Oct 4, 2004

bmc sa mawnt makiling

group 1


group 2


group 3


group 4

Ito ang araw na pinakahihintay ni Pedro, ang katapusan ng simula ng bagong pananaw nya sa pamumundok. Araw ng treyning klaymb, sa bundok makiling ang tungo, nagsimula sa santo tomas, batangas at magtatapos sa los banyos, laguna. Nahati sa apat ang grupo, ang pinakahuli ay ang grup por, sila ang swiper grup dahil nasa kanila ang pinakamalalakas, daw.

Sakto sa oras na itinakda ang pagdating nya, kahit na ba may ilang pasaway na leyt dumating sa unang tagpuan. Pero sandali lang, narito na si pedro ngunit wala pa ang dalawang treynor, di kaya ipinasara na naman ng yakult ang rohas bolibard at may patakbo na naman sila? Di ba’t sabi nila ay sori sa mahuhuli at iiwan ng grupo dahil kailangang maging mahigpit sa iskedyul? Iwan na lang kaya natin…sige! At bakit? May nakakaalam ba sa atin ng daan?..... wala!!! Sabi ko nga e, sige hintayin na lang natin sila. Sa hindi rin maipaliwanag at di inaasahang pagkakataon, lima sa ating mga kasama ay hindi nakarating. Wag nyo ng piliting alamin ang dahilan, may mga bagay na sadyang di kayang maipaliwanag ng siyensya. Di bale, mag meyk ap klaymb naman daw sila e, hindi yung inilalagay minsan ni kikay sa mukha na pampaganda habang kumakanta ng la la la la la….

Sa wakas, dumating na rin ang ating mga treynor. Matapos ang ilang minuto, tumulak na ang buong grupo sa dyamp op at naghanda na para sa isang matinding laban. Kung anu anu ang ipinagsusuot, may pangontra sa limatik, sa init ng araw, sa talahib at kung anu ano pa. Matapos ang maigsing panalangin ng ating pastor, at ang paalala na wag munang masyadong maingay sa daan dahil marami pang kabahayan ay sinimulan na ang paglakad. Pero sadyang may mga taong maligalig, di pa man nakaka isang daang metro ay panay na ang sigaw, waring di alintana ang mga nabubulabog nya, sige, ilista na lang muna yan.

Sa dyamp op pa lang ay kita na ang mga pik na aakyatin at kung ganu ito kalayo. Masukal ang daan, dagdag pa sa maputik dahil sa pag-ulan ng nagdaang gabi. Pero hindi ito ang pipigil kay pedro, may nakapigil na ba sa kanya? Hindi ba’t wala pa. Bagama’t ganito ang dinadaanan, naaalis ang kanyang pagod dahil sa ganda ng kapaligirang kanyang natatanaw at syempre ang walang kamatayan at sadyang nakapapawi ng pagod, piktyur teyking! Di pa man ganap na nakakalayo ay may naghahanap na ng “5 minute break every 15 minutes”, wala syang magawa kundi ilista na lang muna at subukang habulin ang nasa unahan nya. At bakit sya lang daw ang mukhang hinihingal sa grupo? Ang sikreto, takbo ng di bababa sa 30 minuto, 2 o 3 beses isang linggo. Matapos ang dalawang oras na lakad ay pahinga muna daw ng isang oras dahil mabilis naman ang peysing at maaga pa. Yahu, tsaw taym at syempre, piktyur piktyur! Ang sumunud na bahagi ng treyl ay sadyang pasaway, matataas na kogon, ekspows sa araw, pataas at maputik na daan. At talaga yatang ginawa ang treyl na ito para sa maaangas, dahil may ilang bahagi nito ay kailangang gumapang, as in literal na gapang. At magkaminsan ay may sisigaw ng babalik babalik? Bakit? Dahil sa hindi pag gapang ng mababa ay sumasabit ang bag nya at kusa syang bumabalik na wari mo’y may humihila sa kanya, kaya sige, gapang pedro! Matapos ang ilang minutong hawian ng kogon at gapangan, nakarating din sa isang patag na bahagi at pahinga muna, syempre, piktyur teyking uli para mabilis mapawi ang pagod. Lakad ng 10 minuto pa at tanghalian na. Matapos ang kain, merong nag siesta, naglaro ng baraha, nagpapaganda at ang intrigahan. Anu daw ang leytest? May nagbigay daw ng kung ano sa isang kasama natin… sinu ang nagbigay ng ano kanino? Kung sumama ka, nalaman mo sana, heheheh!!! Dito rin nalaman na kapag daw matulis ang tyan ng buntis ay malamang daw na lalaki ito. Panu naman napunta dito ang usapan? Sukat ba namang banatan ng isa ang treynor ng ganito “kuya mar, nagpa ultra sound ka na ba? Malamang lalaki yan, matulis (malaki) kasi ang tyan mo e” bwahahah! Sus ginuong bata ito, pasaway!

Matapos pa ang ilang kantyawan, lakad na naman si pedro. Pero sa pagkakataong ito, wala na ang matataas na kogon, pero maputik pa rin. Pero may bago silang kalaban ngayon, ang halaman na kung tawagin ay “lipa” Kapag daw nadikitan ka ng dahon nito, asahan mo ng magkakamot ka ng kulang kulang isang buwan. Awa naman ni kulapo, walang nadikitan ito. Magkaminsan ay may sumisigaw ng “bangin sa kaliwa” o kaya naman ay “bangin sa kanan”. Mababait yata ngayon, panay ang bigay ng warning sa mga nasa likuran, isa rin yan sa natutunan nya sa BMC. Matapos ang isa’t kalahating pakikipagbuno sa mga bangin, ugat sa luob ng kagubatan, takot sa limatik at lipa, sa wakas ay malapit na sa kamp sayt. Pero talaga yatang pinagpapala ang mga loko, akalain nyong biglang bumuhos ang ulan, mga 10-15 metro na lang ang layo sa kamp sayt, swerte talaga! Ang ilan ay kuntodo suot agad ng mga kapote, ang ilan ay di na alintana ang ulan at may mga taong payong ang gamit. Oo! Payong sa luob ng kagubatan.

Salamat naman po at natapos na ang unang araw ng lakaran. Matapos ang kanya kanyang pagtatayo ng tent, naghanda na ang bawat grupo sa pagluluto ng kanilang makakain bago sila abutan ng dilim. Bakit naman nag-aalala sila ngayon sa dilim? Dati namang nakakapagluto kahit madilim na a? Dati yun! Ngayon kasi, wala yung mga erya lamp ng grupo, ang isa, walang nabiling byuteyn,pasaway! Yung isa naman, wala yung taong magdadala, pasaway din ba? Emergency daw! Ang grup wan, napakalaki ng problema ngayon, dala nila ang mga lulutuin, kasama ang magluluto, may baon din silang byuteyn. Anu ang problema? Wala silang kalan, wala silang mga kaldero! Nasaan? Wala ang taong magdadala nito! Pasaway!? Emergency daw! Sa isang banda ay nakatulong ito upang matutunan ng bawat isa sa grupo na mabuhay sa gitna ng kagipitan, ang lahat ay kumilos at gumawa ng paraan. Merong nanghiram ng kalan, habang ang isa ay naghihintay ng mababakanteng kaldero mula sa ibang grupo at habang ang ilan ay inihahanda na ang mga lulutuin. Saludo kami sa inyo grup wan, dun lang sa mga present ha. Ang grup por naman, bagama’t hindi nakasama ang nagluto at magdadala dapat ng pagkain ay masaya pa rin. Sa kabila ng di pagsama ng kanilang myus, nagawa pa rin nyang maibigay ang parte nya sa grup. Ipinagluto pa rin nya ang grup at ipinadala pa rin sa kanila. Sa ganun mang paraan ay kasama pa rin sya, di lamang ng grup por kundi ng buong ADTREK bats 1. Salamat po sa bikol ekspres, kahit konti lang ang nakarating sa ibang grup, heheh!!! Natapos ang kainan, ng hindi sabay sabay. Per grup na rin ang naging sistema ng kainan e, medyo okey na rin yun, mas madaling ayusin. Ito na ang pinakahihintay ng lahat, ang sosyals, sa simula pa lang ay mainit na ang kantyawan. Paano ba naman, may isa silang kasama na masama ang pakiramdam, giniginaw dawn a para bang lalagnatin. Iisa ang nasa isip ng karamihan, kailangan nya ng “init”, at anu nga ba ang mabisang sors ng init? Yakap at kalinga daw…pero mukhang bisi ang magbibigay nito. Habang patuloy ang sosyals, lalong umiinit ang usapan. Akalain nyo, nagkaroon ng “pagsayad” habang nagkakasayahan. Tanung ng bayan! Kailangan bang pasayarin pa ang kamay habang inaabot ang tagay mula sa ibang tao? Pwede namang hindi, e bakit “sumayad” ang kamay nitong isang baguhan sa isa nating myus? At huling huli ng sambayanang Pilipino ang mga nangyari. Porke ba wala yung isa, dahil may emergency daw, ay may “sasayad” na?

Layts op…..

by Eric E