Apr 18, 2005

a treasurer worth treasuring



nung nakaraang weekend po ay ipinagdiwang ang ika-27 na kaarawan ng ating mahal na ingat-puri este ingat-yaman sa mt. gulugod babsie sa anilao, batangas. salamat kay jorge, philip, at roger para sa engrandeng birthday cake na matiyagang binitbit ni manong bal.


at salamat din kay tikboy sa pagdala ng mga birthday balloons. pansin nyo ba puro sila lalaki dito? hehehe! peace mareng lhen!

pagkababa ng bundok eh dumiretso ang grupo sa philpan dive resort para sa beachineering activities. ang macho ng ating birthday celebrant no?

salamat nga rin pala kila jojo at ave sa pagsagot ng 1877 at beer, at kay tikboy uli sa pagsagot ng cottage. special mention rin pala sa ating pangulong mark para sa masarap na fruit salad nung gabi.


at dahil kaarawan ng ating mahal na kaibigan, hindi ko siya tatawaging bopek ngayon. MALIGAYANG KAARAWAN ULI, ERIC! salamat sa masarap na pagkain lalo na sa marinated markchop, nabusog kaming lahat. hanggang sa uulitin.