mga volunteers sa sagip kapamilya noong sabado. nahati ang grupo sa tatlo. 2 nagpaiwan sa abs-cbn foundation volunteer center para mag-repack, 5 na-deploy sa bulacan, at 4 sa bicol for relief good distribution operation
Sabado ng umagang umaga, nagtungo ang walong miyembro sa foundation. sa kadahilanang nakaalis na ang mga grupong patungng Quezon, nagkasundo ang lahat na manatili duon,habang umaasang made-deploy, upang tumulong sa pagrerepake ng mga donations, taga-load at unload ng mga sako-sakong donations sa mga truck na naghahakot. habang tahimik na nagtatrabaho ang grupo kasama ng ilan pang volunteer ay may isang matandang lalaki ang galit na galit na nagsisisigaw sa kalsada, bakit daw makalat sa harapan ng bahay nya? " this is my property!... you're damaging my property!" kasabay ng mga katagang iyon ay ang pagsipa sa ilang kalat na sinasabi nya. oo nga. makalat ang lugar ng datnan namin yun. isang palatandaan na marami ang taong naroon ng gabing nagdaan upang tumulong sa madaliang pangangailangan ng mas maraming taong nasalanta. naisip nya kaya yun habang nagwawala sya? naisip nya rin kayang sa dinami dami ng kapitbahay ng foundation ay sya lang yata ang ganun? para di na lang humaba ang kanyang litanya ay nagtulong tulong na lang ang lahat ng volunteer dun upang linisin ang lugar.
dito pa lang ay nahati na ang grupo, ang lima ay isinama sa isang truck na syang naghahakot ng mga natapos ng i-repack na relief, sa madaling sabi, mga kargador. nakailang balik din sa gandia, studio 14 at amoranto hangang sa nagkaroon ng assignment ang grupo - BICOL. habang naghihintay ng oras ng pag-alis, nabuong muli ang adtrek sa amoranto. dito ay ilang trak ang
tinanggalan at nilagyan ng sako-sakong relief ng makailang ulit. dumating pa ang tatlong adtrekkers at ang coordinator ng mga volunteer at sinabing pwedeng umabot ng 3-4 na araw ang operation sa bicol. tapos tayo dun!!! uwian na? usap muna ang lahat, sa huli ay apat lang ang nagnais na tumuloy sa bicol. at para mas exciting, may kasama kaming 2 6X6 truck ng air force at ang mga volunteer ng fedex/air 21... nang mapuno namin ang truck ng fedex/air21 ay sumama na kami pabalik sa scout gandia upang dun na hintayin ang ilang minuto bago tumulak pa-bicol, yun ang akala namin...
sako-sakong mga damit at pagkain ang binuhat ng mga volunteers, inihahanda ito para deployment sa mga lugar na nasalanta ng bagyo. kitang-kita sa mga mukha ng mg mga adtrekkers ang taos sa pusong pagtulong, kahit mahirap at nakakapagod ay tuloy-tuloy pa rin ang serbisyong totoo :)
pagbalik namin sa opisina ng AFV, wala pa raw yung makakasama namin sa bicol, standby lang daw kami... medyo nahihiya naman ang group na nakatambay lang sa labas, kaya kahit alam na may byahe pa ay sige pa rin ang pagtulong sa pagbubuhat pag kailangan. ilang sandali pa ay nagpatawag uli ng meeting si el presidente, yung di makakasama sa bicol ay isasama sa operation sa bulacan, 6 ang naatasan dito. matapos pa ang ilang oras ay lumakad na ang Bulacan team, 5 adtrekkers, 3 AFV's, 7 PNP personnel. teka, di ba't 6 yung dapat na kasama? oo nga, sana... ang problema, isang 6x6 lang ng PNP ang gagamitin nila, wala ng paglagyan ng tao. kaya iwan na lang ang isa... ok lang yun, sobra naman sipag ni daddy bad grass sa paghahakot e (sino yun!!!??)... ano naman ang nangyari sa Bicol team? ayun, nakatunganga pa rin...
dinumog ng mga tao ang evacuation center na ito sa barrio matiktik sa norzagaray bulacan, hindi lang mga evacuees ang nakinabang sa relief good na dala ng sagip kapamilya, pati na rin mg residente ay nakipila na rin, tsk tsk tsk
past 5pm ng ipatawag na ang Bicol team, inayos ang mga dadalhin... pupunta raw muna kami sa audience entrance ng channel 2 upang duon i-meet yung 2 6x6 ng militar. sa kabuuan, 4 adtrekkers, 4 AFV's, 6 PAF's, 3 galing sa fedex/air21 at 3 galing sa mekeni products ang bubuo ng Bicol team. matapos ang ilan pang paghahanda at ilang mga paalala ay handa na sana ang grupo, isa na lang ang kulang... hapunan. medyo gabi na rin at medyo gutom na ang lahat. matapos ang masarap na hapunan, lakad na ang grupo. hiwa-hiwalay ang 4 adtrekkers at 4 na AFV's sa apat na trak na gagamitin.
sila po ang matitipunong grupo na na-deploy sa bicol
pagsakay pa lang ng 6x6 ay ikinasa na ng mga katabi naming sundalo ang mga armalite na dala nila... tila ba naghahanda sa giyera,kakalabitin na lang ang gatilyo nito. di namin malaman kung makakaramdam ba kami ng security o para yatang mas gusto naming kabahan... sino naman ang di mag-iisip ng kung anu ano? hindi ba't kailan lang ay sampung sundalo na tutulong sana sa mga nasalanta ang in-ambush sa bulacan. ito rin ang isang dahilan kung bakit late kami ng 6 na oras. gusto ng mga sundalo na lahat ng gilid ng truck nila ay may banner ng AFV o channel 2, and take note sila ang nakagitna sa apat na truck. sa isang banda ay ok na rin yung nag-iingat. habang nasa byahe na kami, mga bandang 8pm, ay napag-alaman namin na katatapos lang ng bulacan team sa norzagaray. dahil sa gabi na at medyo mataas pa ang tubig sa ilang bahagi ng bulacan ay di na sila nakatuloy sa angat. napag-alaman din namin na nasiraan pa sila habang pabalik ng foundation.
matapos ang 3 stop over, isang ligaw, at siyam na oras na byahe ay binabaybay na namin ang quirino highway at dito kami naipit ng sobrang trapik. dahil medyo madilim pa at medyo liblib ang lugar ay alertong alerto ang mga kasama naming militar. habang abala ang team lider namin sa pakikipag-usap sa PDCC at mga kinauukulan para makaalis kami dun sa lalong madaling panahon ay isang military official ang lumapit sa mga kasama namin. nang malaman na anim lang ang kasama naming sundalo ay tumawag sya sa isang kampo malapit dun upang magpadala pa ng ilang sundalo sa lugar habang di pa kami makaalis dun, mabuti na nga rin yung nag-iingat. at sa tulong nga ng eskort naming taga PDCC ay binigyang priority ang aming convoy na makadaan dun... ang sanhi ng trapik ay ang gumuhong kalahating bahagi ng maharlika hi-way sa may bandang sipocot, kaya pala kung ilang kilometro ang pila ng mga 10 wheeler at container van. at sabi ng ilang driver dun ay isang linggo na sila dun na naghihintay na magawa ang kalsada. matapos pa ang ilang oras na byahe ay narating din namin ang ABS-CBN Naga station, 13 oras mula channel2 sa QC hanggang Naga City.
sa kabila ng panganib na kasama ang militar sa ganitong klaseng operation ay di alintana ng mga adtrekkers, makatulong lang sa mga kapatid nating nasalanta ng bagyo
ang masamang kondisyon ng lansangan ay di hadlang para maisagawa ang relief operation
sa araw ng pagbalik namin ng manila(martes), ay isang grupo na naman ng adtrekkers ang nabuo upang sila naman ang magtungo sa foundation at tumulong sa kung anu mang paraan. matapos ang isang maghapon na pagrere-pack at pagbubuhat ay na-deploy rin sila sa ibang bayan naman ng Bulacan.
|