Oct 20, 2004

Mt. Makulot (Double Traverse)...para sa Halcon

photo by : j. nazareth

Huling yugto ng paghahanda para sa Halcon ay dumating. Ang target… dalawang traverse ng Mt. Maculot. Maangas? Medyo… pero mas maangasan ka kung malalaman mong ginawa lang ito sa luob ng 9hrs, kasama na dito ang isang oras para sa lunch break. Di lang yun, pul batel gir pa ang karamihan sa kanila. Ibig sabihin, kung ano ang dadalhin nila sa Halcon, e yun din ang dala dala nila dito.


At ito ang kwento ng kaangasan ng ADTREK at ilang bisita sa Mt. Maculot.

Nagsimula ang ilan sa grupo nung ika-16 ng Oktubre, apat sa kanila ay nag-nayt trek ng 10pm at ang apat pa ay 2AM na. ang lima naman ay mas maangas, bumaba pa sa taal leyk at dun magpapalipas ng gabi at susunud na lang daw kinaumagahan. Bakit mas maangas? Ikaw na ang umakyat-baba ng 1,500 steps na hagdan wan wey at maglakad ng kulang kulang dalawang kilometro, di ba mas maangas yun? Ang ilan naman ay susunud na lang sa kamp sayt sa linggo ng umaga.

Pag dating ng naunang apat sa kamp sayt, nagtalo talo pa kung maglalagay daw ba play syit, di kasi malaman kung uulan ba o uulan. Buti na lang at may kasamang weder porkaster, at ito ang kanyang payo… "klawdi ngayon kaya medyo maulap, hindi uulan yan". Aba'y natural!!! Pag klawdi e maulap, di ba't tinagalog lang yun… maloloko naman kami nyan sa'yo e… mga bandang alas-tres ng umaga, habang ang lahat ay mahimbing na natutulog, dumating naman ang apat pang kasama. Reklamo agad ang narinig namin sa isa, sa simula pa lang daw ng lakad nila ay medyo nagdidilim na ang kanyang paningin. Hindi kaya dahil sa nayt trek sila kaya medyo madilim? Palagay nyo? Ginamit kaya nya ang hed lamp nya? Pagkatapos i-set-up ang kanilang tent, tulog na rin agad, wala ng sosyals at piktyuran ngayon….

Linggo, matapos magdatingan ang ilan pang kasamahan, maliban sa dalawa pang leyt, sinimulan na ang paghahanda sa matinding pahirapan, isang pagpapahirap makasama lang sa Halcon. Sa simula ay nagagawa pa ng ilan ang makapagpa piktyur habang nasa treyl. Masukal ang unang bahagi, at maputik, matinik at paahon ang sumunud. Bawat isa ay may kanya kanyang paraan upang malibang at hindi isiping babalikan pa nila ang daang ito makalipas lang ng ilang oras. Meron dyang pakanta kanta, panay ang angas, meron naman panay ang sigaw ng "distansya amigo", kawawa naman ang nasa likod nun. At ang ilan naman ay nagsasabing "para sa halcon" sa bawat hakbang nila. Medyo natagalan ang grupo sa pag-akyat, dahil trapik. Ha? Di ba't sa EDSA lang ang trapik? May nasalubong kasi ang grupo na mga pababa naman ng kamp sayt galing sa sumeyt. Makalipas ang mahigit sa isang oras, narating ng grupo ang tuktok ng makulot, dito na rin nakahabol ang dalawang leyt. Matapos ang ilang minutong pahinga at konting miryenda at walang piktyuran, lakad na naman ang pasaway na grupo.

Mabato ang sumunod na bahagi ng lakaran, sa isang parte nito ay kailangang gumamit ng lubid ng ilan. Dito ay nakakuha ng pagkakataon na makapag piktyur teyking habang isa-isang bumababa. Matapos ang pagbaba sa mababatong bahagi, init ng araw, pagbaba sa hagdanan at ilang oras pang lakaran ay narating na rin ang dyamp-op sa ibaba ng grotto. Salamat naman po… natapos na ang isang rawnd, tapos na ang kalahati ng paghihirap. Tsaw taym muna, hanap ng tindahang mapupuwestuhan at mabibilhan ng sopdrinks. Awa ni kulapo, may nahanap naman ang grupo, may tinda pang saging kon yelo, at binigyan pa kami ng libreng malamig na tubig. Marahil ay nahabag sa aming itsura.

Habang nanananghalian ay napag-alaman ng grupo na isa sa kanila ay hirap ng maglakad at handa ng sumuko sa lakad na ito…meron bang susuko sa grupong ito? May iniwan na ba sa ere ang ADTREK? Hindi ba’t wala pa, at hindi ikaw ang magiging una. Marahil sa pinaghalong sandamakmak na kantyaw at sanlaksang paghikayat upang tapusin ang sinimulan, hindi nga sya sumuko. Nagtanung ang ilang residente duon kung pauwi na kami, ngunit ng aming sabihin na hindi pa at pabalik pa kami sa aming pinanggalingan, mababakas sa kanilang mukha ang gulat at tanung. Marahil ay naiisip nila " naghahanap ba talaga ng sakit ng katawan ang mga batang ito?" At matapos nga ang isang oras na lants breyk, lakad na naman ang grupo. At sa pagkakataong ito ay nauna na ang ilan, sa isang banda ay mabuti na rin ito upang hindi maipon ang buong grupo sa parteng kinakailangang isa isa lang ang pagdaan o pag-akyat.

At tulad ng inaasahan, marami na sa grupo ang nakakaramdam ng matinding pagod sa rawnd tu. At marahil ay nagtatanung sa sarili, "bakit ba ako nakasama dito?" o kaya naman ay "sino bang walang magawa ang nakaisip nito?" Pero tulad din ng inaasahan, walang sumuko. Maraming maaring dahilan, ang mangilan ngilang biruan ng grupo, ang paghikayat sa bawat isa, at marahil ay ang determinasyong tapusin ang nasimulan. Determinasyon at kahandaan na syang kakailanganin ng bawat isa sa halcon. Habang papalapit ng matapos ang paghihirap ay unti unti na ring nagbibigayan ang mga tuhod at katawan ng ilan. Meron nga daw nawala na ang ankel nya, bumigay na raw. Yun kayang anti nya, bumigay na rin? Pero ang malupit sa lahat ng kwentong ito ay ang pag-iibigan ng dalawa nating kasama… pag-iibigan nga ba o pag-ibig ng isa? Di ko pa kasi alam kung da filing is myutuwal…pag nalaman ko, share ko agad sa inyo ha….kahit anung pagod ni lalake at kagustuhang matapos na ang paglalakad, ay talaga namang di nya iniwan ang sinisinta, bwahaha.. Parang mga linya ba sa pelikula nung unang panahon? Sa hinaba haba man ng lakaran, natapos din ang paghihirap. At di nakapagtatakang nahuli ang mga tropang galing pa sa taal leyk. At ang sumalubong sa bawat isa, masarap na pansit bihon at malamig na kowk.

Sa pagtatapos ng akyat na ito, maraming napatunayan ang bawat isa sa grupo. Determinasyon ang pundasyon upang ipagpatuloy ang nasimulan kahit na nga marahil ay maraming balakid sa iyong dadaanan. Kung iyong nanaisin ay mas mangingibabaw ang lakas ng isipan sa lakas ng katawan kung magpokus ka lang, tulad nga ng lagi kong sinasabi, "it's only in you're mind…you can do it, just believe in yourself!" Maaring pwede na nating sabihin, na handa na pisikali ang bawat isa para sa Halcon. Ang pagdyaging, ang treyning klaymb sa makiling, ang pag-akayat sa pico, manabo at makulot (isang trabers lang) at ito nga, ang maangas na dobol trabers. Maliban na lang sa paghahanda sa limatik, yun na lang siguro ang problema ng ilan sa atin, di ba TUOD? Hindi naging ganung karami ang piktyur teyking sa akyat na ito, marahil ang gusto ng karamihan ay tapusin na sa lalong madali ang lakaran na ito, bawi na lang tayo sa Halcon.

Salamat sa mga sumama sa paghahandang ito, kahit na nga ang ilan ay halos murahin na ako sa sobrang hirap na naranasan. Higit sa lahat, nais kong papurihan si Kit, ang taong bumigay ang tuhod pero itinuloy at tinapos pa rin ang sinimulan. Anu man ang naging dahilan nya at itinuloy pa rin sa kabila ng paghihirap nya, saludo kami sa'yo. Ganun din kay Ave, Jhunhel at kay Myles(ang ating bisita), na simula pa lang sa taal leyk ay sila na ang magkakasama, na hindi nagawang iwan si Kit sa kanyang paghihirap. Kahit na nga panay ang drama ng pobreng mama, "sensya na kayo ha, kung pati kayo ay nahuhuli" at "sige ok lang, una na kayo". Kung ako marahil ang nakarinig nun, malamang sipain ko pababa yun para bumilis at tigilan ang drama. Pero dyok lang yun, magagawa ko ba naman yun sa kanya, e di wala na tayong napagkatuwaan sa mga susunud na lakad, di ba?

Hanggang sa muli…kita kita tayo sa Halcon…. 7 days to go….

P.S.
To whom it may concern, paakyat na po ang grupo sa Halcon, matutuloy kaya ang sponsorship sa lakad na ito? Nagtatanung lang po… kayong mga sasama sa Halcon, palagay nyo matuloy kaya ang pagsagot nya dito?

by : eric e.