Feb 1, 2005

Breathtaking climb at Pico De Loro

ang lakad na ito ay sinimulang planuhin bilang isan fun climb na nauwi sa birtday climb ng isa nating kasamahan. ito ang kwento ng masayang selebrasyon ng kanyang kaarawan, na isang linggo pa ang layo mula sa araw ng akyat.


the team

sabado ng umaga, nagkita kita ang mga dadalo sa party. 15 ang mauuna na sa pico,kasama dito ang ilang kaibigan ng bida, at ang lima ay susunud na lamang kinagabihan. medyo nahirapan sa paghahanap ng masasakyan ang grupo dahil nagkakaisa ang mga jeepney driver sa pagtaga sa amin sa presyo ng arkila. at dahil medyo tinatanghali na rin kami, kinagat na rin namin ang mahal ang singil, anyways eto lang naman ang magiging gastos namin dahil sagot lahat ng birthday boy ang pagkain at inumin, ganyan kalupit ang may kaarawan.

sa madaling sabi ay nakaalis din kami ng manggahan at tumulak patungong ternate, cavite. marahil dahil sa tanghali na kami ay wala kaming inabutang taga-DENR sa jump-off. matapos ang panimulang panalangin ng ating reverend, ay nagsimula na rin kaming maglakad. mainit at tirik na tirik ang... uuyyyy, ano ang tirik? syempre yung araw, kasi nga almost 12pm na kami nag-start. medyo nahuhuli ang ating birthday boy, iniingatan kasi ang tuhod, medyo may konting problema lang... basag lang naman yata yung tuhod nya. at dahil kasama si mr. 15 minutes, kailangan kaming magpahinga ng 5 mins after 15mins of trekking, ito kasi ang di nya malimutan sa kanyang BMC.

ilang sandali lang ay narating na namin ang base camp at dito na lang kami nagpa-register. pahinga sandali, nag-igib ng karagdagang tubig then lakad na naman, ang target - waterfalls. wow! mukhang masaya 'to, dito kasi kami magka-camp. wala pang isang oras ay narating din namin ang waterfalls, dahil sa medyo nasa hulihan din ako, nagulat ako ng makita ang mga nauna. parang di sila masaya sa kanilang nakita. di raw kasi waterfalls ang nandun, shower lang!!! dahil nga sa medyo mainit ang panahon at madalang ang ulan, medyo mahina ang tubig ngayon dun. pero pwede na ring pag-tyagaan, makakapaghilamos ka na rin naman at makakakuha ka na rin ng tubig na panghugas ng mga gamit.

dito na kami nagsalu-salo ng aming mga pananghalian. anu ang handa para sa lunch? ang walang kamatayang manok ng mcdo, marinated tilapya, nilagang itlog, beef tapa at kung anu-ano pa. tulad rin ng plano ay magpapahinga muna dito ang grupo at 330 na lang daw kami mag-start ng assault to summit. ano pa nga ba ang gagawin namin habang nagpapalipas ng oras? syempre tulugan muna! dito na naglabasan ang sandamakmak na hammock o duyan. IN ngayon ang hammock sa grupo e, maraming nagpabili upang gamitin sa ganitong mga pagkakataon. pero may dalawang hammock ang kakaiba ang setup. yun kasing pwesto ng hammock ni tikboy e medyo bumababa dahil yumuyuko yung punong pinagtalian nya. e dun din nakatali yung hammock ni babsie. kilala nyo naman si wild boar di ba? kaya para di sumayad ang nakahiga sa duyan ni tikboy, kailangang nakapwesto si majimbu. counterwieght ba... pero hindi rin e, hindi counterweight ang tawag dun dahil malaki ang difference ng weights nila. bwahahah!!! yun namang walang duyan ay sa tarp na lang nahiga. di ko namalayan na nakatulog na rin pala ako, naalimpungatan na lang ako dahil nagtatawanan ang sambayanang pilipino. nagrereklamo sa mr. 15mins, may trak daw na dumadaan sa tagiliran nya. hindi ko lang alam kung sa magkabilang gilid o isang gilid lang nya.

nang magising na ang lahat, nagkayayaan ng mag-assault. yun nga lang, ayaw pa ni el presidente, mainit pa raw. tila ba takot malitson sa init ng araw. kaya ang ginawa na lang ng lahat ay mag-setup na ng camp site. kanya kanyang tayo ng tent, dagdag pa ng hammock at naghanda na rin ng paglilitsunan este pag-iihawan lang pala. pero sandali lang, kung aalis ang lahat, sino ang magbabantay ng mga gamit? di naman sa wala kaming tiwala sa ibang nandun. nag-iingat lang... at tamang hinala na rin. sino ang naiwan? e di yung huling dalawang nagising, si tikboy at si mr. sumeyt. si tikboy kasi ay galing night shift samantalang si mr. sumeyt ay bangag pa yata dahil ang hirap gisingin. ok lang naman yun e, dahil nga sa may magna-night trek, sila ang makakasama kinabukasan upang masaksihan ang sunrise, we hope.

sa madaling sabi, sugod sa tukaan! este sa tuka ng loro! sa una'y mabilis ang mga lakad, ngunit ng dumating na sa matarik na bahagi ay medyo may mga nahuhuli na. at tulad ng inaasahan ay mahirap na naman habulin si mc-coy. malakas lang siguro talaga ang resistensya nya. pero iba ang theory ni angas1, ikaw na raw ang maging wild boar, di ka ba matatakot sa mga taong nasa likuran mo at baka sibatin sya? hhmmm, magandang theory yan a, anung palagay nyo? narating na rin namin ang sumeyt, pero hindi pa ito ang tukang pakay. picture taking lang muna at konting pahinga, lalo na dun sa mga naghabol sa bilis ng trail master.


way up to the parrot's beak


tugatog ng tagumpay!!!


sunset team

medyo nainip si bopek, excited ng akyatin ang tuka, kaya hayun, iniwan ang group sa summit at nauna na sa tuka. hindi naman naging mahirap, medyo nakakakaba lang sa simula. narating na nya ang itaas ng tuka ay naruon pa rin sa kabila ang buong grupo. dito ay natanaw nyang pababa na rin ang hari ng sablay. pero sandali!!! hoy kumag!!! mali yang dinadaanan mo! may balak yatang mag-suicide ah. salamat naman at nakinig sya. makalipas pa ang ilang sandaling pag-iisa ni bopek ay nagdatingan na rin ang lahat. may kanya kanyang kwento kung paano sila nakaakyat, kung paano ang kabang naramdaman at kung paano ito nilabanan. ikaw na ang umakyat gamit ang tali sa gilid ng bangin, at yung batong aapakan mo ay medyo patagilid sa side ng bangin. pero isa ang namukod tangi, isang magiting na lalaking nag-volunteer na maging apakan ng mga girls. bakit kaya? dahil kaya naruon ang sinayaran nya sa makiling? o dahil nagpapakitang gilas sa mga bisita ng grupo? balita kasi namin ay wala pang BF yung isa e, totoo ba yun kikay? sa tuka ng pico de loro, kanya kanyang sigawan. sigaw ng tuwa at kagalakan. dahil narating ng lahat ang tuktok. may ilan kasing naruon mula ibang grupo ang di magawang umakyat e. mahina pa siguro ang angas level. pinagmasdan ng grupo ang sunset nuong araw na yaon, mahangin, malamig at sadyang napakagandang pagmasdan kahit na nga medyo kumakapal na ang ulap sa dako paruon.

uwian na! traverse ang gagawin, dun sa dating daan kami. pero sandali lang daw po, umaangal ang isang dalaga. iniwan daw po kasi nya yung bag sa sumeyt, kasi ang akala nya ay duon pa rin ang daan namin. ano ba yan? di ba pinaliwanag ng trail master o di lang sya nakinig? buti na lang at naruon ang kanyang prince charming, sige papa, pakikuha ang bag ng iyong mama at ng makabalik na tayo sa campsite at malamang ay naiinip na yung mga bantay natin dun. dahil nga sa taas kami nag-sunset, natural na night trek kami pabalik. kaya naman medyo mabagal ang naging simula ng aming pagbaba. medyo masukal na rin ang dati naming dinadaanan kaya medyo lalo kaming bumagal dahil sa sinisigurong tama ang bawat nililikuan namin.

8 pm na rin ng kami'y makabalik sa campsite. nakapag-ihaw na ang dalawa, nakapagsaing na rin. tinola na lang ang kulang at dagdag na kanin pa. naghahanda na rin ang mga iigib ng tubig sa base camp at sya ring sasalubong sa mga magna-night trek. pero bago pa man sila nakaalis ay heto na ang limang humabol, dala'y sandamakmak na yelo at coke para sa nalalapit na lasingan. ang ilan ay nag-igib muna ng tubig, mga 2-3 KM din yun, habang niluluto pa ang masarap na tinola.

pagdating nga ng mga dakilang taga-igib ay sinimulan na ang pagsasalo-salo para sa kaarawan ni kikay. at ano pa nga ba ang kasunud pagkatapos ng masarap na hapunan? syempre pa, ang masarap at masayang socials - sa tagalog, INUMAN! masaya namang nakigulo sa amin ang mga guests. si mr. 15min ang bumabangka, lahat ay napapansin habang patuloy ang pag-inom ng 1877, ang alak na tumalo kay... kilala nyo pa ba? ang aming pulutan, squid balls at cheeze sticks na paborito ng birthday boy, medyo mahilig talaga sya sa sticks and balls, hhmmm... talaga yatang di paaawat 'tong si plip, akalain nyo ba namang hamunin ang mga guests namin na walang magtatagalog. puro ingles lang daw, pinatulan naman sya ng lahat, kaya hayun, ingles carabao na mga lasing ang maririnig mo. ito namang si horhe, pinag-tripan si bopek. kamukha daw kasi ni bopek yung isang guest pag tumatawa at sinang-ayunan naman ng marami. mga kumag talaga.

iisa lang yata ang nakita naming nagtawag ng uwak sa inumang 'iyon. clue, sa kanya ang mga pamatay na linyang 'to. " Eeehhhhh!!! Limatikkk!!Tanggalin nyo!!!" di nyo pa rin kilala, sige eto pa, "medyo cloudy kaya maulap, di uulan yan". nang maubos na ang alak ay kanya kanya ng tulugan, maliban sa mga officers. pinag-usapan pa ang planong pagpunta ng mt. apo. at si plip naman ay walang humpay ang paglalabas ng kanyang mga saluobin.

kinabukasan, tulad ng inaasahan, nag-assault ang ilan sa tuktok ng loro. hindi nga lang tulad ng plano na 530, tanghali na kasing nagising ang lahat e. ng makaalis na sila ay may dalawang pasaway pa ang humabol. mas maganda kasi ang weather, walang ulap, clear na clear. malaki ang chance na mas magagandang pictures. habang umaakyat na ang pangalawang group, naghanda naman ng almusal ang mga naiwan. masarap na sopas. lumipas pa ang ilang oras, nagbalikan na ang mga nag-assault.


sunrise team

naghanda na ang lahat para sa pag-uwi, dahil ang ilan ay ayos na ang mga gamit. minabuting mauna na ang iba para di maipon sa paliguan sa DENR. ang huling umalis sa camp, si wild boar, bopek, si reverend, si tikboy at si mr. sumeyt. laking gulat na lang ng sweeper group ng may tumawag sa kanila ng malapit na sila sa highway. si nakol, tila daw nawawala, naligaw! paano naman syang nawala? ganito kasi yun:

dahil may mga nauna na nga, pilit syang humabol sa mga 'yon. pag dating nya sa base camp, nilampasan nya yung 2nd group pero nauna pa rin ang 1st group. yun ang hinabol nya, yun nga lang, may isang intersection kasi dun na dapat ay mag left ka. pero marahil siguro kakatakbo at pagmamadali ay di raw nya nabasa yung trail sign. yung pagkalaking trail sign na : "babala!!! to maragondon, 3-4 hrs" hindi kaya nabitin lang sya sa paglalakad? kaya hayun, sakto ng tumawag sya kay mc-coy, kalalampas lang ng sweeper group dun sa pinagligawan nya. kaya ang dakilang presidente, naghintay na lamang sa kanya dun. isa lang ang naging tanung ng mga nasa DENR ng sya'y makabalik ng maayos: "anong batch ka? di ka ba nag BMC?" palagay nyo, tama kaya ang mga tanung na yon para sa kanya? kayo na ang humatol.


campsite watchers

reflection:

sa ating birthday... "boy"?, salamat sa napakalaking salu-salong naganap sa pico de loro. tunay na naging masaya ang lahat, lalo na ng malasing si mr. 15mins. at pagtripan ni horhe si bopek buong magdamag. hiling namin para sa'yo ay tumibay ng muli ang tuhod mo at ng makasama ka na uli sa mga maangas na climb ng group.

sa lahat, salamat naman po at nagawa nating maakyat ang tuktok ng loro. tunay na sa isa't isa tayo kumuha ng lakas ng luob upang magawang akyatin yun. pero syempre, dakila ka plip sa pag volunteer mong maging human stairs para sa ating mga girls nating kasama. ang talagang di ko lang mawari ay kung para kanino ba talaga yung ginawa mong yun?

sa batang nabitin sa paglalakad, at para na rin siguro sa lahat, anu mang pagmamadali ay kailangang maging maingat pa rin tayo sa paghahanap ng trail signs upang di na tayo maligaw muli. lagi nating isipin ang mga natutunan natin sa BMC. ito'y ating gawin sa isip, sa salita sa at sa gawa...