Oct 20, 2004

Mt. Makulot (Double Traverse)...para sa Halcon

photo by : j. nazareth

Huling yugto ng paghahanda para sa Halcon ay dumating. Ang target… dalawang traverse ng Mt. Maculot. Maangas? Medyo… pero mas maangasan ka kung malalaman mong ginawa lang ito sa luob ng 9hrs, kasama na dito ang isang oras para sa lunch break. Di lang yun, pul batel gir pa ang karamihan sa kanila. Ibig sabihin, kung ano ang dadalhin nila sa Halcon, e yun din ang dala dala nila dito.


At ito ang kwento ng kaangasan ng ADTREK at ilang bisita sa Mt. Maculot.

Nagsimula ang ilan sa grupo nung ika-16 ng Oktubre, apat sa kanila ay nag-nayt trek ng 10pm at ang apat pa ay 2AM na. ang lima naman ay mas maangas, bumaba pa sa taal leyk at dun magpapalipas ng gabi at susunud na lang daw kinaumagahan. Bakit mas maangas? Ikaw na ang umakyat-baba ng 1,500 steps na hagdan wan wey at maglakad ng kulang kulang dalawang kilometro, di ba mas maangas yun? Ang ilan naman ay susunud na lang sa kamp sayt sa linggo ng umaga.

Pag dating ng naunang apat sa kamp sayt, nagtalo talo pa kung maglalagay daw ba play syit, di kasi malaman kung uulan ba o uulan. Buti na lang at may kasamang weder porkaster, at ito ang kanyang payo… "klawdi ngayon kaya medyo maulap, hindi uulan yan". Aba'y natural!!! Pag klawdi e maulap, di ba't tinagalog lang yun… maloloko naman kami nyan sa'yo e… mga bandang alas-tres ng umaga, habang ang lahat ay mahimbing na natutulog, dumating naman ang apat pang kasama. Reklamo agad ang narinig namin sa isa, sa simula pa lang daw ng lakad nila ay medyo nagdidilim na ang kanyang paningin. Hindi kaya dahil sa nayt trek sila kaya medyo madilim? Palagay nyo? Ginamit kaya nya ang hed lamp nya? Pagkatapos i-set-up ang kanilang tent, tulog na rin agad, wala ng sosyals at piktyuran ngayon….

Linggo, matapos magdatingan ang ilan pang kasamahan, maliban sa dalawa pang leyt, sinimulan na ang paghahanda sa matinding pahirapan, isang pagpapahirap makasama lang sa Halcon. Sa simula ay nagagawa pa ng ilan ang makapagpa piktyur habang nasa treyl. Masukal ang unang bahagi, at maputik, matinik at paahon ang sumunud. Bawat isa ay may kanya kanyang paraan upang malibang at hindi isiping babalikan pa nila ang daang ito makalipas lang ng ilang oras. Meron dyang pakanta kanta, panay ang angas, meron naman panay ang sigaw ng "distansya amigo", kawawa naman ang nasa likod nun. At ang ilan naman ay nagsasabing "para sa halcon" sa bawat hakbang nila. Medyo natagalan ang grupo sa pag-akyat, dahil trapik. Ha? Di ba't sa EDSA lang ang trapik? May nasalubong kasi ang grupo na mga pababa naman ng kamp sayt galing sa sumeyt. Makalipas ang mahigit sa isang oras, narating ng grupo ang tuktok ng makulot, dito na rin nakahabol ang dalawang leyt. Matapos ang ilang minutong pahinga at konting miryenda at walang piktyuran, lakad na naman ang pasaway na grupo.

Mabato ang sumunod na bahagi ng lakaran, sa isang parte nito ay kailangang gumamit ng lubid ng ilan. Dito ay nakakuha ng pagkakataon na makapag piktyur teyking habang isa-isang bumababa. Matapos ang pagbaba sa mababatong bahagi, init ng araw, pagbaba sa hagdanan at ilang oras pang lakaran ay narating na rin ang dyamp-op sa ibaba ng grotto. Salamat naman po… natapos na ang isang rawnd, tapos na ang kalahati ng paghihirap. Tsaw taym muna, hanap ng tindahang mapupuwestuhan at mabibilhan ng sopdrinks. Awa ni kulapo, may nahanap naman ang grupo, may tinda pang saging kon yelo, at binigyan pa kami ng libreng malamig na tubig. Marahil ay nahabag sa aming itsura.

Habang nanananghalian ay napag-alaman ng grupo na isa sa kanila ay hirap ng maglakad at handa ng sumuko sa lakad na ito…meron bang susuko sa grupong ito? May iniwan na ba sa ere ang ADTREK? Hindi ba’t wala pa, at hindi ikaw ang magiging una. Marahil sa pinaghalong sandamakmak na kantyaw at sanlaksang paghikayat upang tapusin ang sinimulan, hindi nga sya sumuko. Nagtanung ang ilang residente duon kung pauwi na kami, ngunit ng aming sabihin na hindi pa at pabalik pa kami sa aming pinanggalingan, mababakas sa kanilang mukha ang gulat at tanung. Marahil ay naiisip nila " naghahanap ba talaga ng sakit ng katawan ang mga batang ito?" At matapos nga ang isang oras na lants breyk, lakad na naman ang grupo. At sa pagkakataong ito ay nauna na ang ilan, sa isang banda ay mabuti na rin ito upang hindi maipon ang buong grupo sa parteng kinakailangang isa isa lang ang pagdaan o pag-akyat.

At tulad ng inaasahan, marami na sa grupo ang nakakaramdam ng matinding pagod sa rawnd tu. At marahil ay nagtatanung sa sarili, "bakit ba ako nakasama dito?" o kaya naman ay "sino bang walang magawa ang nakaisip nito?" Pero tulad din ng inaasahan, walang sumuko. Maraming maaring dahilan, ang mangilan ngilang biruan ng grupo, ang paghikayat sa bawat isa, at marahil ay ang determinasyong tapusin ang nasimulan. Determinasyon at kahandaan na syang kakailanganin ng bawat isa sa halcon. Habang papalapit ng matapos ang paghihirap ay unti unti na ring nagbibigayan ang mga tuhod at katawan ng ilan. Meron nga daw nawala na ang ankel nya, bumigay na raw. Yun kayang anti nya, bumigay na rin? Pero ang malupit sa lahat ng kwentong ito ay ang pag-iibigan ng dalawa nating kasama… pag-iibigan nga ba o pag-ibig ng isa? Di ko pa kasi alam kung da filing is myutuwal…pag nalaman ko, share ko agad sa inyo ha….kahit anung pagod ni lalake at kagustuhang matapos na ang paglalakad, ay talaga namang di nya iniwan ang sinisinta, bwahaha.. Parang mga linya ba sa pelikula nung unang panahon? Sa hinaba haba man ng lakaran, natapos din ang paghihirap. At di nakapagtatakang nahuli ang mga tropang galing pa sa taal leyk. At ang sumalubong sa bawat isa, masarap na pansit bihon at malamig na kowk.

Sa pagtatapos ng akyat na ito, maraming napatunayan ang bawat isa sa grupo. Determinasyon ang pundasyon upang ipagpatuloy ang nasimulan kahit na nga marahil ay maraming balakid sa iyong dadaanan. Kung iyong nanaisin ay mas mangingibabaw ang lakas ng isipan sa lakas ng katawan kung magpokus ka lang, tulad nga ng lagi kong sinasabi, "it's only in you're mind…you can do it, just believe in yourself!" Maaring pwede na nating sabihin, na handa na pisikali ang bawat isa para sa Halcon. Ang pagdyaging, ang treyning klaymb sa makiling, ang pag-akayat sa pico, manabo at makulot (isang trabers lang) at ito nga, ang maangas na dobol trabers. Maliban na lang sa paghahanda sa limatik, yun na lang siguro ang problema ng ilan sa atin, di ba TUOD? Hindi naging ganung karami ang piktyur teyking sa akyat na ito, marahil ang gusto ng karamihan ay tapusin na sa lalong madali ang lakaran na ito, bawi na lang tayo sa Halcon.

Salamat sa mga sumama sa paghahandang ito, kahit na nga ang ilan ay halos murahin na ako sa sobrang hirap na naranasan. Higit sa lahat, nais kong papurihan si Kit, ang taong bumigay ang tuhod pero itinuloy at tinapos pa rin ang sinimulan. Anu man ang naging dahilan nya at itinuloy pa rin sa kabila ng paghihirap nya, saludo kami sa'yo. Ganun din kay Ave, Jhunhel at kay Myles(ang ating bisita), na simula pa lang sa taal leyk ay sila na ang magkakasama, na hindi nagawang iwan si Kit sa kanyang paghihirap. Kahit na nga panay ang drama ng pobreng mama, "sensya na kayo ha, kung pati kayo ay nahuhuli" at "sige ok lang, una na kayo". Kung ako marahil ang nakarinig nun, malamang sipain ko pababa yun para bumilis at tigilan ang drama. Pero dyok lang yun, magagawa ko ba naman yun sa kanya, e di wala na tayong napagkatuwaan sa mga susunud na lakad, di ba?

Hanggang sa muli…kita kita tayo sa Halcon…. 7 days to go….

P.S.
To whom it may concern, paakyat na po ang grupo sa Halcon, matutuloy kaya ang sponsorship sa lakad na ito? Nagtatanung lang po… kayong mga sasama sa Halcon, palagay nyo matuloy kaya ang pagsagot nya dito?

by : eric e.


Oct 7, 2004

bmc sa makiling (ikalawang yugto)


Ito na ang hinhintay mong katapusan ng treyning klaymb. Nabasa mo na ba yung part 1? Ano? Hindi pa? aba’y tigilan mo muna ang pagbasa nito. Saan ka naman nakakita na inunang panoorin o basahin ang part2 sa part1? Kung isa ka dun, pasaway ka nga, pero ikaw ang bahala…..

Sekend dey, 4:30 pa lang ng umaga ay gising na ang lahat. Naghahanda na sa bagong araw ng matinding lakaran. May isang taong hindi raw nakatulog, bagamat malamig e ambiyent naman daw sa luob ng tent nila. Ang problema, iba pala ang nagpapalabas daw ng lamig. Isang pambihirang musika sa buong magdamag. Hindi naman sya makapalag dahil nakikitulog lang sya at baka palabasin daw ng tent, kawawa naman. Kaya hayun, masakit daw ang ulo dahil sa puyat. Matapos ang almusal, empake ng gamit at kung anu anung seremonyas pa, tumulak na naman si pedro. Pero iba ngayon ang sistema, ang swiper grup ang mauuna. Bakit? Dahil kailangan daw na mauna ang malalakas. May mga bahagi sa dadaanan kailangang may humila pataas sa ilan. May nagprisinta mula sa ibang grup na sasama sa kanilang mauna, ayaw pumayag sa una. Sa isang wagayway ng kamera, pumayag din, kailangan daw kasi na madokyument ang ilan sa paghihirap ng grupo, heheheh!!!, mga palusot. Tama nga ang treynor, sadyang pang matataas na angas lebel ang dadaanan nila ngayon, bangin kaliwa’t kanan, nagtataasan at naglalakihang mga bato ang aakyatin gamit ang mga tali. Buti na lang at maganda pa rin ang mga tanawin kaya bahagyang nabawasan ang pagod at takot ng ilan, syempre, kahit anung pagod nawawala basta may nakatutok na kamera sa’yo habang umaakyat, mga adik!!! Pagkarating ng buong grupo sa haring bato, isang matindi at panibagong paghahanda na naman. Ngayon naman ay para sa kinatatakutan ng ilan, ang maninipsip na limatik. Panay ang punas ng biks sa buong mukha, kahit na nga maiyak. Kanya kanyang lagay ng ir plag, isprey ng op lowsyon sa buong katawan, pwera pa ang balut na balot ng kung anu anung damit, at ang panalangin na sana’y wag silang madapuan ng limatik. Lagot ka TUOD!!! Sugod mga kapatid!!! Lakas luob na sinuong ang kagubatan, kung nung nagdaang araw ay panay gapang nila, mas matinding gapangan ngayon, na lalo pang pinatindi sa dami ng limatik na pwedeng sumipsip sa’yo. Matapos ang mahigit dalawang oras na takot sa limatik, gapang sa putik, di mabilang na “paglilinis” treyl at sabit sa mga ugat at sanga ng mga puno, narating na rin nila ang pinakamataas na bahagi ng makiling. Bilang ng kaswalti ng limatik? Isa lang daw, swerte si TUOD. Ilang minutong pahinga, kain at piktyur teyking uli, lakad na naman sila, ngayon ay tuhod ang kanilang dapat paghandaan. Puro pababa na at napakahabang lakaran, syempre, di pa rin nawala ang tinamaan ng magaling na putik at limatik. May ilang pasaway na galit na galit sa treyl pag nadudulas o kaya ay nasasabit. Akalain nyo bang yung isa ay hinampas daw yung nakausling kahoy ng maumpog sya. Tama ba yun? Ang grup por o ang dakilang grupo, panay ang reklamo sa hulihan. Medyo nahihirapan daw sila sa ilang bahagi ng treyl, masyado raw kasi ang pagkakalinis ng mapuputik na daan. Dahil nga sa tatlong grupo na ang nauna sa kanila, patag na ang ilang daan at talagang parang pinakinis, ok lang yun, di ba’t kayo nga ang pinakamalulupit?

Natapos ang kalbaryo sa putikan at mga pababang treyl, eto na ang batuhan, halos katulad din ng sa tapulao. Kapag tinatanung mo ang treynor kung ganu pa kalayo, konti na lang daw, isang oras papunta sa unang tindahan, 30 minits pa uli para sa kainan, at kung anu ano pang 30 minits, tila ba walang katapusan ito. Sa wakas, narating na rin naming ang UPLB/Makiling forestry, at may mga karinderya dito. Kahit anung pagod, nagagawa pang magpakitang gilas, dyaging daw, kasi may nakatutok na bidyo, talaga naman. Habang nagkakainan ay tuloy pa rin ang piktyur teyking, at talagang ititigil ang pagsubo makapag pows lang sa kamera. Sabi ng treynor, mga isang oras pa papunta sa paliguan, sa may dyambori ba yun? Seryoso ba kayo? Wala na bang katapusan ang kalsadang pababa at batu bato? Buti na lang nakikinig si manang sa aming usapan at sinabing may dyip daw na pwede naming maarkila. Yahu! Walang nagawa si treynor, pagod na ang karamihan at tinamad ng maglakad dahil nga bagong kain. Nagkayayaan ding mag swiming na lang sa isang resort para mas masaya. Matapos ang tawaran, nagkasundo na si pedro at ang drayber ng dyip, ihahatid nya sila sa splash mawnteyn. Hapit sa manong drayber, sa kagustuhang maisakay ang 26 na katao sa dyip nya, ang ilang bag ay sa bamper inilagay. Ang ilan ay sa bubungan naupo, sa may harapan ha, kaya ang mga putikan nilang sapatos ay pwedeng magsilbing wayper ng dyip, hapit ka manong! Ang ilan ay di na sumama, nagpaiwan na lang sa dyambori.

Pagdating sa resort, tinginan ang karamihan ng nanduon. Wari ba’y nag-iisip, “saang sakahan nanggaling ang mga taong ito?” Pahinga ng konti, linis ng ilang gamit hanggang mapuno ng putik ang kanilang mga lababo, sugud sa pul. Sa sobrang dami nila at sobrang ingay, na animo’y mga taong bundok (hindi ba?), naglayuan ang ilang naliligo at ang ilan ay lumipat na lang ng ibang pul. Ang ilang naruon ay natutuwa at naaliw na pinapanuod ang mga kalokohang ginagawa nila, nariyan ang sinkronays swiming, walang humpay na sigawan, piktyur teyking, harutan, sabayang pagtalon at ang mga pows na tila mga kandidato ng mis pilipinas gey, bwahahah!!! Pinagpilitan ding makabuo ng yuman piramid sa pul, pero di nila maperpekto ito kaya tinigilan na lang. dumating ang oras na kailangan na raw umuwi ng ilan sa kanila, luto muna ng nudels at miryenda bago sila pauwiin. May ilang adik talaga sa swiming na nagpaiwan pa rin, animo’y walang mga pasok kinabukasan. tuloy sa paglangoy at kulitan. Matapos ang ilang minuto ay may naglatag ng kalahating keys na bir, dahil kaya sa bago sya? Ang kalahati ay nasundan pa ng kalahati uli, at may nanlibre din ng mga soda at kung anu anong tsitsirya at yosi para sa mga sunog baga. Matapos ang dalawang rawnd ng bir, nagkaisa ang 12 adik ng huling lusong sa pul, tulad ng inaasahan, alisan na naman ang mga naruon, mga siga talaga. Ditto nasaksihan ang meyl bold star ng grupo, member yata ng hotdogs ‘to e, hanapin nyo na lang ang piktyur nya. Matapos ang hubaran, este muntik ng hubaran, nagsipaghanda na ang lahat para sa uwian. Bakas sa mukha ng ilan ang kasayahan at lungkot. Masaya dahil nagkasama sama na naman ang grupo, lungkot dahil tila ba parang kulang ang dalawang araw sa mga kalokohan at tsikahan nila.

At dito nga natatapos ang bagong simula ng buhay pamumundok ni pedro. Ngayong ganap ng nagtapos ang kanilang BMC, nadagdagang muli ang kanyang kaalaman sa tama at mas ligtas na pamumundok. Dito nakita ang pagakakaisa ng bawat grupo, kahit na nga kung minsan ay may pasaway, kung paanu kikilos sa oras ng kagipitan. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng grupings na nasunod, di gaya ng sa napulauan.

Sa grup1, sa kabila ng di pagsipot ng kanilang grup lider, ang pagkakaisang ipinamalas nyo ay isang magandang halimbawa. Sa grup2 at grup3, bagama’t may mga bago sa inyong grupo, nagawa pa rin nating masundan ang peysing ng grup1 ng hindi iniiwan ang bawat miyembro nito. Sa grup4, ang dakilang pulutong, salamat sa inyong pagtityaga sa paghihintay sa tuwing bumabagal ang nasa unahan. Batid naming kinailangan nyong magbaon ng napakaraming pasensya upang hindi unahan ang ibang grupo.

Sa mga kasamahan nating di nakasama, sa kung ano mang kadahilanan, tunay na marami kayong na-miss. At ganun din naman kami, mas nagging masaya sana kung kumpleto ang batch1 ng ADTREK. Ganun pa man, handa ang ilan upang samahan kayo sa inyong meyk up klamyb, pero pagkatapos na ng HALCON!!!, wala pa nga yung sponsor e.

To ADTREK Batch1, congrats sa ating lahat at natapos na rin natin ang BMC, after ng kung ilang taong pamumundok. Nawa’y ipagpatuloy pa natin sa mga susunod na akyat an gating mga natutunan. See you all soon in our next climb. Always have a fun and safe climb.

ADTREK Definition of Terms/Phrase

Babalik-babalik – kapag ikaw ay di gumapang ng mababa at sumabit ka sa sanga, siguradong ito ang mangyayari sa’yo

Distansya amigo – lumayo ka sa sinusundan mo! Asahan mong maglalabas yan ng bio gas/weapon

Bangin! Keep right – ang totoong kahulugan nito ay nasa right side ang bangin

Bangin! Keep left – nasa left side ang bangin (pasaway po ang nagpasimuno nito)

Nilinis ang trail – binawasan ang putik or pinadulas pa ng husto ang trail gamit ang iyong puwitan o anumang bahagi ng katawan (lalo na at nadulas ka)

Mabolo – tawag sa lalaking nakainom na at iba na ang kulay

Makopa – ito naman ang tawag sa babaeng nakainom na at iba na rin ang kulay

May sayad – ang paghawak ng kamay habang inaabot ang tagay

TUOD – takot sa uod

BOPEK – boses …. (sensor daw)

BABSIE – tawag sa taong ipinagpipilitang muscles daw yung nasa katawan nya at hindi taba

Pinggon – tawag sa plato ng mga taong nakainom

by Eric E.

Oct 6, 2004

Dakilang Pulutong


Sabi nga ni JUN ang sweeper daw ay tinatawag na "DAKILA",pati sya ibig sabihin dakila--hehehehe…. Sa kagrupo ko, wala akong masasabi kundi ang LUPIT ninyo mga DAKILA!!!….Mam Neth, Maraming Salamat po sa pagiging Responsable nyong Kagrupo!!! Alam nyo po bang sa bawat hakbang ng group 4 eh kasama namin kayo, bakit po? Nasa tyan at isipan namin ung presence nyo, Lagi ngang usapan eh sana andito si mam neth, at ang dahilan?? ksi ang sarap po ng pabaon nyo sa amin, eventhough hindi po kayo nakasama eh you've done the responsibilty that assigned to you!!!

In behalf of grupong DAKILA, Thank you mam NETH for being a responsible person!!! Hope to see you all on the next climb…………

CcCcCCCCCcCCiiiiiiiiiiiiAAAaaaaaAaAAAoOOoooOOoOO……..

MHON ABRERA
Pinuno ng Dakilang Pulutong

---

Photo Layout by J.Nazareth

Oct 4, 2004

bmc sa mawnt makiling

group 1


group 2


group 3


group 4

Ito ang araw na pinakahihintay ni Pedro, ang katapusan ng simula ng bagong pananaw nya sa pamumundok. Araw ng treyning klaymb, sa bundok makiling ang tungo, nagsimula sa santo tomas, batangas at magtatapos sa los banyos, laguna. Nahati sa apat ang grupo, ang pinakahuli ay ang grup por, sila ang swiper grup dahil nasa kanila ang pinakamalalakas, daw.

Sakto sa oras na itinakda ang pagdating nya, kahit na ba may ilang pasaway na leyt dumating sa unang tagpuan. Pero sandali lang, narito na si pedro ngunit wala pa ang dalawang treynor, di kaya ipinasara na naman ng yakult ang rohas bolibard at may patakbo na naman sila? Di ba’t sabi nila ay sori sa mahuhuli at iiwan ng grupo dahil kailangang maging mahigpit sa iskedyul? Iwan na lang kaya natin…sige! At bakit? May nakakaalam ba sa atin ng daan?..... wala!!! Sabi ko nga e, sige hintayin na lang natin sila. Sa hindi rin maipaliwanag at di inaasahang pagkakataon, lima sa ating mga kasama ay hindi nakarating. Wag nyo ng piliting alamin ang dahilan, may mga bagay na sadyang di kayang maipaliwanag ng siyensya. Di bale, mag meyk ap klaymb naman daw sila e, hindi yung inilalagay minsan ni kikay sa mukha na pampaganda habang kumakanta ng la la la la la….

Sa wakas, dumating na rin ang ating mga treynor. Matapos ang ilang minuto, tumulak na ang buong grupo sa dyamp op at naghanda na para sa isang matinding laban. Kung anu anu ang ipinagsusuot, may pangontra sa limatik, sa init ng araw, sa talahib at kung anu ano pa. Matapos ang maigsing panalangin ng ating pastor, at ang paalala na wag munang masyadong maingay sa daan dahil marami pang kabahayan ay sinimulan na ang paglakad. Pero sadyang may mga taong maligalig, di pa man nakaka isang daang metro ay panay na ang sigaw, waring di alintana ang mga nabubulabog nya, sige, ilista na lang muna yan.

Sa dyamp op pa lang ay kita na ang mga pik na aakyatin at kung ganu ito kalayo. Masukal ang daan, dagdag pa sa maputik dahil sa pag-ulan ng nagdaang gabi. Pero hindi ito ang pipigil kay pedro, may nakapigil na ba sa kanya? Hindi ba’t wala pa. Bagama’t ganito ang dinadaanan, naaalis ang kanyang pagod dahil sa ganda ng kapaligirang kanyang natatanaw at syempre ang walang kamatayan at sadyang nakapapawi ng pagod, piktyur teyking! Di pa man ganap na nakakalayo ay may naghahanap na ng “5 minute break every 15 minutes”, wala syang magawa kundi ilista na lang muna at subukang habulin ang nasa unahan nya. At bakit sya lang daw ang mukhang hinihingal sa grupo? Ang sikreto, takbo ng di bababa sa 30 minuto, 2 o 3 beses isang linggo. Matapos ang dalawang oras na lakad ay pahinga muna daw ng isang oras dahil mabilis naman ang peysing at maaga pa. Yahu, tsaw taym at syempre, piktyur piktyur! Ang sumunud na bahagi ng treyl ay sadyang pasaway, matataas na kogon, ekspows sa araw, pataas at maputik na daan. At talaga yatang ginawa ang treyl na ito para sa maaangas, dahil may ilang bahagi nito ay kailangang gumapang, as in literal na gapang. At magkaminsan ay may sisigaw ng babalik babalik? Bakit? Dahil sa hindi pag gapang ng mababa ay sumasabit ang bag nya at kusa syang bumabalik na wari mo’y may humihila sa kanya, kaya sige, gapang pedro! Matapos ang ilang minutong hawian ng kogon at gapangan, nakarating din sa isang patag na bahagi at pahinga muna, syempre, piktyur teyking uli para mabilis mapawi ang pagod. Lakad ng 10 minuto pa at tanghalian na. Matapos ang kain, merong nag siesta, naglaro ng baraha, nagpapaganda at ang intrigahan. Anu daw ang leytest? May nagbigay daw ng kung ano sa isang kasama natin… sinu ang nagbigay ng ano kanino? Kung sumama ka, nalaman mo sana, heheheh!!! Dito rin nalaman na kapag daw matulis ang tyan ng buntis ay malamang daw na lalaki ito. Panu naman napunta dito ang usapan? Sukat ba namang banatan ng isa ang treynor ng ganito “kuya mar, nagpa ultra sound ka na ba? Malamang lalaki yan, matulis (malaki) kasi ang tyan mo e” bwahahah! Sus ginuong bata ito, pasaway!

Matapos pa ang ilang kantyawan, lakad na naman si pedro. Pero sa pagkakataong ito, wala na ang matataas na kogon, pero maputik pa rin. Pero may bago silang kalaban ngayon, ang halaman na kung tawagin ay “lipa” Kapag daw nadikitan ka ng dahon nito, asahan mo ng magkakamot ka ng kulang kulang isang buwan. Awa naman ni kulapo, walang nadikitan ito. Magkaminsan ay may sumisigaw ng “bangin sa kaliwa” o kaya naman ay “bangin sa kanan”. Mababait yata ngayon, panay ang bigay ng warning sa mga nasa likuran, isa rin yan sa natutunan nya sa BMC. Matapos ang isa’t kalahating pakikipagbuno sa mga bangin, ugat sa luob ng kagubatan, takot sa limatik at lipa, sa wakas ay malapit na sa kamp sayt. Pero talaga yatang pinagpapala ang mga loko, akalain nyong biglang bumuhos ang ulan, mga 10-15 metro na lang ang layo sa kamp sayt, swerte talaga! Ang ilan ay kuntodo suot agad ng mga kapote, ang ilan ay di na alintana ang ulan at may mga taong payong ang gamit. Oo! Payong sa luob ng kagubatan.

Salamat naman po at natapos na ang unang araw ng lakaran. Matapos ang kanya kanyang pagtatayo ng tent, naghanda na ang bawat grupo sa pagluluto ng kanilang makakain bago sila abutan ng dilim. Bakit naman nag-aalala sila ngayon sa dilim? Dati namang nakakapagluto kahit madilim na a? Dati yun! Ngayon kasi, wala yung mga erya lamp ng grupo, ang isa, walang nabiling byuteyn,pasaway! Yung isa naman, wala yung taong magdadala, pasaway din ba? Emergency daw! Ang grup wan, napakalaki ng problema ngayon, dala nila ang mga lulutuin, kasama ang magluluto, may baon din silang byuteyn. Anu ang problema? Wala silang kalan, wala silang mga kaldero! Nasaan? Wala ang taong magdadala nito! Pasaway!? Emergency daw! Sa isang banda ay nakatulong ito upang matutunan ng bawat isa sa grupo na mabuhay sa gitna ng kagipitan, ang lahat ay kumilos at gumawa ng paraan. Merong nanghiram ng kalan, habang ang isa ay naghihintay ng mababakanteng kaldero mula sa ibang grupo at habang ang ilan ay inihahanda na ang mga lulutuin. Saludo kami sa inyo grup wan, dun lang sa mga present ha. Ang grup por naman, bagama’t hindi nakasama ang nagluto at magdadala dapat ng pagkain ay masaya pa rin. Sa kabila ng di pagsama ng kanilang myus, nagawa pa rin nyang maibigay ang parte nya sa grup. Ipinagluto pa rin nya ang grup at ipinadala pa rin sa kanila. Sa ganun mang paraan ay kasama pa rin sya, di lamang ng grup por kundi ng buong ADTREK bats 1. Salamat po sa bikol ekspres, kahit konti lang ang nakarating sa ibang grup, heheh!!! Natapos ang kainan, ng hindi sabay sabay. Per grup na rin ang naging sistema ng kainan e, medyo okey na rin yun, mas madaling ayusin. Ito na ang pinakahihintay ng lahat, ang sosyals, sa simula pa lang ay mainit na ang kantyawan. Paano ba naman, may isa silang kasama na masama ang pakiramdam, giniginaw dawn a para bang lalagnatin. Iisa ang nasa isip ng karamihan, kailangan nya ng “init”, at anu nga ba ang mabisang sors ng init? Yakap at kalinga daw…pero mukhang bisi ang magbibigay nito. Habang patuloy ang sosyals, lalong umiinit ang usapan. Akalain nyo, nagkaroon ng “pagsayad” habang nagkakasayahan. Tanung ng bayan! Kailangan bang pasayarin pa ang kamay habang inaabot ang tagay mula sa ibang tao? Pwede namang hindi, e bakit “sumayad” ang kamay nitong isang baguhan sa isa nating myus? At huling huli ng sambayanang Pilipino ang mga nangyari. Porke ba wala yung isa, dahil may emergency daw, ay may “sasayad” na?

Layts op…..

by Eric E

Oct 3, 2004

mountaineering fitness

Many people ask us what they should do to prepare themselves for a summit climb. Although there is no single “best” method, the following information should help you create an effective preparation plan for your climb.

  • The key to general mountaineering is aerobic fitness. You should be a very strong walker. Weekend hikes, extended walks around town, increased use of the stairs, getting off the bus a few stops early - all of these things will help you get in shape for climbing. It is important, however, to begin these regimens as early as possible - one hike or one week of after-work walks will not appreciably increase your fitness level.

  • The actual climb days are long: usually 10 to 12 hours of nearly continuous movement. However, the pace is quite a bit slower than you might think, so your training should concentrate much more on continuous movement over many hours, rather than on sprints or speed. Its better conditioning to walk 4 miles without stopping, than 6 miles with several long breaks for lattes (seriously!).

  • To put these climbs in the perspective of speed, understand that most of our actual summit climbs do not exceed 6 miles round trip, and yet they may take us 10 hours or more to complete. On a trail, that would be an intolerably slow pace, but on snow, and at higher altitudes, you will not need to break this roughly one-mile-per-hour speed limit. You will just need to keep going.

  • If you use a gym, the most useful equipment will be the treadmill and the stair-stepper, and to a lesser degree the stationary bike. Consider walking the treadmill at a rapid pace rather than running, but going for a longer period of time. Likewise with the stair-stepper, keep the pace slow but go for longer intervals.

  • Doing any kind of training or hiking at higher elevations immediately prior to a climb will help your body acclimatize to the altitude. Walking or hiking is better than bicycling because you are using the same muscle groups you will need for the climb. Cycling is great exercise, but not as effective for mountaineering preparation as being on your feet.

  • Hikes in the Columbia Gorge are perhaps the single best conditioning for mountain climbing because they tend to be quite steep. These hikes are superior to working out in a gym for several reasons: they keep you going for longer intervals, they help to train your sense of balance and they take place at greater altitude. Since most of us can’t get to the Gorge more than once a week, remember to supplement your hikes with the gym or with walks near home.

  • What you eat and drink just prior to a climb also matters. Carbohydrate-rich foods are generally good. Greasy, overly spicy or dairy-rich foods are not so good. Hydration in advance of the trip is very important. Drink more water than you normally do and less of coffee, tea or cocoa, as these are diuretics and contribute to fluid loss. It is also important to restrict or eliminate alcohol consumption prior to your climb.

  • Do not discount the effects of a positive attitude! Don’t let fatigue on a longer hike cause you to lose confidence in your ability to climb a peak. It’s almost physically impossible to hike as slowly as you will be climbing on the mountain. Many people of only average fitness have climbed Mt. Hood at the pace we set. Most of those who have not made the summit were actually feeling ill or had adverse reactions to the altitude, both of which are statistically quite rare. We have climbed recently to 10,000 feet with a ninety year-old, and to the summit with a blind climber. In these cases attitude mattered much more than altitude!

  • If you have significantly improved your fitness level, are well rested, well hydrated, have eaten responsibly just prior to your climb, and can maintain your positive attitude, you will be in a great position to make the summit, and to enjoy the process of climbing the mountain.