Dec 29, 2005

Bunton Buwaywa

Image hosted by Photobucket.com

collage by J. NAZARETH

Sa ngalan po ng mga bumubuo ng ADTREK Mountaineering Club at Tribong A'langan ng mga Mangyan ng Lantuyang, Baco, Oriental Mindoro nais po naming ipaabot ang aming taus pusong pasasalamat sa lahat ng nagbahagi sa ginanap na "Tulong sa Lantuyang" outreach project.Ang inyo pong mga donations, oras at serbisyo ay naging malaking tulong sa pagtatagumpay ng nasabing proyekto.

"Lubos na lubos kaming nagpapasalamat sa inyo na nagbigay tulong sa mga estudyante ng Lantuyang Elementary School, ito ang kaunaunahang pagkakataon na nangyari ito sa lugar na ito. Nawa'y pagpalain pa kayo ng Diyos para hindi lang ito ang maging huli kundi umpisa pa lang ng pagtulong ninyo sa mga Mangyan. Pwede nyo po ba kaming ampunin na?..."

Ilan lamang ito sa mga katagang binitawan ng mga nagsalita galing sa barangay at paaralan. Bagama't sinasabi nilang marami at malaki ang naitulong natin sa kanila, nakita at alam ng mga volunteers na naruon na marami pa rin silang pangangailangan para sa pag-aaral ng kanilang mga kabataan. Batid nating kahit anung pagsisikap ang gawin nila ay sadyang mahirap, kundi man imposible, na maiangat nila ang antas ng edukasyon sa kanilang lugar kung walang tutulong sa kanila.

Sa pamamagitan po ng munting tulong na ating ibinahagi, ay nakapag bigay tayo ng panibagong ngiti, liwanag at pag-asa sa mga kabataang Mangyan.

Muli, "bunton buwaywa mga kalo"(maraming salamat po mga kaibigan).

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Bawat mag-aaral (110) ay nakatanggap ng mga sumusunod:
1 school bag
1 cane umbrella
4 notebooks
2 pad papers
12 Mongol pencils
1 ruler
1 16-color crayons
2 erasers

Ang paaralan naman ay nakatanggap ng :
100 pencils
30 8-color crayons
100 manila paper
70 cartolina
4 boxes of chalk
100 assorted color ballpen
50 notebooks
1 unit pencil sharpener
20 pad papers
Assorted school charts
Assorted flash cards
Assorted window cards (Math)
Children Illustrated Dictionary
English-Tagalog Dictionary
English/Math/Science Reference Books
Old Elementary textbooks

Ginawa rin ang mga sumusunod para sa paaralan:
Installation of electrical and light fixtures for four classrooms
Finishing of school restrooms for students

Ang mga nakalap na laruan ay ipinamahagi bilang prizes sa bawat parlor games.

Dec 7, 2005

Tulong sa Lantuyang

Image hosted by Photobucket.com

Mt. Halcon, itinuturing na pinakamahirap akyatin na bundok dito sa atin. Ngunit ang taglay nitong kagandahan ang syang humihikayat sa maraming mountaineers na puntahan ito sa kabila ng hirap na haharapin. Ang mga Mangyan ang sinasabing lokal na naninirahan sa mga kabundukan ng Mindoro kung saan kabilang ang Mt. Halcon.

Image hosted by Photobucket.com

Sa ilang ulit na pag-akyat ng Adventure Trekkers Mountaineering Club (ADTREK) dito, nakita namin ang pangangalaga ng mga Mangyan sa kabundukang ito. Dito rin namin nasaksihan ang payak nilang pamumuhay. Isa sa popular exit routes ng ADTrek ay sa Brgy. Lantuyang, Baco, Oriental Mindoro. Dito matatagpuan ang isa sa maraming Mangyan Village, ngunit may mga mangyan na nananahan pa rin sa kabundukan. Pagdadala ng mga prutas at gulay sa kabihasnan ang isa sa ikinabubuhay dito habang ang iba ay inuupahan upang magtabas ng damo at maggamas.

Sa mga panahong may nawawala o naaksidenteng mga mountaineers dito, kabilang sila sa mga nangunguna sa pagtulong sa paghahanap. Pagtulong na kadalasan ay di nalalaman ng karamihan sa atin dito sa kapatagan. Tulad na lamang ng nangyari nuong November 2004, sila ang mga nagsilbing guide at katulong ng mga search and rescue unit ng mga kinauukulan at ilang mountaineeriong groups.

Image hosted by Photobucket.com

Sa kabila ng kagandahan ng kanilang lugar, masasabing salat sila sa mga pangangailangan sa pag-aaral. Sa aming huling pagdalaw, napag-alaman namin na ang mga silid aralan dito ay walang mga ilaw. Nagsusumikap ang bawat mag-aaral sa kabila ng kadiliman lalo na sa mga panahong umuulan. Pagsisikap na syang tinutumbasan ng kanilang mga guro. Kakulangan sa mga aklat at kagamitan sa pag-aaral ang masasabing isa rin sa kanilang pangangailangan. At sa tuwing sasapit ang tag-ulan ay tila nababawasan ang sigla ng ilang mga bata na magsipasok dahil sa sila’y mga nababasa sa paglalakad pati na rin ang kanilang mga gamit. Masasabi rin na ang kakulangan sa guro ang pinakamatinding problema dito. Sa 101 na mag-aaral, mula kinder hanggang ika-anim na baitang, ay dalawa lamang na guro ang nagtuturo dito. Sadyang malayo ang kalagayan nila kumpara sa mga mag-aaral na nasa lungsod.

Image hosted by Photobucket.com

Sa kabila ng kahirapan, nakatutuwang malaman na marami pa rin sa kanila ang nagsusumikap na mag-aral upang marahil kahit paano ay makaahon sa paghihirap. Ang mga sulat sa mga pinaglumaang notebook ay kanilang binubura upang muling magamit. Ang mga lapis ay patuloy na ginagamit hangang sa may pambura, at may natititrang carbon filling. Ang ilan ding mga bata dito ay kinakailangan pang maglakad ng 2 hanggang 4 na kilometro upang makapasok lang.

Image hosted by Photobucket.com

Masasabing hindi lamang ang lugar na ito ang naghihirap at maraming kakulangan sa pag-aaral ng mga bata. Marami pang komunidad sa maraming probinsya ang may ganito ring problema. Kung ating iaabot sa kanila ang ating mga kamay, hindi ba't masayang malaman na may ilang bata tayong natulungang simulan ang pag-abot ng kanilang mga munting pangarap? Mga batang syang sinasabi nating pag-asa ng ating bayan.

Image hosted by Photobucket.com

Ang pamunuan ng ADTREK sampu ng mga kasapi nito ay nagpasyang tulungan ang mga kapatid nating mga Mangyan ng Lantuyang. Ito ay bilang pagkilala sa kanilang pangangalaga ng kabundukan ng Halcon at ang walang sawa nilang pagtulong sa napakaraming mga umaakyat dito. Ang bawat sentimo at pahina ng mga aklat na ating maibabahagi ay karagdagang kaalaman at pag-asa para sa mga kabataang Mangyan.

Image hosted by Photobucket.com

At nuon ngang nagdaang Decmeber 3-4, sa tulong ng bawat kasapi ng ADTREK at ng ilang mga kaibigan at kasamahang volunteers, pinagkaluoban ang bawat bata sa Lantuyang Elementary School ng school supply package, na naglalaman ng mga, notebooks, pad papers, mga lapis, pambura etc. Mayroon ding mga bag, payong. Nagbigay din ng mga luma at bagong libro para sa kanilang gagawing munting silid-aklatan. Maging ang ilang kagamitan sa pagtuturo ng mga guro ay ipinagkaluob din ng grupo. At bilang tulong sa madilim nilang paaralan, ay kinabitan din ng mga ilaw ang bawat kwarto dito at binigyan din ng ilang pamalit. At sa dami ng sumuporta, nagawa ring ipatapos ang kanilang palikuran.

Image hosted by Photobucket.com

"Lubos na lubos kaming nagpapasalamat sa inyo na nagbigay tulong sa mga estudyante ng Lantuyang Elementary School, ito ang kaunaunahang pagkakataon na nangyari ito sa lugar na ito. Nawa'y pagpalain pa kayo ng Diyos para hindi lang ito ang maging huli kundi umpisa pa lang ng pagtulong ninyo sa mga Mangyan. Pwede nyo po ba kaming ampunin na?..."

Image hosted by Photobucket.com

Ilan lamang ito sa mga katagang binitawan ng mga nagsalita galing sa barangay at paaralan. kung inyo lamang narinig ang kanilang mga pasasalamat ay sadyang mawawala ang pagod mo sa lahat ng paghahandang ginawa para sa proyektong ito.

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Simpleng ngiti mula sa mga bata ay sapat na upang mapawi ang pagod ng mga ADTREK members and volunteers sa outreach program na ito. walang anumang bagay ang pwedeng humigit pa sa taos pusong pasasalamat at saya ng bawat batang mangyan kapalit ng aming munting nakayanang handog para sa kanilang pag-aaral.

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Bagama't sinasabi nilang marami at malaki ang naitulong natin sa kanila, nakita at alam nating marami pa rin silang pangangailangan para sa pag-aaral ng kanilang mga kabataan. Hindi ba't ang pabirong sabi nga nila ay ampunin na natin sila? Alam nating kahit anung pagsisikap ang gawin nila ay sadyang mahirap, kundi man imposible, na maiangat nila ang antas ng edukasyon sa kanilang lugar kung walang tutulong sa kanila. Kaya nga ba natin silang ampunin?

Image hosted by Photobucket.com

Sa munting naibahagi ng grupo, bawat volunteers at donors, maraming mga bata maging ang kanilang mga magulang ang nakaramdam ng saya at bagong pag-asa. At sa lahat ng tumulong sa kahit anung paraan, taos puso po ang pasasalamat ng ADTREK lalung lalo na ang mga batang Mangyan ng Lantuyang....

Nawa'y hindi ito ang una't huling pagkakataon na makakatulong tayo sa mga kapos palad nating mga kababayan. Wag din sana kayong magsasawang suportahan ang mga susunod pang project ng ADTREK.

Image hosted by Photobucket.com

muli ang aming pasasalamat sa mga tumulong upang maisakatuparan ang lahat ng ito.

"bunton buwaywa mga kalo" maraming salama po mga kaibigan

--- ADTREK-MC ---

Oct 28, 2005

Tulong sa Lantuyang


Sabi nila, ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Magsisimula ang lahat ng pag-asang iyon sa kanilang pag-aaral. Ngunit sa isang mangyan village sa paanan ng Mt. halcon, ay tila nahihirapan silang makita ang pag-asang iyon. Sa karimlan ng kanilang mga silid aralan, umulan man o umaraw ay nagsusumikap ang bawat bata na matuto. Pagsisikap na syang tinutumbasan at kung magkaminsa’y hinihigitan ng kanilang mga guro.

Sa kabila ng kagandahan ng kanilang lugar, masasabing salat sila sa mga pangangailangan sa pag-aaral. Ang mga classroom dito ay walang mga ilaw. Kulang din sila ng mga notebook, papel, lapis at maging ng mga libro. At sa tuwing sasapit ang tag-ulan ay tila nababawasan ang sigla ng ilang mga bata na magsipasok dahil sa sila’y mga nababasa sa paglalakad pati na rin ang kanilang mga gamit.

Ang pamunuan ng ADTREK-MC ay kumakatok sa inyong mga puso. Ang bawat sentimo at pahina ng mga aklat na iyong ibabahagi ay karagdagang kaalaman at pag-asa para sa mga kabataang mangyan. Atin silang tulungan sa darating na kapaskuhan.

Sila man ay may pangarap din...

Lantuyang Elementary School is located in Brgy. Lantuyang, Baco, Oriental Mindoro. It is the only elementary school for Mangyans, with 101 students. They need textbooks, reference books, school supplies and other stuff such as toys and clothing.

We are planning to give the donations this coming Dec. 3-4, 2005. Through the spirit of giving, let us all join our hands in helping these children reach their dreams.

For donations, please contact ADTrek Mountaineering Club at 0917.873.6187

Oct 8, 2005

Maalaala Mo Kaya. . .

kagagaling lang ng grupo sa gulugod babsie, dito nag celebrate ng 1st aniv ng ADTREK at birthday ni el presidente babsie. masaya ang naging pagdiriwang. maraming dumalo, members at guests.

tayo'y magbalik tanaw sa pinagmulan ng ADTREK...

taong 1999, unang nagsulputan sa analog ang iba't ibang group na mahilig mamumundok. mga tropa tropang umaakyat, mga freelancer ba. at ang mga hiwa hiwalay na grupo ay nagkasama sama sa iisang akyat, mt. marivelez-tarak ridge, september 2001. simula nun ay nagkaruon na ng iisang samahan ng mga umaakyat, pero freelancer pa rin sila.



may 29-30, 2005 - isang akyat sa mt. sembrano ang syang magiging simula para sa ADTREK. habang masayang nag-iinuman ng bilog sa summit ay nagpag-usapan ang pagtatayo nga ng isang mountaineering group sa analog. dahil sa dumarami na raw ang nagkakainteres sa pamumundok, panahon na upang may isang samahan na syang mangagalaga at magtuturo sa mga baguhang nais ding maranasan ang buhay bundok. sa simula'y inisip ng ilan na isa lamang itong usapang lasing at lilipas din pag natauhan na. ngunit sa kanilang pagbalik sa trabaho ay sadyang sineryoso ng bawat isa sa climb na yun ang napag-usapan. nagsimula na ang mga pagpaplano.



sa araw ng pagdating ng bopek sa pinas galing offshore ay bumiyahe ang grupo papuntang mt. pulag. nasa erport na siya nung pasakay kami ng bus at inaya pa naming dumiretso sa pasay terminal at dalhin ang bagahe sa bundok hahaha! pass daw muna siya... ang unang batch ay tinahak ang akiki trail samantalang sumunod ang pangalawang batch sa ambangeg trail.



sa ilang ulit na pagmi-meeting ay maraming pangalan ng group ang iminungkahi, nariyan ang angas daw mountaineering group, at kung anu-ano pa. pero ang paborito ko ay ang KUPAL - Kapatiran Upang Palaganapin Ang Love, courtesy of tuod at angas1, pero ang nanalo ay ang ADTREK, courtesy of kikay.

habang binubuo pa ang group ay patuloy pa rin ang mga akyatan. marahil ay upang makakuha pa ng ilang idea kung ano ang kalalabasan ng ADTREK. nariyan ang muling pagbabalik sa tarak nuong july 24-25, 2004, na ginawa na ring birthday celebration ni jersom at jorge.



sinundan ng corregidor island (pang wow philippines na tripping) nuong july 31-aug.1 '04, dito nasaksihan ng lahat kung pano matakot ang dalawa sa pinakamaligalig sa group. sobrang tapang ni william hunghang at tuod sa luob ng malinta tunnel.



at talaga yatang mga addict ang mga ito, taal volcano naman ang sunud na pinuntahan makalipas lamang ang isang linggo. dito naman nakilala sina DM's, TUOD, Babsie at BOPEK. nakita nyo sana kung pano manakbo ang isang napaka-matipunong lalaki ng ito'y habulin ng babsie na may bitbit na uod, wahihihihi. itinapon ang tubig para lang di abutan ng uod. dito rin nagkaroon ng world record sa dami ng bitbit na tubig ng iisang tao lamang. ang sabi po namin ay 5L per head ang dadalhin, pero yung isang baguhan medyo maangas, 5 gal ang dinala. panis!!!!



at pormal ngang inilunsad ang gupo sa mismong kaarawan ng ating butihing pangulong babsie. dito ipinaalam ang lahat ng dapat malaman ng bawat isa, o nalaman nyo ba kung ano yun? may isa kaming kasamahan, hindi pa raw napapatumba ng kahit anung alak, kaya nakipagpustahan pa. tinamaan yata ng karma, ayun, bumigay.... ano kanyo? hindi karma ang tumama? e ano? .... pakilakasan lang para marinig din ng iba.... 1877!!!!!!! aaaaahhh, yun pala ang tumama. sabi nya, tyamba lang daw yun.



at para pormal na masimulan ang grupo, nagkaruon ng BMC. ano? hanggang ngayon e di mo pa alam ang BMC? search ka sa google, malalaman mo rin yun.



anyways, matapos ang ilang linggong lecture, sugod sa makiling ang karamihan para sa kanilang training climb. nakampu naman yung naging climb namin... masyadong pahirap. kung ilang daang taon yata walang gumamit nung trail na dinaanan namin paakyat. ikaw na gumapang sa mga damuhan, ugat at sanga ng puno habang medyo umuulan. tapos, pagdating mo sa campsite e may mga nag-aabang na limatik. pero tulad ng inaasahan, nalampasan din ng adtrek ang climb na ito.



napagkasunduan ng mga kumag na akyatin ang halcon bilang unang major climb matapos ang bmc. pero bago yun, kailangan daw ng preparation. matinding preparation. kaya ang mga adik na organizer, nagpa-double traverse sa maculot. ano naman ibig sabihin nun? basahin mo 'to.... ang kikay, bumigay ang tuhod. nadurog yata sa kaangasan. yung isa naman nawala daw ang ankle nya, pati daw auntie nya e nawala din.



d-day ng halcon, sugod ang grupo sa mindoro. organized ang lakad na iyon. pero merong hindi nakisama. biglang sumama ang panahon nung nagsisismula pa lang ang trek. kaya ang nangyari, 16 hours wet, 8 hours dry kami buong panahon namin na nasa luob kami ng bundok halcon. hindi na rin namin nagawang abutin ang tuktok nito dahil sa isang di inaasahang pagkakataon. may isang nanghina yata ang tuhod at medyo nadulas. medyo lang naman. kailangan lang naman bitbitin pababa yung tao. mabuti na nga lang at nadulas sya. i mean, blessing in disguise yung nangyari sa kanya. dahil nung bitbit na sya pabalik ng campsite, muling bumuhos ang ulan at hindi ma muling humupa. at kung itinuloy namin yun, tingin ko, may mas matinding masasaktan sa amin. ito ang kauna unahang pagkabigong maabot ng grupo ang summit. kaya pinangalanan ang climb na ito na halfcon climb. dahil kalahati nga lamng ang naabot. at ang lahat ay nagsabing, "we shall return". at ang isa pa nga ay nangakong di magpapagupit hanggang di nya nararating ang summit nito.



masyadong dinibdib ng bawat isa ang kasawian sa halfcon, deng!! pang drama sa AM station ah. matagal din bago nasundan ang lakad na iyon. next destination... mt. manabo, day hike/fun climb daw. akala ng lahat ay magiging maganda ang climb na ito, ngunit subalit, kabaligtaran ang nangyari, buong maghapong bumubuhos ang ulan. ang iba nga ay trash bag ang gamit na kapote, wala kasing dalang payong o kapote ang iba, kasi nga fun climb daw ito at day hike lang. kaya binansagan ang climb na 'to na mt. malabo day hike....



dumating ang apat na sunud sunod na bagyo dito sa pinas, marami sa ating mga kababayan ang nasalanta, bilang tugon sa panawagan ng ilang ahensya at pribadong sektor, ilan sa mga myembro ang naglaan ng kanilang oras at pagod bilang mga volunteers. ang ilan sa kanila ay napunta ng bulacan at bicol upang tumulong sa pamamahagi ng relief goods. meron din namng tumulong sa pagrerepack ng mga damit at pagkain na ipapamahagi.



pagpasok ng 2005, rumatsada sa pag-akyat ang grupo. 2 beses isang buwan sa luob ng kalahating taon, happppettttt!!! sinimulan ang bagong taon sa pag-akyat sa mt. marami. bago lang ang lahat sa lugar na 'to. itong isang katoto, best climb ever daw nya dito. pano ba naman, every 15min trek e 5min rest, kahit na sa patag na daan ha. masyadong isinapuso ang natutunan sa BMC, at least this part, bwhahahah... kaya pala mt. marami ang tawag dito e sa dami ng trail na pwedeng daanan at pwedeng pagligawan. at mukhang marami ring nice people around.



next stop, birthday climb ng ating secretary este PRO pala, minsan kasi paring chicks to, at kung minsan, masahol pa sa babae kung mag-inarte. wag nyong sasabihing nabasa nyo dito ha. sagot nga nya ang halos lahat ng gastos sa pico de loro. medyo maaangas kaya inakyat pati yung tuka ng loro kahit medyo gumagabi na, pati yung mga takot sa height(yung may best climb ever sa marami), ay walang nagawa kundi ang umakyat din. matindi ang pagkabangag mga tao dito. bakit? akalain nyo ba namang di na pwedeng magsalita ng tagalog nung simulan ng tagayin ang 1877.



di pa man nakakaisang taon ang grupo, nagkaruon na agad ng 2nd batch BMC training nung february 2005. marami ang mga sumali, may mga active at inactive at may mga maraming dahilan (dala lang daw ng pagkakataon kaya pagbigyan natin sila, heheheh).... peace.... first climb ng batch 2 ay sa manabo... pero medyo malas ang grupong ito... bumuhos ang ulan bago pa man sila makarating sa summit. di tuloy natuloy yung parlor games na inihanda ni kikay, dyan pa naman magaling yung taong yun.pero naging masaya pa rin naman kahit paano ang climb na ito.



naalala nyo pa ba ang grupong nagwika ng "we shall return"? eto na, muli ngang sinubukang akyatin ang mailap na mt. halcon. sa simula pa lamang ng akyat ay maganda na ang ipinapakitang chance. mainit, clear ang kalangitan at walang limatik. sayang at di sumama sina tuod at horhe. isa lang ang naging problema, kinulang sa bigas! nakampu! bakit nangyari yun? ewwan ko, ewan nya... basta nagkulang ang bigas. buti na lang may mga guide na mangyan na napakiusapang bumaba para bumili ng bigas at ilan pang supply at magkikita na lang muli sa aplaya campsite kinabukasan. dito naranasan ang takal takal na kanin, pero at least sagana sa ulam. hindi na dapat maulit 'to... pero buti na nga lang at narating ang summit bago mag sunset kaya panalong panalo ang inabutang view. kaya ng pababa na, ginupitan na si choco at sa manila na lang daw nya ipapaayos yung buhok nya.



one week after ng matagumpay na halcon climb, makiling traverse naman para sa batch2. 2 lang sa batch 1 ang nakasama. at tulad ng unang akyat ng batch2 sa manabo, inulan pa rin, may malas talaga sa isa sa mga ito, sino kaya? sinong may balat!!!??? pero akalain nyo, nung makababa kinabakusan sa UPLB side, e napakaaraw at clear na clear sa summit. talaga lang siguro may malas sa kanila.



isang buwan din bago nasundan ang makiling climb, birthday climb naman ni bopek sa gulugod babsie. marami rin ang sumama at may dala pang cake, courtesy of phillip. dito, 1877 pa rin ang baon, iyo pa bang naalala ang taong ibinagsak ng 1877 nung general assembly ng adtrek? akala nga namin at dahil nga sabi nya e tsamba daw, inom uli sya nito. pero wow!!!! talaga yatang mortal na kaaway nya ang alak na ito. muli na naman syang ibinagsak. tsk tsk tsk, sadyang ang bawat tao ay may katapat.



dahil sa isang napakagandang pagkakataon, nagplano ang ang ilan sa grupo na akyatin na ang mt. kinabalu. ikaw ba naman, less than 3k ang pamasahe round trip, palalagpasin mo pa ba naman yun? kaya nga todo todo ang paghahanda nila na sinimulan bandang april pa lang... awa naman ni kulafu, natuloy din at naging successful ang mt. kinabalu climb ng ating 7 members at isang guest. sadyang maraming magagandang pangyayari at ilang di kagandahang karanasan sa trip na 'to. pero ang pinakagusto ng karamihan ay ang nabuong "lovers in kinabalu". at nabuo rin dito ang bagong motto ng ilan sa tuwing sila'y nahihirapan sa pag-akyat. "it's a walk in a park... mt. kinabalu park". heheheh!!!! teka, teka... hindi mo pa alam kung nasan ang kinabalu? naman!? hindi nga? seryoso ka? di mo pa talaga alam kung nasan yun? ito daw ang highest mountain sa southeast asia na may taas na 4095.2MASL. ito'y matatagpuan sa ranau, sabah malaysia. i-google earth mo at i-check ang coordinates na ito, 6 04 13.37N 116 33 35.56E



ngayon, sino nga ba ang mga ito na kung tawagin ang kanilang grupo ay ADTREK? sila ba ay mga taong sawa na sa maingay na buhay sa kapatagan? mga taong gustong lumanghap ng sariwang hangin kahit sa luob lamang ng ilang araw? mga taong nais magbawas ng stress sa trabaho? ano man ang sagot nila, isa lamang ang tiyak natin, lalo na ng mga nakasama na ng ADTREK sa climb. sila ay mga taong pinagbuklod ng isang paghahanap. paghahanap ng isang mapayapang lugar, isang lugar dito sa lupa kung saan ay maari nilang pagmasdan ang malawak na kagandahan ng ating kapaligiran na likha ng nasa itaas. mga taong nais ibahagi ang kanilang mga karanasan sa bundok sa pamamagitan ng kanilang masasayang kwento na sinamahan pa ng sandamkmak na larawan. mga taong nag-iisip kung hangang saan ang pisikal at sikolohikal na paghihirap na kakayanin nila. sabi ng marami, mahirap daw ang umakyat ng bundok. tama sila. mountaineering is the art of suffering (lalo na pag naakyat mo na ang halcon). ngunit sa bawat hirap na nararanasan ng bawat isa sa tuwing umaakyat, sa matinding sikat man ng araw o sa walang humpay na buhos ng ulan, may kaginhawahang nadarama ang bawat isa kanila. ngunit kung magkaminsan, sadyang mahirap ipaliwanag sa iba. mas makabubuting subukan nyong sumama o subukang umakyat ng inyong malaman.



sila rin ang mga taong ayaw ng muling maranasan ang masaklap na mt. napulauan climb. kapag tinanung mo ang karamihan sa kanila kung anu ang pinaka pahirap at pasaway na climb ay ito ang laging kanilang tinutukoy.

maangas nga ba ang ADTREK tulad ng una nilang ipinangalan sa grupo nila? sa ganang akin, ewan ko lang sa inyo, hindi naman. maaring maligalig, makulit, masayahin, malakas mang-asar nga ang karamihan sa kanila. ngunit ito'y tanda lamang ng isang bagay, malalim na ang pinagsamahan ng bawat isa sa grupo. bakit? ikaw ba, kaya mo bang mangulit at manarantado ng di mo kakilala? wag kang pilosopo ha, alam kong pwede mong gawin yung kung talagang may sapak ka sa ulo. pero kung ikaw ay matinong tao, hindi natin magagawang biruin o kulitin ang isang taong di naman natin "close".

kaya sa lahat ng nakasalamuha at nakasama na ng ADTREK sa anumang climb, maraming salamat at nawa'y di kayo madala at umulit pa kayo. sa lahat naman ng bumubuo ng grupo, ating ipagpatuloy ang nasimulang adhikain, ang palaganapin ang responsible mountaineering. let's continue "encouraging people to work in harmony with nature". anuman at saan man ang susunod na climb, kakayanin natin ito kung atin lamang paghahandaan, remember...

"height has nothing to do with it. it's your strength that counts"

story by: risk07
photo layout by: eyefocus

Sep 6, 2005

Litsong Baboy sa Gulugod Baboy

Sa puntong pong ito, samahan nyo po akong magbalik-tanaw sa isa sa pinakamahalagang pangyayaring umukit at naging bahagi ng ating mayaman na kasaysayan, ang mga impormasyoan at rebelasyong nakalakip sa sulating ito ay siya ring makakapagbigay linaw sa 22 taong misteryo ng pagkamatay ni Ninoy - ito ay ang pagdiriwang ng unang anibersaryo ng ADTrek (Adventure Trekkers). Ito ay tinawag ng mga dakilang historian tulad ni Zaide na “Litsong Baboy sa Gulugod Baboy” (hehehe..masyado kasing seryoso kwento ko)…

Ika-27 ng Agosto, sumugod ang isang batalyong ADTrek kasama ang kanilang mga POW (Prisoners of War po para sa mga imbeciles) este mga panauhing pandangal pala (isa ako diyan..yahoo!..hehehe) lulan ng dalawang 6x6 este jeep pala yun na yung isa ay may dalang WMD (Weapons of Mass Destruction po ang ibig sabihin nun para naman sa mga morons..hahaha), pero walang kwenta pala yung WMD dahil yung isa naming kasama, pastor pa naman lumanghap ng 46% na Carbon Dioxide, 33% Sulfur Dioxide, 18% Nitrogen at yung natitirang 3% ay iba’t ibang uri pa ng mga gas..(joke lang yan malay ko sa mga gases di naman ako chemist..yan ay pawang mga kathang isip lamang)..ok balik tayo sa kasaysayan..so ayun, sa awa ng Diyos buhay pa naman ang taong lumanghap ng sangkaterbang usok na pinaniniwalaang isa sa mga biological weapons na aming dala at eto pa nga ang mokong at nangungulit pa ngang gawin ko tong blog na to..hahaha..(tama na..hehehe...baka kotongan na ko nun..hehehe). Matagal ang aming naging paglalakbay animo’y para kaming mga kidnap victims na dinadala sa isang malayo at liblib na lugar, makailang ulit din kaming tumigil sa iba’t ibang bayan ng Batangas upang bumili ng mga “kikay kits”..nyhahaha..hindi...bumili sila ng kung ano anong mga bagay na gagamitin sa bundok.

Tumigil din kami sa Lipa, Batangas upang sunduin ang aming pinaka-espesyal na panauhin ang “litsong baboy” (nainip nga daw ang lolo mo sa tagal daw namin).

Lumipas ang maraming taon at matapos lampasan ang maraming unos, nakarating din kami sa aming destinasyon, isang resort sa Mabini Batangas, di ko na pinansin kung anong pangalan nung resort, gutom na kaya ako, pagkakaabalahan ko pa ba naman yun! Pagkarating namin sa resort ay nandun na pala ang iba nilang mga kasangga sa hirap at ginhawa..naks..mga alas-12 na ata nung dumating kami dun sa resort, buti na lang at nagpasya na silang kumain doon, dahil kung hindi lagot sila sa UN (United Nations po, yung pinamumunuan ng egoy na si Kofi Anan) dahil against sa Geneva Convention ang maltratuhin at gutumin ang kanilang mga POW hehehe..pagkatpos kumain naghanda na ang lahat sa kanilang paglusob, pero bago yan ay pinaghati-hatian muna ang ilang mga relief goods na dadalhin sa tuktok at ang pinakaimportante sa lahat ang “picture! picture!”


So ayun nga nagpasya na ang lahat na sumulong na sa pagakyat..pero makalipas ang ilang sandali nagpahinga muna ang lahat sa isang tindahan, buti na lang hindi lang ako yung nakaramdam ng pagod..nyhahaha…pero maya-maya umakyat na din kami..nag softdrinks lang muna dun..hehehe..


Tapos ayon..puro assault pala yun..pero ayon sa latest chismis at showbiz balita..hehehe..sandali lang naman daw yung akyat..hehehe..me kasabay din kaming ibang grupo..mga taga San Beda daw sila, at ayon sa aking bubwit, 1st climb daw nila yun, pasado ala-una ng umakyat kami at pasado alas-3 ng makarating kami sa summit with matching blessings from the sky hehehe..kasi umaambon.Since umaambon nga, nag-pitch na kami ng aming mga tents, habang ang ilan naman ay nag-preprepare na ng kakainin sa dinner, pero maya-maya nagulat na lang ako, nagkakagulo na ang lahat, parang magkakaroon ng isang matinding rebolusyon (daig pa ang iringan sa kongreso at matindi pa sa ralling ginagawa ng KMU sa Mendiola) pinunit nila ang kanilang mga sedula at sabay sabay na sumigaw ng BOPEK! BOPEK! BOPEK!..whew!!!...hahaha kala ko talagang maghahalo na ang balat sa tinalupan, dumating pala ang iba pang mga katipunero na pinamumunuan ni BOPEK. Animo’y isang artista si BOPEK, kung may dala lang sana akong papel at ballpen, nagpa-autograph na ko hehehe..

Lumalalim na ang gabi ng mga oras na yun, buti na lang nakisama ang panahon, kung hindi babatukan namin yun. Minsan lang magsasaya e, magpapaka-KJ pa..hehehe..pano kaya kami magpipicture picture kung umuulan. Maya-maya kumain na kami ng hapunan, ang menu, syempre si katotong litsong baboy, dinuguan, at tinola..syempre talo talo muna ang lahat..kumakain e..kaya ititigil ko muna ang kwento pansamantala..hehehe..


Nagkaroon din ng konting palaro, konti lang talaga kasi isa lang yung games (game pala)..hehehe..at sa kasawiang palad natalo pa kami,..hahaha..Pagkatapos ng lahat ng ito ay dumating na ang pinakamasayang sandali ang SOCIALS…in tagalong INUMAN..hehehe…dito naungkat ang kasaysayan ng who’s who ng ADTrek at ang ilan sa aking mga natandaan ay sina:

BOPEK – itong taong ito ay biniyayaan ng singing voice, sumali na din ito sa Pinoy Pop Superstar at Search for a Star kaya lang nagpasyang magback-out dahil panis daw ang kalaban..hehehe

TUOD –
ito ang taong ubod ng tapang, mula sa angkan ni Lapu-lapu at Bonifacio, “a tapang a tao”, a putol ang ulo, di atakbo, a putol a paa di atkabo.

BOY B –
pangalan pa lang Super hero na talaga ang dating, kagaya ng ibang superhero misteryoso din..hehehe..ano ba ung B?..hehehe

BABSIE –
napaka-malnourished nitong taong ito kaya tinawag na babsie

D’ MABOLO –
napakahirap naman i-explain..hehehe..cguro ang taong ito ay isang egoy..hehehe..tapos namumuti kapag umiinom ng alak..hehehe

IDOL –
siguro mahilig tong mg onlne sa YM, pero di naman nagagamit kaya ang status niya ay lagging “Idol” (corny hehehe..di bumenta..hahaha)

KIKAY –
pangalan pa lang machong macho, nagvolunteer pa yang magbuhat ng tinapay…hehehe

TIKBOY – ito ay pede sa tik at pede din sa boy kaya tikboy

CHOCO –
pangalan pa lang gatas na gatas na ang kulay..hehehe

KALTOK –
sounds like “katok” ano ba ibig sabhin nung katok, siguro wala silang pinto..(Corny ng lolo mo!!!)

ANGAS 1 & ANGAS 2 –
sila ang mga taong humble at down to earth hehehe

TINY BUBBLES –
petite to malamang, basahin niyo yung Pugad Baboy at malalaman niyo ang mga tanong sa inyong isipan..hehehe

PASTOR – secretary in English..hehehe, siya kasi yung secretary ng grupo..hehehe

Mr. SUAVE – dito ninyo mapapatunayang “To see is to believe!”

LILIBETH FERNANDO MABASA MANALO Jr –
ang tangrera BOW!



Matapos maungkat ang reflections..hehehe..tuloy pa din ang inuman, muntik na ngang magwala yung isa panauhing pandangal, nabitin kasi sa 1877, sabi ba naman..teka lang wholesome nga pala tong blog na to..edit ko lang ng konti yung sinabi nya..ok game ganito nangyari (Tapik sa Noo!) sabay sabing “O my goodness! Di man lang ako tinamaan!” hehehe..kaya nagpasya ang lahat pati yung mani itagay na din..kawalawala pati yung mantika itagay na din e. Pagkatapos maubos nung 1877 at pagkatapos ng mga usapang lasing, natulog na din ako, naalimpungatan ako ng mga 1:30 ng madaling araw me gising pa din, usapang lasing pa din siguro..hehehe..pero puro kagamitang pambundok ang naririnig kaya lang nakatulugan ko na din, tinamaan ako e, sila hindi lalo na si BOY T...hehehe.


Mga 5:30 gumising na ako, madami na ding gising syempre magpipicture picture ng sunrise..yung isang photographer kawawa naman, hindi daw siya ginising hehehe...Pagkatapos naming mag-almusal ng sopas,hotdog, scrambled egg at camera, nagbalot balot na din kami dahil pinapalayas na kami ni haring araw, tutukan ba naman kami ng sun rays, para gusto ko pang matutukan ng baril at patalim kesa dun..hehehe...At dahil nga sa parang hinoholdap kami ni haring araw.


Kumaripas ang lahat pababa ng bundok..yung iba mga kalahating oras pa lang nasa baba na, nakabalik na dun sa resort...addict pala yung mga kasama ko..addict sa cottage hehehe...tuloy ako nahawa, naging addict na din...hehehe..mainit e!...mga alas 9 na nun ng makababa kami...sa sobrang pagka-addict ko nakatulog ako dun sa cottage..


hehehe..di ko na ikwe2nto yung ngyari sa beach..kasi mountaineering group naman yung sinamahan ko..hehehe..at hindi beachineering hehehe...hindi naman sila nag-BBC (Basic Beachineering Course) pero malay nyo silang yung unang grupong mag-conduct ng BBC..hehehe..ano kayang contents nun..teka cguro ganito...me tip dun on how to double traverse an ocean..syempre maglalangoy yun..kung sa mountaineering paa ang gamit sa beachineering syempre kamay ang gamit..hehehe..teka baka kung saan mapunta yung kwento..balik tayo..game..mga alas-3 kami na lang pala yung natitira, yung sakay ng 6x6 na jeep na may WMD ang natira kaya umuwi na din kami. –The End


Pahabol lang po... Kasabay ng unang kaarawan ng grupo ay kaarawan din po ng ating MAHAAAAAAAAAAAL na el presidente na si mc-coy.. Kaya ba nga ba may litson BABOY at PORKCHOP sa ating menu? Hehehe!

Jun 24, 2005

bagong tripping

matapos ang isang succesful na climb sa kinabalu, bagong hobby naman ang sinubukan ng ilan. indoor wall climbing. bago sa group ang activity na 'to at si DM's pa lang ang nakasubok… kaya siguro di na sumasama sa pag-akyat ng group, heheheh!

sa halagang 150 per head, pwede ka ng magpakapagod at magpakasawa sa pag-akyat sa mga walls. sabi nila, good for 3-4 hours yung 150 depende sa dami ng tao. pero kung wala naman, pwede ring magpakasawa. yun eh kung hindi agad bibigay ang braso at mga kamay mo matapos ang ilang round ng akyatan, inisip nga naming parang bitin naman yata yung 4 hours. ngunit ng aming simulan at unti unti na kaming nag-eenjoy, e unti unti na ring nagpaparamdam ng kapaguran ang aming mga braso at kamay, at alam nyo ba kung ilang oras pa lang kami dun? 2 oras pa lang.

kung medyo pagod at sawa na kayo sa paulit-ulit na pag-akyat at pagbaba ay pwede rin namang mag-trek ng patagilid. ito raw ang talagang dapat na warm-up bago simulan ang wall climbing pero nung huli lang namin nalaman nung ngalay na kami hehe!

tuturuan din kayo ng mga bantay dun ng mga basics ng wall climbing at syempre kasama na rin ang belaying. At matapos ang ilang minutong turuan at some safety tips, hala sige, magpakasawa ka sa pag-akyat. wag kalimutan maglagay ng chalk para mas maging makapit ang mga kamay sa bato.

sa dami ng adtrek members na nagbalik iskuwela pansamantala, mukhang ito muna ang pagkakaabalahan ng ilan habang wala pang sapat na oras para sa mga weekend climbs. Maybe after a few months of indoor wall climbing, try naman namin rock climbing sa montalban, heheheh, who knows...