Mar 18, 2005

cindew

lahat ng hirap ay kinaya sa pag-akyat ng halcon. sabi ng maraming pinoy mountaineers, ito na raw ang pinakamahirap dito sa 'pinas. pwede ka ng magmalaki pag narating mo ang summit. bakit? umakyat ang group hindi upang magyabang, kundi upang muli ay ihatid sa marami ang magandang karanasang makukuha na bawat isa. ipakita sa mga kaibigan ang magaganda at nakakatuwang larawan. higit sa lahat, pagmasdan at hangaan ang kagandahan ng kapaligiran na KANYANG nilikha.

ito si cindew (name courtesy by roger). ang kaisa-isa at kauna-unahang female ADTREK na kasama ng grupo sa pag-akyat sa summit ng mt. halcon. bagama't nakakaramdam din ng pagod ay di gaanung ipinapakita sa lahat. 'tila ba nanganagantyaw sa bawat ngiti nya habang hinihingal ang karamihan. hindi nya ginamit ang pagiging babae nya bilang excuse upang maging mabagal ang pacing ng group. sa katunayan, hindi sya kasama sa "strangler group" na 1hr behind sa lead group sa summit. kinaya nyang makipagsabayan sa karamihan sa pag-akyat .

ang pagtawid nya sa hanging bridge na ito sa lantuyan ang hudyat na nagawa nga nyang akyatin ang summit at makabalik ng ligtas. nawa'y maging huwaran sya ng ibang members ng grupong ito upang pagsikapang maging sila ay marating ang tuktok ng mt. halcon.

nagsimula syang sumama sa group nuong august 14, 2004 sa taal volcano. at sa 7 months nyang pag-akyat, ito ang pangatlong major climb nya (yung 2 ay sa makiling traverse). kasama rin sya sa double traverse ng maculot.

kaya saludo kami sa'yo cindew!!!! at hihintyain namin yung "treat" mo dahil sinamahan ka namin sa summit di ba?

by eric e.