Nov 30, 2004

mt. malabo


nakakatawag pansin ang mga nakaraang climb ng adtrek tulad ng sa mt makulit, mt halfcon, at mt malabo pero sabila ng lahat masaya pa rin, di nawawalan ng pag-asa at matatag pa rin, di kaya epekto yan ng bmc? hehehe, that the spirit!

si risk07 nalang magtutuloy ng mga kwentong naganap sa mt malabo. >>>abangan<<<

Nov 10, 2004

mt. halfcon

Ito ang kwento ng "kabiguan" daw ng ADTREK sa pag-akyat sa Mt. Halfcon.

Miyerkules, dalawang grupo ang naunang pumunta sa Mindoro, ang una ay upang mag-sekyur ng kanilang permit at ang ikalawa ay upang duon na makapagpahinga bago umakyat kinabukasan. Ang siste, pag dating ng naunang grup, wala si meyor pati na rin ang pipirma para sa turisim. Si meyor, nag-aanak sa mass weding kasama ang kanyang may-bahay, na sya rin palang pipirma para sa turisim. Sa madaling sabi, ang dalwang pobre sa unang grup ay walang nagawa kundi hintayin si meyor sa labas ng simbahan. At sa hinaba haba man ng kasalan, sa hanimun din ang tuloy, este natapos din ang seremonyas. Pagkatapos na pagkatapos ay pinapasok kami ng eyd ni meyor sa luob ng simbahan upang magpapirma ng permit. Isa lang masasabi ko kay meyor, mabait at konsern sa kapakanan nating mga mawnteynir, sa ganang akin lang naman yun…Matapos kay meyor ay sa pulis isteysyon naman nagpunta ang grupo para sa paynal aprubal ng permit. Binigyan kami ng konting payo tungkol sa mga "pogi" sa Mt. Halcon, sa limatik at sa putikang aming susuungin.

At ng makumpleto na ang aming permit, byahe agad kami papuntang dyamp op, sa Lantuyan. Duon kami magpapalipas ng gabi kina aling meri at nanay tseri. Sa byahe pa lang ay sinalubong na kami ng ulan, at hindi magandang senyales yun para sa amin. Dahil sa traysikel lang ang nasakyan namin ay hindi kami naihatid hanggang kina aling meri, di raw kaya ng traysikel, sabi ng drayber. Kaya wala kaming nagawa kundi maglakad ng kung ilang metro sa gitna ng ulan at dilim. Napakaagang pahirap nun…

Matapos na marating ang dyam op, nagpaluto kami ng makakain at naghanap ng masisilungan para sa gabing iyon…at matapos ang ilang tawaran ay nakakuha rin kami ng maayos na matutulugan. At talaga namang maayos at maganda ang kubong aming nakuha, kasya kahit siguro 12 katao. Para masarap ang tulog ng lahat ay tumoma muna ng 2 bilog, kahit na nga bitin yun ay pwede na rin…

Habang himbing na ang lahat ay tumawag si babsie, naruon na rin daw sila malapit kina aling meri, ngunit, subalit, datapwat di nila malaman ang tamang daan. Pagtingin sa orasan ay alas tres na ng umaga at umuulan ulan pa rin. Matapos ang ilang palitan ng pito, ay nahanap na rin nila ang kubong aming tinutuluyan. Ang ilan naman sa kanila ang natulog habang ang unang grupo ay naghanda na ng mga gamit. Bago mag ika-lima ng umaga ay ginising na ang lahat upang maghanda na at mag-almusal. Matapos ang kainan, paynal tsek, ilang paalala, piktyur teyking at dasal ay lumakad na ang grupo. 19 na hinati sa tatlong grup, tamang tama sa tatlong tim lider na nakapunta na duon.

Unang bahagi ng lakaran ay ang pagtawid sa hanging brids sa Carayrayan river. Ang usapan ay per grup ang pagtawid upang di masyadong magalaw ang tulay. Pero sadya yatang makukulit ang grupong ito, di pa man nakakapangalahati ng tulay ang grup 2 ay sumunod agad ang grup 3 ng marinig ang "piktyur, piktyur". Kaya hayun, tili naman ng tili ang ang isa dahil natatakot sa tuwing umuugoy ng malakas ang tulay. Matapos ang pagtawid sa hanging brids, asolt naman! kulang kulang din na isang oras na puro pataas, mga 45-70 degri ang slowp. pagtawid ng unang ilog ay may nadaanan kaming dyanksyon, ang kaliwa ay may treyl sayn...rong wey/do not enter. sa di malamang kadahilanan ay ito pa rin ang piniling daan ng treyl master. ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay mukhang di na pamilyar sa kanya ang daan na ito at may isa na namang dyanksyon. miting muna ang tatlong grup lider, tanungan kung tama ba ito. sa huli ay naghiwa-hiwalay ang mga lider, ang lider ng mid at teyl grup ay nagtig-isa sa dalawang daan, habang ang pasaway na treyl master ay nagbaktrak papunta sa naunang dyanksyon. pahinga muna ang iba. para mas masaya, dinagdagan pa ng buhos ng ulan. Nang magkita kita uli ang tatlo, nagkasundo na magbaktrak ang buong grupo, gud. bakit kaya yung may harang ang dinaanan nya? masukal daw kasi yung walang harang at mas malinis yung treyl na may sayn na "WRONG WAY", aaaah, yun naman pala e,ok. dito rin sa lugar na ito, nagsimula ng dumami ang mga lintek na limatik.

Tuloy uli ang lakaran, maputik at malimatik. madalang ang pahinga dahil sa takot na mas madaling malimatik at bihira din ang piktyuran dahil nga nagsisimula na ang ulan. marahil dahil sa mga ginawang pisikal na paghahanda ng grupo ay nakayanan nito ang medyo mabilis na peysing. yun nga lang, pagsapit ng ika-11 ng tanghali ay isa isa ng nagrereklamo ang mga ito sa gutom. sino nga naman ang di gugutumin, alas-5 pa ng umaga ng mag-almusal at matinding lakaran na ang ginawa nila. nais man ng mga lider na habulin ang ginawa nilang lunch area nuon ay di na makapaghintay ang ilan, kaya napilitan din sila na miryenda muna. matapos makabawi ng konting lakas ay sige na naman sa paglalakad, matapos ang maputik pa rin, mabato at magkaminsan ay mababangin na daan, narating din ang sinasabing lunch area, umaambon pa rin pero tuloy sa pagkain, tila ba ilang araw na di kumain.

Nakaraos din sa gutom, pero di pa tapos ang lakaran kaya hala sige lakad! di pa man nakakalayo ay may nasalubong na pauwing grupo. di raw sila nakapunta sa summit dahil nga sa sama ng panahon sa taas. "definitely, mataas ang tubig ngayon sa dulangan". hayan tuloy, habang naglalakad ay kung anu-ano na ang naglalaro sa isip ng ilan, mataas nga kaya ang tubig sa ilog? makakatawid kaya kami? magawa kaya naming marating ang summit? pero bago sagutin ang mga tanung na yan, kailangan muna naming maabot ang campsite. matapos ang sandamakmak na riber krosing, walang humpay na ulan, paglusong sa baha at putik, pagdaan sa madudulas na bato, gilid ng bangin, walang humpay na tanggalan ng limatik, maya't mayang tanung ng "malapit na ba?" at mahigit sa tatlong oras na lakaran, narating din ang aplaya. ito ang magiging campsite sa unang gabi.

Talaga yatang di kami tatantanan ng ulan, di pa man nakakapangalahati sa pagtatayo ng mga tent ay buhos na naman! pero dahil walang ibang choice, tuloy! nagtayo ang ilan ng tolda upang duon magluto at kumain. pero dahil nga sa panay ang ulan at may panaka nakang lakas ng hangin, ang grup 2, sa luob ng bestibyul na lang nagluto at sa luob ng isang tent nagkainan. dahil ayon sa IT, walang sosyals ngayon, maagang natulog ang karamihan. lumipas ang maulan na magdamag, ang ilan ay gininaw ng husto, ang iba naman ay binaha ng konti, pero pinilit pa ring makatulog para makabawi ng lakas.

Dey2
Tanghali na nagising ang karamihan samahan mo pa ng masama pa ring panahon, kaya ang naging pasya ng tim lider, assault na lang sa summit. matapos ang agahan at sanlaksang paghahanda, tumulak na patungo sa minimithing summit. mabilis na mabilis ang peysing ngayon, tila ba may mga humahabol na kung anu. pagdating sa dulangan river, tyempong may napadaan na mga mangyan at gumawa ng isang tulay para masimulan ang pagtawid dito. miting muna ang grup, nagbigay ng taning si TL, kailangan daw na bago mag 2pm ay nasa summit na kami. anu naman ang mangyayari kung di umabot? kung di umabot, kahit nasaan pa kami ng 2pm, babalik na sa campsite. kasi naman, dapat maaga talagang nag-start ang assault at 1pm ang target sa summit, pero talagang di maiwasan ang pasaway at maangas sa grupo e. eniwey, nag-agri ang lahat sa gusto ng TL. kaya ang nangyari, halos magtakbuhan na ang lahat sa pagmamadali, marating lang ang tuktok. medyo maganda pa ang panahon ng mga oras na yun at wala halos limatik kaya walang problema. hindi na iniinda ang mga baha at putik, sige lang ang lusong. may mga nadudulas na pero sige pa rin, may sira ang sapatos, ayaw pa ring tumigil.
Umabot kami sa balugbog baboy o gulugod baboy o kung anu pa mang tawag dun, basta kamag- anak yata yun ni babsie. ang mga grup lider ay nagulat sa bilis ng peysing, kaya nabuhayan ng luob ang lahat na maaabot namin ang summit sa takdang oras. matapos ang ilang piktyur at konting pahinga, takbo na naman. natawid namin ang isang maliit na batis, wala pa ring problema. ngunit ng malapit na sa susunud na water source, isang pangyayari ang babago sa lahat. sa di inaasahang pagkakataon, may isang nadulas at tumama sa bato ang binti at napatuon pa ang kamay. ARAAAYYY!!! geym ober na ba? matapos suriin ng TL ang kalagayan nya at napag-alamang di nya na kakayanin, nagdesisyon ang karamihan na babalik na ang buong grupo. bakit karamihan lang? dahil aminin nyo man at sa hindi, hindi lahat ay sumang-ayon dito. bagama't nais ng nadulas na ituloy ng grupo ang assault at magpapaiwan na lang sya at babalik na lang sa campsite, kasama ng ilang nag-volunteer na samahan sya, ninais pa rin ng karamihan na bumalik na lang, ano pa nga ba ang magagawa ng iba, e lahat ng grup lider ay pumayag na bumalik na lang lahat. matapos syang mabigyan ng 1st aid, nagsimula na ang mabagal na pagbalik sa campsite. habang naglalakad ay nabuo ang bagong plano, assault kinabukasan, 4am ang start, yung kung sino na lang ang gustong sumama, ang ayaw ay magpapaiwan na lang sa campsite. sa kabilang banda ay nagawang pagmasdan ng grup ang kanilang mga nadaanan, di kasi halos nagawa yun dahil nga nananakbo sila.

Ang nangyari, piknik na lang sa dulangan river. pagdating ng teyl grup (karamihan ay galing na sa grup 1 and 2), naliligo na ang ilan at nagpapatuyo na ng mga basang damit sa matinding sikat ng araw. yun ang akala namin, na magtutuloy tuloy na ang magandang panahon. habang masayang nagkakainan ay bumuhos na naman ang ulan, talaga naman o... matiwasay pa rin kaming nakabalik ng campsite matapos ang maulan na tanghalian. nang gabing iyon habang nagluluto ang lahat ay bumuhos na naman ang ulan, tila ba wala talagang katapusan ito. buti na lang at habang nagkakainuman ang ilan, dahil ang iba ay mga tulog na, nakisama ng konti ang panahon. nagkaroon ng konting clearing kaya lumiwanag ang campsite dahil sa sinag ng buwan. pero di rin nagtagal yun dahil... alam ko nasa isip mo, umulan na naman? TAMA! buhos na naman ang ulan buong magdamag na yun hangang paggsing kinabukasan.

Dey 3
Umaambon ambon pa habang nag-aalmusal ang lahat hanggang sa pag-aayos na ng mga gamit ay wala pa ring humpay. kaya lahat ng gamit namin ay basang basang basa. talagang tunay ang sinasabi nila, maraming water source dito sa halcon... maraming ilog, batis, bukal at isama mo na rin ang galing sa taas, ang ulan. matapos makapag-impake ng lahat at makapagdasal ay nagsimula ng bumaba ang grupo. tama lang ang peysing, bumabagal lang sa tuwing napapadaan sa mga maputik, madulas at mabatong pababang daan. habang nananghalian ang grupo ay nagkaroon ng konting panik, sa di malamang dahilan, ang isa sa amin ay pinasukan ng limatik sa mata. paano kaya nangyari yun? di nya nakita habang pumapasok? bakit may tinitingnan syang iba? At sa hinaba haba at sa tagal ng paglalakad ay nakabalik rin kami kina aling mary sa lantuyan. di na ginawang maligo ng ilan duon sa carayrayan river, dun na lang kina mike sa naujan naligo ang iba. dun kasi kami magpapalipas ng gabi, dahil nga
maaga kaming bumaba di ba? dapat ay linggo pa ang baba namin galing dulangan. ang mga nangyari kina mike ay ibang kwento na lang... masyado na itong mahaba e... siguradong masakit na ulo mo kababasa nito.

Reflection:
Sa dinami dami ng paghahandang ginawa ng grupo, di pa rin narating ang summit. hindi dahil sa kulang pa, halos pinanis nga ng karamihan ang treyl. kung kalikasan na mismo ang ayaw ay wala na tayong magagawa dun. bagama't nakapanghihinayang ang pagod, gastos at oras ay tingnan pa rin ang mabuting naidulot nito. naging masaya pa rin naman ang bawat isa kahit paano hindi ba? kasama sa pakikipagsapalaran sa mga kabundukan ay ang tsansang maabot ang tuktok nito, come to think of it, sa dinami dami ng group na nagtangka ng mga panahong iyon, walang nakapunta sa summit. at tayo lang ang grupong tumawid ng dulangan ng taym na yun. sa ganang akin, kung walang nadulas sa atin at bumuhos pa rin ang ulan, di rin natin ma-enjoy ang summit(pero kahit na, sayang talaga, at least narating man lang) at malamang ay naging miserable ang buhay natin pababa galing dito. sa tuwing naaalala ko ang mga ginawa ng grupo at mga pinagdaanan ay di ko maikaila sa aking sarili na ang mountaineering nga ay ang tinatawag nilang "the art of suffering". sino naman ang hindi magdurusa sa walang humpay na ulan, paglusong sa tubig baha, pagdulas sa putikan, paggapang sa mga landslide sa gilid ng ilang bangin, madudulas at mababatong daan, at ang walang kamatayang mga LIMATIK. idagdag mo pa ang maraming nasakang, bwahaha!!!

Pero tulad ng pangako ng bawat isa, WE SHALL RETURN! Hindi upang ma-conquer ito kundi upang muli ay subukang masaksihan ang magandang likha ng nasa itaas. ang sigaw ngayon ng ADTREK, halfcon! halfcon! halfcon!



by Eric E 11.10.04

Oo nga naman pala, sa hinaba haba ng kwento ay bakit nawala si TUOD… aaahh, alam ko na kung bakit, masyado kasing tahimik sa likuran (swiper grup). Mukhang masyado ang kaba sa limatik e. bawat hakbang ay masusing pinagmamasdan sa nakaambang "kaibigan" nya. Pero kung nakita nyo sya, mag-iisip kayo kung paano pa makakapitan ng limatik si TUOD. Ang suot nya kasi ay ang mga sumusunod… jogging pants, sa luob nuon ay naka tights pa sya, medyo mahabang medyas, syempre nakasapatos at may gaiters pa… tapos naka-brief din siguro sya, ewan ko lang ha, di ko rin sure kung meron nga e. kung ako man ang limatik, mahihilo muna ako ng husto bago makakapit sa balat nya. Meron din syang arm guard para sa braso nya. At sa dinami dami ng suot ay nag-spray pa ng off, nagpahid pa ng vicks sa mukha at leeg, at may nakahanda pang alkohol… ibig sabihin nun, hindi sya takot sa limatik… naghahanda lang po ng husto. Naisip ko lang, kung sya kaya ang napasukan ng limatik sa mata, ano kaya ang gagawin nya? Mag-collapse kaya yun sa nerbyos… buti na lang at di nakasipsip sa kanya ang mga kaibigan nyang limatik. SAYANG!!!

Babsie, salamat sa malasakit mo ha, tunay na magkaibigan talaga kayo ni TUOD. Gusto mo patas lagi kayo… sana naman ay masaya ka na sa karagdagang kwentong ito.

by Eric E. 11.12.04