Mar 4, 2005

MATIYO

BIRTHDAY BOY

ito po si matt, hindi po sya tulad ng iniisip nyo. sa katunayan ay barakong barako ang mamang ito. hindi po pink ang bonnet nya, kung iyon ang tingin nyo, color blind na po kayo. patingin ka na sa beterinaryo.

kilala sya sa grup bilang si matiyo! (courtesy of kiben!), kulot sya kaya sabi ng iba ay salot, este cute daw pala. dahil sa kaarawan nya at request ng isa nating kasama, heto ngayon sya upang inyong makilala.

salamat nga pala sa treat mo after ng manabo climb.... masarap yung special halu-halo ng chowking!!!! ang lupppppeeetttt!!!

happy birthday!!! huli man at magaling... wish namin makahanap ka na ng papa este mama pala (parang si kikay)..... kampai!!!! halcon! halcon! halcon!