Mar 23, 2005

nuon at ngayon

ito kami nuon(october, 2004) sa aplaya campsite ng halcon. basang basa sa ulan. sa luob ng 3 araw dito, 16hrs kaming basa at 8hrs lang tuyo. di namin naabot ang summit dahil sa walang humpay na pag-ulan at sa mga di inaasahang pangyayari.


ito kami ngayon (march 10-13). the whole period ng climb ay mainit. masaya at ligtas naming naakyat ang tuktok at muling nakabalik.


sino kaya nuon ang may balat at di namin narating ang summit? joke lang.... may mga pagkakataon talaga na marami ang di nakakaakyat sa summit ng halcon.

we shall return... para samahan naman ang ilan sa batch 2 at yung mga naiwan sa batch 1... kaya yung mga di nakasama sa amin, may ilang taon pa kayo para maghanda....

Mar 18, 2005

cindew

lahat ng hirap ay kinaya sa pag-akyat ng halcon. sabi ng maraming pinoy mountaineers, ito na raw ang pinakamahirap dito sa 'pinas. pwede ka ng magmalaki pag narating mo ang summit. bakit? umakyat ang group hindi upang magyabang, kundi upang muli ay ihatid sa marami ang magandang karanasang makukuha na bawat isa. ipakita sa mga kaibigan ang magaganda at nakakatuwang larawan. higit sa lahat, pagmasdan at hangaan ang kagandahan ng kapaligiran na KANYANG nilikha.

ito si cindew (name courtesy by roger). ang kaisa-isa at kauna-unahang female ADTREK na kasama ng grupo sa pag-akyat sa summit ng mt. halcon. bagama't nakakaramdam din ng pagod ay di gaanung ipinapakita sa lahat. 'tila ba nanganagantyaw sa bawat ngiti nya habang hinihingal ang karamihan. hindi nya ginamit ang pagiging babae nya bilang excuse upang maging mabagal ang pacing ng group. sa katunayan, hindi sya kasama sa "strangler group" na 1hr behind sa lead group sa summit. kinaya nyang makipagsabayan sa karamihan sa pag-akyat .

ang pagtawid nya sa hanging bridge na ito sa lantuyan ang hudyat na nagawa nga nyang akyatin ang summit at makabalik ng ligtas. nawa'y maging huwaran sya ng ibang members ng grupong ito upang pagsikapang maging sila ay marating ang tuktok ng mt. halcon.

nagsimula syang sumama sa group nuong august 14, 2004 sa taal volcano. at sa 7 months nyang pag-akyat, ito ang pangatlong major climb nya (yung 2 ay sa makiling traverse). kasama rin sya sa double traverse ng maculot.

kaya saludo kami sa'yo cindew!!!! at hihintyain namin yung "treat" mo dahil sinamahan ka namin sa summit di ba?

by eric e.

Mar 15, 2005

halcon!!! halcon!!! halcon!!!




matapos ang ang dalawang araw na pag-akyat, sa wakas ay narating namin ang tuktok ng mt. halcon. ito ang ilan sa mga pictures ng group....


babalik daw uli kami dito... siguro mga.... two years or more...

Mar 4, 2005

MATIYO

BIRTHDAY BOY

ito po si matt, hindi po sya tulad ng iniisip nyo. sa katunayan ay barakong barako ang mamang ito. hindi po pink ang bonnet nya, kung iyon ang tingin nyo, color blind na po kayo. patingin ka na sa beterinaryo.

kilala sya sa grup bilang si matiyo! (courtesy of kiben!), kulot sya kaya sabi ng iba ay salot, este cute daw pala. dahil sa kaarawan nya at request ng isa nating kasama, heto ngayon sya upang inyong makilala.

salamat nga pala sa treat mo after ng manabo climb.... masarap yung special halu-halo ng chowking!!!! ang lupppppeeetttt!!!

happy birthday!!! huli man at magaling... wish namin makahanap ka na ng papa este mama pala (parang si kikay)..... kampai!!!! halcon! halcon! halcon!