIA. puhunan mo'y hindi lakas ng katawan o angas, kundi ang iyong mga kaibigang handang tumulong sa'yo at higit sa lahat ay ang iyong determinasyon.

nawa'y maging halimbawa ka sa grupo, na hindi laging lakas at angas ang kailangan upang magawa ang isang bagay, higit sa lahat ay ang iyong masidhing pagnanais na tapusin ang iyong nasimulan.

sa 1st adtrek kinabalu team, congrats sa isa na namang matagumpay at tunay na masayang adventure.

watch out for our full story. our adventures and misadventures. coming soon....

May 19, 2005

reaching the summit

230 am, wake up call ng grupo. luto ng soup at kain ng tinapay habang nag-aayos para sa assault. ilang patong ng damit ang isinuot ng bawat isa, dahil nga sa nilamig sila ng husto nung nagdaang gabi.


nang makapaghanda na ng mga gagamitin at makakain na ang bawat isa, labasan na ng kwarto at simulan na ang assault. ang donkey ang nahuli, sya ang nag-sweep ng room bago lumabas kaya humabol na lang sya sa amin. pero teka, bakit panay sigaw ng kumag at bakit ayaw nyang buksan ang kanyang headlamp habang papalapit sa amin. e ano naman ang bubuksan nya? naiwan daw ng magaling na mama ang kanyang headlamp sa kwarto. at dahil wala sa kanya ang susi ay di na nya mabalikan. ang talino! intelligent trekker, sabi nga ni choco. mag-night trek ng walang ilaw, isa ka talagang henyo. lumipas ang unang bahagi ng trail, sandamakmak na hagdan pa rin, ng walang problema.

makalipas ang kulang kulang isang kilometro, isang checkpoint. iniisa isa ng bantay dito ang mga pangalan ng aakyat ng summit, dito rin nagsimula ang puro batuhang daan. isang kakaibang mundo. ang buong paligid mo ay granite, malawak na granite field if we may call it. nakalatag na rin dito ang mga lubid. hindi naman kailangang hawak lagi ang mga tali sa pag-akyat. additional security lang kung sakaling dumulas ang daan. nagsisilbing guide na rin ang taling iyon. sundan mo lang ito at siguradong sa summit ang punta mo. sa iyong pagtingala ay makakakita ka ng mahabang guhit ng ilaw. mga headlamp ng mga maagang nagsipagsimula.

oooppppsss.... eto na! nagpaparamdam na ang ating muse. medyo hirap na raw sya. medyo napapagod na yata. medyo malayo pa tayo at malapit na ang sunrise. matiyagang naghihintay ang grupo sa kanya. ayaw namang sayangin ang pagkakataon kaya't pinauna na ang mga gustong makita ang sunrise sa tuktok ng kinabalu. hindi na ang sunrise ang main goal ng strangler buddies, bakit di na group? kasi dalawa na lang ang nahuhuli. ang tanging hangad na lang ay ang marating ang summit, no matter how long it takes, the whole group we'll reach the summit, pero una nga lang yung anim, heheheh.



halos alalayan na sa paglalakad ang hapung-hapong ale. marahil ay nakakadagdag na rin ang nipis ng hangin sa pagod na kanyang nararamdaman. pero sige lang, tuloy lang ang hakbang, slowly but surely. hanggang sa sumikat na nga ang haring araw ay naglalakad pa rin sila sa plateau. iniisip ng buddies na inabutan ng anim ang sunrise, yun ang akala nila ha. malalaman nyo kung bakit...


nang makalampas sa plateau ay tanaw na tanaw na ang summit pero di makita ang lead group. at sa tuwing titigil at nakikita ng ibang climber si muse ay iisa ang kanilang sinasabi: "don't give up, you're almost there, you can do it" animo'y energy drink ang mga katagang ito na kahit pano'y nagbibigay lakas sa kanya. hangang sa makasalubong namin ang isang malaysian guide at sabihan syang " dahan dahan lang, almost there" kung sabagay, talagang malapit na nga ang peak, pero medyo steep na ang trail.


mag drama ba ang ale, "sige una ka na para makapag-picture ka pa dun, sunod na lang ako" - ito ang sabi nya. pero natural, hindi pumayag ang alalay, hindi ba't dapat ay laging may kasama sa pag-akyat. at malamang kung iniwan sya nito ay di na tumuloy sa summit ang ale. parang narinig ko na rin ang dramang ito sa double traverse ng makulot ah pareho sila ng linya, hhhmmmmm, iisa ang iniisip, parang soulmate? sino nga ba yun?


sa hinaba haba man ng lakaran at alalayan at sandamakmak na words of encouragement mula sa iba ibang nationalities na climbers, sa wakas, matapos ang apat na oras, nabuo na ang grupo sa summit. ang buong akala na lahat sila ay matagal ng naghihintay sa summit ay mali pala. tanging si kikay ang mag-iisang oras na dun, at medyo nakakaramdam ng hilo at antok. ano nangyari sa lima? dun na lang nalaman na may "casualty" rin sila kaya hindi agad nakarating sa peak. ang mamang kalbo, nagsuka raw sa daan, morning sickness este mountain sickness pala. dahil nga niratrat ang pag assault, hindi agad nakapag adopt ang katawan nya kaya siguro nagkaganun sya. buti pa ang ale, hindi nagsuka. dapat lang 'no. yung bagal ng lakad na yun, ewan na lang kung di pa sya maka-adopt.peace!!!

alam nyo ang unang hinanap ng ale pag dating sa summit? ang kanyang pinakamamahal na k--, kamera po hindi si k... tila ba nawala lahat ng pagod nya ng makita ang kapaligiran. sino ba ang hindi mamamangha sa iyong makikita, bawat isa'y may kanya kanyang tanung. ganu kaya katagal bago nabuo ito? paano nga kaya naging ganito ang itsura nito? narito na ba talaga ako? hindi ba ako nananaginip? at kung anu-ano pang tanung. pero totoo na nga ito, ang 1st adtrek kinabalu team ay narito na sa ibabaw ng pinakamataas na bundok sa timog-silangang asya. wow! big time na! international na ang maangas... namnamin nyong mabuti dahil malamang ay di na maulit or matagal pa kung saka sakali.

pagdating pala ng lead group sa taas ay hubad na agad ang choco at nag video na agad dun habang panay picture taking ang ilan. may inabutan silang ilang foreigner na climber, kung sabagay foreigner din nga pala kami dun. ng kanyang tanungin kung saan sila galing ang mga ito, alam nyo ba ang isinagot "down there referring to laban rata)" bwhahaha... nakahanap ng katapat ang choco. at pabiro din syang sinabihan nito "you're crazy", bakit nga naman hindi, sya lang ang matindi ang sapak na naghubad sa taas at malamang ay ngayon lang nakakita ang mga iyon ng ganung klaseng nilalang, este tao pala.

dahil sa late na ngang dumating ang grupo ay halos sila na lang ang nandun, at medyo umiinit na rin. kaya ayaw pa man nila ay sinimulan na ang pagbalik sa dorm nila. medyo mabilis na sila ng konti dahil pabababa na nga, picture picture pa rin sila habang pababa na aninmo'y wala ng bukas. talagang wala ng bukas para sa summit ng kinabalu.it's now and only now, kaya sige, wag tigilan ang picture taking. kahit nga inip na inip na ang guide, heheheh. at bago pa man makababa ay isa-isa ng nagbabawas ng mga damit ang mga mokong, medyo mainit na nga kasi dahil tanghali na. buti na lang at natutunan namin ang layering.



so nakabalik na nga kami sa kwarto namin, nag-aabang na ang mga empleyado ng laban rata, sisipantehen na yata kami. kasi nga 10am ang check out time di ba? pinagbigyan naman kami hanggang 1030, na umabot pa ng 1045, heheheh. kaya ang iba, sa restaurant na lang sa laban rata kumain ng brunch.



sa kabusugan, itong si bopek ay di na makapaglakad at nangangatog ang tuhod. hahahah, di nya magawa ngayon ang rumatrat pababa, tulad ng mga nakasanayan nya tuwing climb. matakaw kasi! sa simula ay ang muse ang lead, nananakbo pa kung minsan. di namin expected na sadmakmak na hagdan pala ang daan dito pababa, at ang ilan pa ay more than 1ft ang taas. basagan ng tuhod! kaya nagpahuli na lang uli ang strangler group, para sa ating muse. kung bibilangin siguro ang mga steps ng hagdan dito ay di siguro malabong mahigitan pa ang 1,500 steps ng maculot papuntang taal lake, talaga namang mananawa ka sa hagdan.

makalipas ang kulang kulang apat na oras at konting pag-ulan, heto na ang huling paakyat, hagdan pa rin, sa dulo nito ay tanaw na ang timpohon gate. ang hudyat na natapos na namin ang mt. kinabalu climb ay nasa aming harapan na. ibang klase rin ang guide naming si spencer, pang 20 times na raw nyang climb 'to dito, sa di inaasahan, nilingon nya kami dahil patakbo na sya sa gate, sabay tingin sa summit at kanyang sinabi, "goodbye mountain..."pero sa aming pakiwari ay may karugtong pa yata yun, either ... mountain...climber or ...mountain...eer... iisa na lang kasi ang nasa likuran nya nung time na nasabi nya yun... sino kaya yun?

at sa aming pagtawid ng timpohon gate, ganap ng nasabi ng group na naakyat na nga namin ang pinakamataas na bahagi sa buong rehiyon ng southeast asia at ligtas na nakabalik ang bawat isa. syempre picture taking uli, naghihintay na ang bus na maghahatid sa amin sa HQ. pag dating dun ay kinuha, may bayad pala, ang aming mga certificates. isang pagpapatunay na nagawa mo ngang abutin ang summit ng mt. kinabalu. at walang humpay na picture taking pa rin.


...............................


isang biruang nagsimulang maging pangarap ang pag-akyat ng mt. kinabalu. marahil ay di lang ang grupong ito ang nangarap at nagplanong marating ang bahaging ito ng ating mundo. isang lugar sa ibabaw ng bundok na tila nasa ibang planeta o dimensyon at tunay ngang kamangha manghang likha ng nasa itaas. nawa'y mapangalagaan pang mabuti ang kabundukang ito upang marami pa ang makamangha sa ganda ng kalikasan sa bahaging ito ng asya.


sa matyagang pagpaplano at paghahanda ng mga organizer gayun din ang suporta ng buong ADTREK, ay nagkaruon iyon ng katuparan sa 7 nitong miyembro at isang guest. 8 nilalang na lakas luob na nakipagsapalaran sa ibang bansa at ibang kultura, ang ilan ay 1st time lalabas ng 'pinas. pero higit na naging hamon sa bawat isa ay ang mga problemang hinarap nila dito sa sariling bayan bago pa man sila makalabas. isang cool headed na ale na sinamahan ng swerte ang susi upang matuloy nga sila, salamat sa'yo eye.


at ng marating ang tuktok ng mt. kinabalu, lahat ay di makapaniwalang naruon na nga ang grupo. tila ba isang panaginip pa rin ang lahat. tunay ngang naging masaya at makabuluhan ang akyat na iyon para sa lahat. sa limang araw na pagsasama sama nila ay mas lalung tumibay ang pagkakaibigan ng bawat isa at maaaring baka nga may iba pang nabuong magandang pagsasama, di ba lovers in kinabalu?


para sa 1st adtrek kinabalu team, isang pasasalamat sa inyo sa magandang alaalang ating pinagsaluhan sa maiksing panahon sa mt. kinabalu. sa ating ligtas na pagbalik, nawa'y maibahagi rin natin sa karamihan ang masasaya, mga sablay at mga pasaway na sandali natin dun. we saw, we dream, we plan, we came, and finally with each other's help, we made it to the top of MT. KINABALU.

------------------------------

sa pagtungtung sa banyagang lupaing iyon ay di maiwasan ng lahat na malungkot. nalulungkot dahil sa malayong agwat ng estado o kalagayan ng bayang pinanggalingan sa bayang kanila ngayong kinalalagyan. masakit mang isipin o tanggapin, ang dating inaakala naming magulo at walang kaayusan lugar na ito ay kabaligtaran pala. maayos na sistema at magandang lugar ang aming inabutan. malayung malayo sa itsura ng manila o maging ng ilang malalaking siyudad sa pilipinas. bakit nga ba hindi nating magawang umabante tungo sa pag-unlad? corruption ba? disiplina? ano sa palagay mo?


May 18, 2005

the road less travelled

unang nagising bopek, just in time sa kanilang wake up call. nag-ayos ng mga gagamitin, nagluto ng para sa pack lunch, naligo ang ilan. oo, ilan lang ang naligo dahil naligo naman daw yung iba bago natulog nung nagdaang gabi. nang makakain ng agahan ay naghanda na ang lahat para sa mahabang lakarin sa araw na yun. paglabas ng kwarto ay dun namin napagtanto na tanaw sa likuran namin ang summit ng mt. kinabalu. ito na ang pinakamalapit na pagtanaw namin ng mga oras na yun. picture picture muna bago nagtungo sa reception.

pagdating sa registration area ay nagbayad kami at inayos ang lahat ng dapat ayusing permits at guide. marami kaming inabutan at nakitang aakyat ng araw na 'yon. karamihan sa kanila ay european. at karamihan din sa kanila ay balot na ng mga jacket kundi man wind breaker. tila ba giniginaw sila. kami? ang attire namin ay ang usual na suot namin kung mamumundok sa 'pinas. t-shirts at shorts or jogging pants, arm guard at leggings... kaya naman siguro napapatingin sa amin ang ilan. pero patitinag ba ang 'pinoy? syempre hindi... wala kaming pakialam kung ano man ang tingin nila sa amin.



sa registration, inakala ng bantay na timpohon-timpohon trail ang kukunin namin, which is the usual trail na kinukuha ng karamihan, pero sinabi naming timpohon-mesilau ang gusto namin, medyo maangas kami eh. mas mahaba ng 2km ang mesilau trail kesa timpohon. nag-suggest ang mga bantay dun na gawing mesilau-timpohon na lang. dahil daw rolling ang mesilau, baka mapagod kami kung sa pauwi namin kukunin yun. nang sabihin nyang rolling trail ay inisip namin na simpleng taas baba lang mga tipong 10-20m up or down ba. so ang nangyari, mesilau-timpohon nga kami, dagdag kami ng 12 ringgits para sa guide. hintay pa kami ng ilang minuto, medyo naiinip na ang grupo, excited ng pahirapan ang mga sarili. heto na, lumapit na sa amin ang magiging guide namin, sya daw si spencer. mukha naman syang mabait at tahimik. nang iabot na nya ang magiging ID namin sa climb na yun, lalong na-excite ang mga kumag. hindi basta basta yung id, maangas din ang dating.

sakay na kami ngayon sa isang van na may tatak na "bas mini", damn, eto pala yung sinasabi nung ilang driver sa city. malay ba naman naming van pala yun at hindi mini buus. inihatid na nga kami sa aming jump-off, mesilau nature resort. kulang kulang 20 minutes din ang byahe, maayos ang dinatnan naming jump-off point. isang bahagi pa rin ito ng kinabalu national park. dasal muna, nagpasalamat sa ligtas na pagdating dun at humingi ng guidance at lakas para sa araw na 'yun.

heto na, wala ng atrasan. simulan na ang pahirap sa sarili. nagsimula kami sa elevation na almost 1,800MASL. unang bahagi pa lang ay paakyat na at may mga hagdan agad ang dinaanan namin. buti na lang at di naman sementado yung mga hagbdan, nilagyan lang nila ng baytang yung ilang bahagi ng trail, marahil ay upang ma-preserve yung trail ng matagal. at bakit nga ba hndi? sa dami ng umaakyat dito taun taon ay di malayong masira nga agad yun kundi lalagyan. halos di nagkakalayo ang trail dun at sa mga kabundukan natin dito sa pinas. kaya ok lang yung attire namin, hahahah.... tama yung preparation namin.

kada 500m-700m ay may madadaanan kang mga shelter or "pondok" na may mga toilet or "tandas". tuloy pa rin ang lakad namin hanggang maabot namin ang elevation na 2100 at wala pa rin kaming makitang rolling na trail. pero teka, ano 'tong nasa harapan namin ngayon, isang walang katapusang pababa? ito ba an tinatawag nilang rolling terrain. dahil wala naman kaming choice, hala sige!!!! baba! baba pa, sige lang... hanggang sa di namin namalayan na mahigit 200 meters na pala ang ibinaba ng elevation namin. nakampu! panu naman namin mararating agad yung 3,300MASL+ (elevation ng laban rata) kung ganito ang dadaanan namin.

sino na naman bang adik ang nakaisip na ito ang daanan? bukod nga sa mas mahaba 'to ng 2km e may pabababa pang 200meters. pareho din naman papuntang summit yung timpohon at mesilau. mukhang malapit ng palitan ang pangalan ng grupo ah, ADTREK - ADik TREKker.


nang daanan namin ang isang tulay, sinabihan kami ng guide namin na puro pataas na raw 'to, promise! di nga sya nambobola, puro pataas na nga, walang humpay na pataas, may mga gradual, merong steep. may maugat na daan, flat pero pataas pa rin, at syempre mawawala ba yung mga hagdan. nakakaramdam na ng pagod ang aming muse, dito na nabuo ang strangler group. nahati sa 2 ang group, yung apat na maaangas ay sa lead group, habang ang muse, ang hairstylist, ang kapreng walang tigil sa paghithit ng yosi at si bopek ay nasa hulihan kasama ng guide.

at kung sakali nga palang may madadaanan kayong tulay o trail na may chicken wire, dun kayo dadaan sa chicken wire ha. inilagay yun dahil may dahilan. wag nyong gayahin ang isang pasaway na iniwasan ito at anu ang nangyari? nadulas lang naman, bwahahah!pasaway. para saan ngayon ang chicken wire?

sabi sa BMC yun daw pinakamalakas sa group ang dapat nasa sweeper group... e ano naman ang ginagawa nung tatlo sa likod kasama nung muse? malalakas ba sila... oo naman! yung hairstylist, malakas ang appeal sa girls... and boys? chickboy yun eh, pwede sa chick pwede sa boy. ang kapre aka choco, malakas din. malakas magyosi at magsabog ng bio gas. si bopek, ah malakas din yan, malakas humilik pag pagod, bwahahah!! so yung tatlong malalakas na yun ang tumulong at naghintay kay muse.



nagpatuloy sa paglalakad ang grupo hanggang sa abutan sila ng isa pang grupo. 1 girl(burmese) at 3 boys(singaporean). pero kakaiba sila, yung babae ang astig. yung mga lalaki ang medyo mabagal. inunahan nila kami habang nagla-lunch, pero ilang sandali lang ay inabutan din sila ng strangler group. 2 sa kanila ay sinusumpong ng pulikat. dahil likas sa pinoy ang palabati at pagiging matulungin, nag-suggest ang isa na pakainin ng konting asin yung mga pinupulikat. wala daw silang dala, kaya nanghihingi sila ngayon sa amin. kaso mo, nasa lead group, ang meron lang kami ay ang maalat at maanghang na nagaraya. yun na lang ang inabot namin sa kanila. sa simula ay dalawang isip pa sila kung kukunin, siguro'y iniisip kung niloloko ba namin sila. so naging friends namin sila at nagkukumustahan tuwing magpapaang abot kami.



mukhang di pa sapat ang pahirap, bumuhos ang ulan. so ang nangyari, nabawasan pa ang strangler group, medyo giniginaw na raw sya at pagod na kaya mauuna na raw sya. biruin nyo? iniwan ng isang mama yung muse... paano na lang ang wagas na pagmama.... lasakit sa isang kai-bigan. nakakaramdam na rin ng pagod at over fatigue ang tatlong natitira sa strangler group... halos nakakatulog na sa tuwing mapapadaan at magpapahinga sa mga pondok. pero kahit anung mangyari ay wala pa ring iwanan ang mga ito, di tulad ng iba dyan...



at sa hinaba haba man daw ng lakarin at pahirap sa sarili ay narating din namin ang laban rata... tila na ang ulan at medyo malamig na ng dumating kami. pero dahil pinoy at feeling namin ay nasa pinas lang kami kahit na medyo malamig... naka t-shirt lang kaming dumating dun. picture taking muna sa labas, sinasamantala ang magandang tanawin. may nag-aabang sa aming isang galing sa lead group. pinaiwan daw sya ng TL para nga intayin kami. nahan na ang magaling na mamang nang-iwan sa amin? dun na raw sa kwarto, mahusay na bata!

matapos ang ilang picture taking at posing, naisipan muna naming mag hot chocolate sa restaurant dun. pag pasok namin ng restaurant, lahat ng tao ay napatingin sa amin. bakit kaya? di naman kami alien, di naman kami nakahubad. bakit kaya. isa lang ang naisip naming dahilan, lahat sila ay balot ng jacket at mga naka jogging pants at ang iba ay naka-bonnet pa. e kami? t-shirt, at shorts lang, bitbit na namin ang mga poncho namin dahil naiinitan na kami. astig! iba talaga ang pinoy. partida, galing pa sa isang bansang tropikal.



habang ninanamnam namin ang mainit na choco ay dumating si TL, naiinis. bakit? nag-aalala daw kasi sila dun sa kwarto dahil wala pa kami. at ipinagluto pa kami ng mainit na soup, tapos e aabutan nya kaming kampanteng nagkukwenthan dun at painom inom ng chocolate... alam nyo ang nasabi nya... mga hayuf...



maagang natulog ang grupo para makabawi ng lakas na gagamitin nila para sa pag-aasult ng summit. ang ilan ay di na nakuhang kumain, mas gusto na lang na matulog. sadyang nakakapagod ang 2nd day.

May 17, 2005

D-DAY (adventure and misadventures)

maagang nagkita kita ang walo sa likuran ng megamall bldg A upang duon ay sumakay patungong clark pampanga. may shuttle kasi ang philtranco na maghahatid sa mga pasahero ng air asia, pero hindi libre at first come first serve basis po. salamat na lang kay choco at nagawa nyang makabili ng ticket isang araw bago ang alis namin kaya sigurado na kaming makakaupo, pero muntik na ring mabulilyaso.

pagdating ng bus ay pinaasakay na agad ang mga pasaherong may ticket na. napansin namin na walang inilagay seat numbers sa aming mga ticket at ang buong akala namin ay free seating din ito



kampante kaming pumili ng mga upuan sa luob ng bus. pero ilang sandali lang ay nagsakayan na rin ang ibang pasahero at may mga seat number silang ipinapakita sa amin kaya wala kaming magawa kundi ang umalis. dahil nga marami na ang napapaalis sa amin, bumaba ang bopek upang magreklamo sa mga nangyayari. ipinaliwanag naman nila na kahit walang nakasulat sa ticket namin ay may naka-reserved para sa amin, ibinigay naman nila.

habang nakikipag negotiate si bopek sa mga inspector ay yung driver naman ang kausap ni babsie. tinanong din nya sa driver yung sitwasyon ng grupo, alam nyo ba ang sabi ng mahusay na driver, kung di raw kami mabigyan ng seat number ay pwede rin daw naman kaming maupo sa gitna dahil may mga mono block silang upuan. ayos ka lang manong?! hindi ba't kaya ka nga magpapa-reserve o magbabayad ng mas maaga eh para siguradong may mauupuan kang maayos.

kalmadong ipinaliwanag ni babsie na di pwedeng ganun dahil nga may reservation kami. alam nyo ang isinagot ng talentadong driver? kung ayaw daw naming maupo sa mono block ay pwede naman daw sa susunod na bus kami sumakay at sigurado namang makakarating din kami dun, ayos di ba? ang problema, ang kasunod na bus ay 11 pa aalis, tamang tama yun dahil 1140 ang flight namin... ang talino nya eh.... humirit pa, kung gusto naman daw namin ay pwede kaming pumunta sa terminal nila malapit dun, 110 lang daw naman pamasahe hanggang sa pampanga (dau yata yun o sa angeles). di ko alam kung alam ba nya ang patakaran o ibig sabihin ng reservation, not to mention na bayaran mo ng mas maaga ang ticket mo... kayo na ang bahalang humusga.

matapos ang mahigit 2 oras na byahe ay narating din namin ang clark at pumila na sa entrance ng airport. nang mabayaran na ang lahat ng dapat bayaran ay pumila na kami sa immigration upang makapunta na kami sa boarding gate sana namin. pero mukhang may kung anung gustong pumigil sa pag-alis namin. mukhang di maganda ang gising ng mga immigration officer na naka duty. yung isang officer ay tinatanung ng husto yung tatlong kasabay namin. anu daw ang gagawin nila sa malaysia... anung trabaho nila... at ng sabihin ng isa na may sarili silang tindahan at may trabaho ang mga asawa nila, alam nyo ba ang isinagot ng butihing officer? "kung ako nga, piloto ang asawa ko hindi ako makapag tour..." ano naman ang pakialam namin sa buhay mo? kasalanan ba namin yun? kailangan pa ba talagang sabihin yun? kailangan bang pahirapan ang mga taong gustong samantalahin ang murang pamasahe upang makapamasyal kahit minsan? di na namin natapos pa ang usapang iyon dahil kami namin ang pinahirapan ng officer na napilahan namin.

hinahanapan kami ng invitation to climb galing ng malaysia. ipinaliwanag namin ng mahinahon na hindi kailangan ng invitation dahil dun nga sa headquarters ng park kukuha ng permit on the day ng climb mo. ayaw pa ring matinag, lahat daw ng climb ay kailangan ng invitation galing sa location nung bundok na aakyatin nyo... ha? with all due respect, pinipilit ba nyang intindihin ang sinasabi namin sa kanya? kalmado pa rin ang grupo, tinanung namin kung pwede na ba yung reservation ng lodging namin sa laban rata? medyo alanganin pa rin sya, pero pumayag din. good.


pero mukhang minamalas talaga kami ngayon ah, walang nakapag-print ng confirmed reservation or yung payment man lang ng lodge namin. nakiusap na lang uli kami at ipinaliwanag namin. pero mukhang wala silang balak paalisin ang mga tulad namin. sinubukan naming humingi ng kaunting tulong sa ilang kawani ng air asia. ang kailangan lang sana namin ay internet access ng ma-i-print namin yung reservation namin. pero, inaalat talaga, matapos kaming paghintayin ng kalahating oras sa opisina nila ay tsaka nila sasabihing di nila kami matutulungan... anak kayo ng mga tatay at nanay nyo ah!!!! pero nag-offer pa rin ang isa sa kanila, pwede raw naming i-fax sa kanila yung reservation kung may makapag-print galing sa aming opisina.

habang nakikiusap pala ang mga organizer ay isa naman sa amin ang inaaway na lahat ng tao sa airport, mula dun sa kasagutan nyang immigration officer hanggang sa mga bantay sa air asia. pero meron pa ring isa na kalmado at nag-iisip ng ibang paraan, ang aming muse. paglabas namin sa "mabuting" tangapan ng air asia ay may kausap syang taga-opisina, so, pina-print nga namin at ipina-fax sa tanggapan ng air asia, pero ayaw daw pumasok nung fax transmission. alam nyo ba ang isa pang ginawa ng isang empleyado ng air line? binawi nya lahat ng claim tag ng bag namin, bakit daw? dahil di raw kami siguradong makakaalis ng 'pinas. imagine that? ikakarga na lang sa eropano pero inalis pa rin. damn.... bakit ayaw nyo kaming paalisin!!!!! medyo tensionado na ang lahat, sino ba ang hindi? nagbayad na kami ng airfare, lahat ng gusto nilang tax, may reservation na rin kami sa laban rata at nakapag-file na kami ng mga VL's.

dahil talagang cool headed ang aming muse, nagawa nyang kausapin yung bisor ata ng mga immigration officer dun at ipinaliwanag ang aming sitwasyon, mukhang cool headed din ang officer na kausap ngayon ng aming muse, naintindihan naman nya at pinayagan nya kami, kinausap nya yung isa pang officer. anu na nga pala nangyari dun sa tatlong babaeng kasabay namin? sabi ng ilan ay nagpa-refund na lang daw at di na tumuloy.

so nakalusot na nga sa immigration ang muse namin, pero talaga yatang pasaway yung officer na may asawa daw na piloto, nakilala nya yung kausap nya sa amin kanina at pilit na iniimpluwensyahan ang officer na pinilahan namin. buti na lang at di nakinig si mr. officer G. (yun ang initial ng surname nya) at sinabihan nya pa si mrs. officer na pangatlong group na kaming ipa-process nya. biruin nyo yun? pangatlo na kami pero mukhang di pa rin sila sanay? so, wala na ngang nagawa si mrs. officer. whheeewww!!! nakalusot din kaming lahat. kaya karga na naman ang bag namin sa eroplano, bwahahah!!! binawi namin ang aming mga claim tag at ipinakarga uli ang mga bag.


paglampas ng immigration, isa na namang xray machine para sa mga carry-on luggage. hinarang ang dalawa sa amin? bakit na naman?!! maayos at malumanay na ipinaliwanag ng security officer na di raw nila pinapayagan ang mga battery sa eroplano (AA yung mga battery namin a), dahil daw pwedeng power source yun ng kung anu man. dahil na nga rin siguro sa mga pinagdaanan na namin, ibinigay na namin sa kanila yun ng wala ng pakikipagtalo pero talagang mabait yung officer, sya na ang nag-suggest na i-check-in na lang daw namin para hindi sayang. so lapit kami sa isa na namang empleyado ng air asia, sa harap ng mga security officer ay sinabi nyang di nya kami matutulungan dun. so ang sinabi ng officer, sasamahan kami sa check-in counter para ibigay sa kanila yng battery at ilagay nila sa mga bag namin. salamat po sa mga security officers, sa sandaling inilagi namin sa airport na yun ay tanging sila lamang ang nakausap namin ng maayos at magalang at matulungin sa mga pasahero, isama nyo na rin pala yung OIC ng immigration at si mr. G.

nakasakay rin ng eroplano ang lahat, unahan nga lang sa pagpila sa boarding gate dahil free seating sa eroplano. ano yung free seating? kanya kanya kayong hanap ng uupuan nyo sa luob. pero wag kayong mag-alala, di ito tulad ng philtranco na overloading at sa mono block pauupuin ang mga pasherong walang seat number. at lumipad na nga patungong kota kinabalu.



pag dating ng sabah, ok pa rin. nakarating kami ng maayos sa center point mall, pinakamalaki sa city ng kinabalu. hanap agad kami ng makakainan, sa food court agad ang tungo. habangnag-iikot kami dun ay may mga lumalapit sa amin at kinakausap kami ng ingles. hanap lang kami, ikot lang ng ikot. hanggang sa may kumausap sa amin ng tagalog. muntik na tuloy naming malimutang wala kami sa 'pinas. ang dami pala nila dun na mga pinoy at ang ilan ay nakakaintindi pa at nakapagsasalita ng tagalog. syempre, san pa ba kami pupunta kung di sa mga kababayan namin, di ba pards?! yan ang itatawag nila sa'yo.
matapos ang late lunch namin, namili na ang ilan sa amin para sa supply ng pagkain namin sa luob ng 5 araw, habang ang ilan ay nanginginain ng durian ice cream. nabili na ang lahat, except sa isa, lighter fluid. dahil nga di pwedeng magsakay sa eroplano ng butane, napagkasunduan ng grupo na multi-fuel stove na lang ang dadalhin at dun na lang bibili ng fluid.



so ang nangyari, hanap kami ng lighter fluid..... matapos ang ilang sandaling ikutan sa mall, wala pa rin kaming nakitang lighter fluid, na ang tawag pala sa kanila ay gas lighter. hanap din kami sa mga katabing tindahan sa labas ng mall, wala pa rin!!!! kaya ang naisip na lang namin ay mag unleaded gasoline na lang, kaso mo, ayaw naman kaming pagbilhan sa gasoline station kung walang lalagyang bote. meron kaming canister ng fluid, pero 500ml, baka di umabaot sa apat na araw pang natitira. matapos pa ang ilang sandali ay nakabili na kami ng canister, actually, water canister yung nakuha namin, pero pwede na rin yun.

sa kabilang banda, habang abala kami sa paghahagilap ng fluid, si babsie naman ay nakikipag negotiate ng aming masasakyan patungong kinabalu park. ang hirap pala talagang wala ka sa sarili mong bansa, ang hirap makipag negotiate lalo na kung hindi masyadong sanay sa inglesan ang kausap mo... biruin nyo ba naman, naghahanap kami ng "van" para nga isang sasakyan na lang kaming walo, pero di nila maintindihan ang salitang van..... hhhuuuuwwwaaaa!!!! pano kami magkakaunawaan nito? halos daanin na lang namin sa sign language ang negotiation para lang magkaintindihan, pero alam nyo ba kung pano nagkaintindihan para sa van? nung sabihin ng isa na kung yun daw ba yung "kia" sabay muwestra ng malaking sasakyan.... yun nga!!!! tumpak!!! medyop tinataga kami sa presyo, kaya sinubukan naming humanap uli ng ibang mga driver na may kakilalang van... pero mas mahirap ang naging usapan namin, ang hirap ipaliwanag na gusto namin ng van, na gusto naming pumunta sa kinabalu park...kahit na sabihin namin kia van, di pa rin nila maunawaan. may nagsabing "bus mini", ang pagkaunawa namin ay mini bus. medyo malaki naman yata yun para sa amin. at dahil medyo late na rin, kahit na medyo mahal ang sinisingil sa amin nung una naming kausap ay pinatulan na rin namin.....

hala sige, karga ang gamit at lahat ng pinamili. pero pinakiusapan muna namin yung driver namin na idaan kami sa isang gasoline station para nga makabili ng unleaded. pag dating namin sa isang stasyon, bumaba si choco para bumili ng gas. nilapitan nya yung isang mamang inabutan namin malapit sa isang pump station. nakiusap sya na makabili ng 1.5L na unleaded pero ayaw daw syang intindihin at ayaw daw magbenta. bano.... pano ka ngang pagbebentahan nyan eh di naman pala empleyado ng gas staion yung kausap nya, bwhahahah, not to mention na self service pala, wahihihihi.ang talino mo talaga choco...

makalipas ang may isang oras na byahe ay may natanaw kami sa di kalayuan.... tama ba ang aming nakikita? ang kabundukan ng kinabalu. parang kailan lang ay sa internet, picture at TV lang namin nakikita at pinapangarap lang namin. pero heto kami ngayon, sa bawat paglipas ng oras, sa bawat kilometrong aming nilalakbay ay papalapit na kami sa katuparan ng aming pangarap at pakay.



pasado alas syete na ng gabi ng kami'y dumating sa headquarter ng kinabalu national park. mabait na mga receptionist at manager ang sumalubong sa amin. nang maayos na ang mga bayarin para sa aming accomodation sa gabing iyon ay inihatid na kami ni veronica, ang mabait na receptionist na nakakaintindi rin ng kaunting tagalog. nag-ayos ng gamit, nagluto ang ilan habang naliligo ang iba. habang nag-aayos ng gamit ay may napansin ang isa, nawawala ang mga carabinner nya, so inakalang nalaglag, nanghiram na lang sya sa iba, pero nakampu!!!! lahat pala ng carabiner namin ay nawala. sa pagkakaalala namin, ay walang pagkakataon na hindi namin katabi ang mga bag namin mula sa airport ng kinabalu. ibig sabihin, hindi dito sa malaysia nawala yun, at sigurado rin kami na bago namin i-check-in ay mga nakasabit pa sa bag namin yun bago namin nilagyan ng mga backpack cover. kung hindi sa malaysia? saan? kung gayon.... sino? ayaw man namin magbintang pero kayo na ang bahalang mag-isip kung sino nga. maaga ang lights off dahil pagod na rin ang lahat at maaga pa kaming gigising at mahabang lakarin din ang gagawin.

wow, what a day... and the fun is just beginning.

May 5, 2005

ang orig na mr. tigasin

eto si mr. tigasin. ang nag-iisa at walang katulad. bakit tigasin? wag nyo ng tanungin, kasi kitang-kita naman ang ebidensya sa ginagawa niya sa picture di ba? kita nyo naman ang facial expression, maangas pa rin!


at dahil sadyang maraming nagmamahal sa ating mahal na pangalawang pangulo, ang daming nag-contribute ng pictures na nagpapakita ng kanyang natatanging tigasin moments. kunwari kaarawan mo ave, kaya binibigyan ka namin ng tribute hehehe! maligayang happy happy!!!