Sep 27, 2004

manabu


Matapos ang lektyur ng BMC, sabak agad si pedro sa mawnt manabu, dili ako bisaya dung, yan talaga ang nakasulat dun sa lugar nila, pati sa subinir. Anim ang sumubok I aplay ang natutunan sa BMC.

Una, anung bundok ang aakyatin? Manabu daw… ok. Neks, pri-klaymb miting, may nag-set, ang nangyari, dalawa lang ang pumunta, wala pa yung nagyaya, bagsak tayo dyan! Pero ganun pa man, natuloy pa rin ang akyat, dinaan na lang sa imeyl at teks ang ilang detalye ng akyat, iba talaga pag haytek.

Araw ng akyat, maagang nagkita sa gasolinahan ang lima sa mga kasama, nahan ang isa? Akala ba namin e anim? Leyt nagising, diretso na lang daw sya malapit sa dyamp op. ang siste, nauna pa sya sa bahay ng isang mabuting katoto sa malvar. Dito nagkikita kita ang anim at iniwan ang dalang sasakyan at namasahe na lang papunta sa paanan ng bundok. Matapos ang kortesi kol sa awtpost at kay mang lukas, sugod na paitaas. Sa unang pagtigil ng grupo, nagwika ang tim lider, "ten minits lang ang breyk". Habang ang ilan ay nagpalamig ang iba naman ay piktyur muna, kaya leyt ng konti dahil uminom muna ng kowk ang mga pasaway na nag kodakan. Ang usapan, ang susunud na pahinga ay sa groto, sige lakad uli. Sa di mawaring dahilan, malayo na ang nararating ng grupo at medyo mataas na rin ang kinalalagyan nila, e wala pa rin ang groto. Alam nyo ba ang dahilan? Naliligaw na sila? Hindi daw, sabi ni lider, sinadya nya raw yun para umabot sila ng 12 sa samit. Alam nyo kung bakit? May usapan kasi na pag naligaw sila, tulad ng ginawa nya sa ibang grupo, o kaya naman e lumampas ng 12 bago nila marating ang tuktok, ipo-post sa apat na blogmates yung piktyur nyang kikay…bwahahah! Bigyan naman daw sya ng kahihiyan..naisip nya kaya yun nung taym ng kodakan?

Eniwey, narating nga ni pedro ang kanyang pakay, at teyk nowt, saktong 12 sila dumating dun. Marami silang inabutang mga estudyante sa taas, medyo biglang naging mahangin. Ang iingay at puro inglesan ang laban!! Sabi daw ng isa e "awts, ay hert may ankel" pinatulan naman ni pedro… "awts, ay hert may anti, end so wit may nepyus and nis" bwahahahah!! Anung akala nila, hindi marunung mag-ingles si pedro, anak mayaman din yata sya. Matapos ang konting pahinga at piktyur…na naman!!, kainan na, tapos piktyur uli…nakampu para talagang piktoryal ang ipinunta dito. Medyo napagod yata, kaya konting siesta ang ilan habang walang patumanggang piktyuran pa rin ang ilan, talaga naman o. ok, uwian na raw sabi ni tim lider, daan sila sa may krus na nakatayo dun. NAKAMPU!!! Bagong pintura nga, ang problema naman, may ilang mga walang magawang nilalang ang walang habas at walang galang na nagsulat dito at ipinagmamalaki pang inilagay ang kanilang mga pangalan at ipangalandakan bang sila ang mga walang magawang kaluluwa na dumingis ng lugar na ito. Alam nyo ang dapat ipagawa sa mga kumag na yun? Pabalikin uli sila dun, papinturahan uli ang krus gamit ang kanilang mga dila bilang brash..gggrrrrrrrrrrr, nakakapanginig kayo ng laman. Sori po, nadala lang ng emosyon, tao lang din…heheheh!!! Pero anu nga sa palagay nyo? Bagama't ganun nga ang inabutan ni pedro, di pa rin papipigil sa walang habas na kuhanan, ubusan ng bateri at memori ng kamera ang laban…pero syempre, maalis ba yung paghanga nya sa magandang kapaligirang ipinagkaluob sa atin ng nasa itaas. Sadyang maganda ang tanawin, mula dito ay makikita mo ang makulot, taal, tagaytay, pico de loro, makiling, banahaw, kristobal, taal leyk, laguna leyk, manila bey, at kung anu anu pa…san ka pa?

Nagsimula na silang bumaba baon ang magandang alaala, at ang isiping may ilang kumag pa rin talaga sa mundo. Sa pagbaba ay may gumagamit ng natutunan sa BMC, sabi kasi dun, pwede raw paupo ang pagbaba kung medyo hirap, may sumunud nga ng payong iyon… sa groto na raw ang daan nila ngayon. Pero matapos ang ilang oras, bumalik sila sa pinag-inuman nila ng kowk. BAKIT? Nasaan ang groto!? Alam nyo katwiran ng T.L. para daw makapgpahinga na at pwede naman daw bumalik, pero alam nyo ba ang sinasabi nya habang naglalakad, "malapit na tayo sa groto, konti na lang", tila ba, alam nyang tama ang kanyang tinatahak. Pero laking gulat nya ng hindi nila nadaanan yun. Samakatuwad, este makatuwid pala, naligaw sila!!! At anu ang gagawin pag naligaw? Abangan ang piktyur ni kikay sa blogspot. At dahil nga aanim sila, wala silang kinausap na susundo sa kanila kaya lakad sila hanggang sa awtpost para dun maghintay ng masasakyan, dito nya napansin ang kagandahan, kalinisan at kaayusan ng baranggay. Lalo tuloy nyang naisip na sana ay mapangalagaan ang lugar na ito at wag magaya sa nangyari sa ibang bundok.

Nais magpasalamat ng grupo kay johnel para sa masarap at libreng agahan at miryenda, kay ma'am net para sa libreng tanghalian at pamasahe. Pero sino nga ba si pedro na syang naging tim lider ng grupo? Pero teka, dapat nga bang pedro ang tawag sa kanya o petra? Kilala nyo na ba sya? Sige, eto ang isa pang klu…. La la la la la….la la la la la… ang parteng ito ay para na lamang sa kasapi ng ADTREK… kita kits sa makiling..

by Eric E.

Sep 22, 2004

newby

Patuloy ang pagsasanay ang mga pedro bilang paghahanda sa nalalapit na bmc hands-on training sa gaganapin sa mawnt makiling ngayong oktubre 2-3. Kaya naman hindi pinalampas ang pagkakataon na pagbigyan ang hiling ng ilang mga taga comtest na dalhin sila sa bundok at maranasan din nila ang nakikita nila sa mga piktur ng adtrek.

Gabi ng Lunes ika-20 ng kasalukuyang buwan, ay tumulak ang walong kabataan patungong cuenca batangas para sa isang nyt trek sa mawnt makulot. Anim sa grupo ay pers tym lang sa bundok na ito kaya punong-puno ng pananabik ang akyat na ito. Kaya kahit galing karamihan sa kanila sa nynt duty ay di inalintana ang hirap ng pag-akyat sa dilim, gamit lamang ang maliliit na plaslyt, ordinaryong sapatos, at pang SM na gayak ay matagumpay namin narating ang kamp syt.

Salamat nalamang kay inang kalikasan dahil hindi niya pinahintulutang umulan at nagbigay siya ng makapal naulap, kaya nag-enjoy ang lahat at tulad ng inaasahan ay nagka-ubusan na naman ng memory at baterya sa tradisyonal na piktur-piktur!

Sep 20, 2004

batch 1 klasmaytes


Naaalala mo pa ba yung perst dey ng BMC ni pedro? Kung ganun, eto ang karugtong ng kanyang kwento… kundi mo naman alam, tigilan mo na lang ang pagbasa nito, sayang lang oras mo….

Sekend dey ng treyning, rebyu konti yung unang natutunan bago magsimula ang lektyur ng kompas, nabigeysyon at beysik perst eyd, eksayted si loko… kahit leyt na naman ang treynor nya, sarado kaya uli ang rohas bolibard? Meron ding absent kasi may sakit, merong maagang umuwi at meron ding tanghali na dumating.

Perst tapik, beysik perst eyd daw muna kami… una nyang itinuro ang pag-iwas sa mga bagay na maaring makasama, makasugat o makamatay… matapos yun ay kung paano ang gagawin kung talagang pasaway ka at di mo ginawa yung una nyang sinabi, minsan kasi makulit si pedro. May isang tapik na gumising sa kanya, maari kasing maranasan talaga yun lalo na at umuulan at sa mataas na lugar pa (bundok ha, hindi sa kung saan lang na mataas). Hypotermia daw ang tawag kapag naubusan ka na ng init sa katawan, yung bodi hit ha, hindi yung kung anung init. Sabi ng treynor, kung sa pagkakataong nilalamig ka na, wag kang pasaway, magpatuyo agad ng lahat ng basa sa katawan mo, uminom ng mainit na sabaw at magsuot ng ilang patong na damit. Kung kulang pa rin, mag-isip ka daw ng mga "makakapagpainit" sa'yo? Kape? Nudels? Mainit na tubig? Anu kayang ibig nyang sabihin? Bahala ka ng mag-isip kaibigan.

Land nabigeysyon naman ang sumunod, tahimik ang lahat, wari mo'y pinag-iisipang mabuti ang bawat sinasabi ng nasa unahan. Magkaminsan ay may bumabangka sa pangungulit, talaga naman, di bale, nakalista naman lahat yun e. itinuro ang paggamit ng kompas, pagbasa ng mapa at kung paanu mo mapapakinabangan ang mga ito. Maya maya lamang ay may ilang kumag na ang tumatawa, bakit? Kasi, anu daw ba ang ginagawang kalokohan nung ilan nyang kasama at panay ang lakad sa likuran na animo'y mga model ng kung anu? BANO!!! Ikaw ang katawatawa, di ka nakikinig sa treynor, sabi kasi nya, hanapin mo raw ang peys paktor mo. E anu naman yun? At para saan? Ang peys paktor daw ay kung ilang hakbang mo bago mo marating ang giben na layo. Halimbawa, kunyari at eksampol, ilang hakbang ang kailangan mo para makarting ka ng 100 miters? Dahil nga raw magkakaiba nag lakad ng mga tao, depende sa taas, sa lapad at bigat…. Kailangang alam mo ang peys paktor para matantya mo ng mas tama kung gaano kalayo ang isang metro, 10 metro at kung ilan pa mang metro… panu 'to kinukuha? Ganito raw po… sumukat ka ng 10 metro, maglakad ka rito at bilangin kung ilang hakbang bago makarating sa 10 miter mark mula sa 0. ulitin ito ng limang beses, i-abereyj daw. Kung anu ang makuha mong sagot, yung ang peys paktor mo para sa sampung metro… naintindihan mo? Kung hindi, atend ka ng bmc at ng mas maipaliwanag pa sa'yo…

Matapos ang tanghalian ay nagbigay ng ilang pagsusulit sa paggamit ng kompas, grup aktibiti ang nangyari. Bago sinimulan, pinahiwalay muna ang mga gerl sa boys, sa di mawaring dahilan ay kung bakit may sumasamang boy sa mga gerls. Nagtatapat na kaya syang, isa talaga syang… alam nyo na… ok, bilangan na raw, 1. 2. 3. 4. 1. 2. 3. 4. etsetera… matapos ang gruping, kanya kanya ng hanapan ng mga papel na ikinalat ng mga treynor… kailangan makita mo yung apat na papel… may mga, tinitingnan lang ang enggel at didiretsunhin lang ang direksyon hanggang sa mapulot ang papel, hindi ginagamit yung peysing na itinuro… magugulang!!!! Eniwey, lahat naman ng grupo ay nagawang hanapin ang mga papel. Nasabi ko bang ginawa ang hanapan sa may tenis kort? Matapos ang konting painit sa araw, tu dat bat keyb na uli… idiniskas ang nalalapit na pagtatapos ng bmc treyning, ang treyning klaymb sa makiling! Yari ang mga takot sa limatik, lagi raw kasing pyesta dun at may konbensyon ang mga manininipsip… kailangan na ring magwork awt ang lahat para makayanan… matapos ang pagpaplano ng nalalapit na akyat, naghiwahiwalay na ang lahat, pero mas naunang umuwi ang mga treynor. Tama lang yun, leyt na ngang dumating gusto nyo pa rin bang leyt umuwi? Mali yun, heheheh!!

Dito po malapit ng magtapos ang BMC ni pedro, matapos ang ilang taong pag-akyat, matatapos nya na ang perst taym nya. Nais pasalamatan ni pedro ang lahat ng dumalo. Kay ma'am Net na syang humingi ng permiso upang dito ganapin sa GT, kina Mar at Jun na matyagang tinuruan itong si pedrong makulit. Sino nga ba si Pedro? Sila ang 29 na bubuo ng kor grup ng ADTREK!!! Sila na mga matatagal ng umaakyat, mga matagal na ring di nakaakyat at mga baguhan na perst taym na nakaatend ng BMC…

Sa first batch ng ADTREK…. Mabuhay kayong lahat!!! Always have a nice and safe climb… peace… see you all soon...

by Eric E.

Sep 15, 2004

Do you remember your first climb?

do you remember your first climb? eto yung sagot ng ilan sa mga tropa natin... kung nais ninyong magbahagi din ng unang karanasan ninyo sa pag-akyat dagdag nyo lang po sa "comment" sa pinaka-ibaba ng post na ito.
------
Kit - Mt.Natib.200 meters from jump-off hingal-kabayo na. Medyo mahirap tapos may trail na maputik.pero napawi lahat ng hirap ng maka-abot ng peak.ganda ng view sa taas.

Ronald - Mt Pico Deloro. 664m. Feb 23, 2002. Sobrang lula ako, di ako makaakyat sa peak, lahat nasa taas na ako naiwan sa rockface, pero naglakas loob din akong umakyat at narating ang tugatog ng kaligayahan sa tuktok ng bundok, pero noong pababa na lalong mas mahirap at nakakalula, sa katunayan naiwan ako sa peak, hahaha. Pero ganda talaga ng view kaya simula noon halos wala na akong pinalampas na climb ng mga angas group of mountaineers :-)

Glenda G - Mt. Makulot. 835m. Sorry, di ko na matandaan ang date. Kasama sina Eric E, Ronald M, Jojo G, Mhon A, Mhon A's bro and his sweetheart (hehe), Mike T... at kung sino man yung di ko naisama, syensya na... medyo matagal na kasi yon kaya nakalimutan ko na. Pero di ko makakalimutan yung experience ng first climb na ito kasi naman nahirapan ako sa pag-akyat sa hagdan papuntang groto.Traverse daw kasi kami kaya doon muna ang daan. Hilo ang inabot ko kasi naman puyat pa the night before the said climb kaya naman ngatog pati tuhod. Pero gaya ng sabi nila, pagdating sa rockies, tanggal naman lahat ng pagod sa ganda ng view ng taal. Hanep! Kaya naman from then on, sarap nang sumama sa mga climb kasi maganda na ang view, maganda pa ang samahan kahit medyo lipana ang mga maaangas... hehehe...

Ed P.- First climb, Mt Pico Deloro. 664m. Feb 23, 2002 with my loving wife. Ako yung nag alalay kay Ronald going down from the peak. What a day...unang ascend hingal kabayo kaagad ako and during descend dahil humaba yung trek namin dahil naligaw and guide namin na si Angelo Urbina..kaya ayon namaga yung tuhod ko at nagpa porter kami ng gamit sa 13 yrs old boykund di doon na kami natulog. 2nd climb nahulugan naman ng Leatherman knife yung paa ko...
johnel - Pico de loro: march 24,2001. Walang problema sa climb,kaso nung pababa na,umulan! nasira sandals ko kaya nag ala Mcgyver ako,tinanggal ko yung tali ng shorts ko para ipangtali sa sandlas,tapos yung sinuot kong white shirt eh diko na ulit napaputi...lesson: wag magsuot ng puti sa climb kung di marunong maglaba.

Eric E. - Mt. Romelo (aka FAMY): April 20-21, 1996. Naisama lang po ako ng kapatid nung best friend ko, nasa college pa lang. May bayad pang 150 dahil friendship climb daw yun. Panay reklamo habang naglalakad at nag-iisip ng " bakit ba ako nakasama dito, ang sarap ng buhay ko sa manila". pero nung makarating kami sa clearing, tumigil sa reklamo. Lalo na ng marating namin yung campsite, sa may buruisan falls, nasabi ko na lang " sana nuon pa ako umakyat". Maganda pa nun dun, malakas pa ang agos nung falls. From that time on, once or twice a year na ako umaakyat. Until napunta sa analog at lalong naging mas active since 1999.

Mark A. - Mt. Maculot (1997). Mhon A. and his brother were the one's who encouraged me to endulge in this sports. medyo maganda pa ang Maculot noon, wala pang 7/11 sa campsite, malakas pa ang tubig sa water source, pero marami na ang umaakyat at syempre marami na ring basura na nakakalat =(, natuwa ako sa ethics ng mga mountaineers na nakasabay namin kasi, everytime na may makakasalubong ka, babatiin ka nila ng good morning/evening Sir/Mam, "ïngat", at sama sama kami sa socials kahit magkakaibang grupo kami. at syempre mababait din ang mga locals (specialy mang manuel), halos wala pa kaming mga gamit noon, ang dala lang namin isang tent na A type (2 pax) tapos kailangan mo pa pumutol ng kahoy na pag tatalian guylines, (sorry bago lang) alcohol burner na stove kaya ang tagal bago kami maka luto, (buti nalang mabait nag mga Meralco Mountaineers pinahiram kami ng stove),isang vintage na cook set, isang sleeping bag, at hiram lang yung gamit kong bag. natuwa ako sa mga kwento at paalala sa akin ng mga kasama ko na dati ng umaakyat, kasi parang inaalagaan at nakakatulong ang mga mountaineers sa kalikasan kasi sabi nila bawal daw magkalat sa bundok, kung ano daw ang dala mo paakyat dapat ibaba mo rin, bawal daw manguha ng halaman, at marami pang iba. kaya laking disapointment ko ng paiwanan sa akin ng mga kasama ko yung basurang inipon namin sa campsite, kasi daw mabigat at mag ta-traverse pa kami, kaya iniwan ko =( (sorry po ulet bago lang). wag po kayong mag alala hindi ko na po inulit yun. pasensya na mahaba pa sana to kaya lang tinatamad na ako mag type eh.......

ANGELO U. - MT. BANAHAW ( 1999 ) holy week po yon...Dalawa lang kami ni classmate Picart noon, katuwaan lang nga yong akyat namin, excited kasi first time , 3 pm na kami nakarating sa jump off kasi naligaw pa kami kasi di namin alam papuntang jump off e yung nasundan namin mag diboto pala. kaya 6 pm na kami nakarating ng cristalino falls no vacant na pero nakita namin yung malapit sa CR sa sobrang pagod d na nakakain at di napansin ang amoy... maagang nagising papunta na ng summit and sa trail we meet some hikers mga office boy and girl ng bank sa makati. Sila na kasama namin hanggang summit. Habang sa daan namumulot kami ng panggatong na kahoy kaso pagdating sa summit sobrang fog ayaw umapoy ng kahoy kaya tinapay na lang kinain namin.Buti na lang bumisita yung isa sa tent namin nakita yung sinasaing namin na hilaw dahil walang apoy kaya pinahiram kami ng stove at ang problema pa di pa kami marunong gumamit kaya sya na rin ang nag paapoy. Ang bigat pa ng bag ko noon kasi kumot at baning na plastic ang dala ko pero d namin talaga nakaya ang laming sa bundok ayon ngatog hanggang umaga. Nakakatuwa nga pag naaalala mo...kaya mula noon nag-ipon na ako ng mga gamit at sumasama na rin sa mga akyat dito sa analog. Natutunan ko rin yung d pagkakalat sa bundok at ang tanawin na napakaganda na di mo mapaliwanag... Sir ED yon po ang dating DAAN.....kaso di na pala dinadaan yon SORI.........

Dindo B. Mt Manuggal. 908 Meters. 1993.Mt. Manunggal is a nondescript peak in a nondescript mountain range in central Cebu. What makes it special is that it was the location of a tragic plane crash in 1957 that took the life of the popular president Ramon Magsaysay.
It was my first climb and I had with me...
- a lousy pair of sandals
- a lousy small back pack (very small)
- a pair of lousy shorts
- a lousy pair or underwear
- a lousy jeepney that broke before reaching the jump off
- very little money
but believe me that did not stop me from having a good time because I had...
- a good set of friends to climb with
- God's creation around me
- a fabulous journey.
I was young then so I did not feel tired or anything even near tired. Feeling mountaineer na ako. I was amazed with the gadgets/equipment that the experienced guys in the group had. Kaya sabi ko... "pag may pa raffle ang coke ng tent, stove, cookset, sapatos, etc. Sasali ako!" Na impress din ako sa disiplina nila sa bundok, sa basura at iba pa. Now I am older by so many years... and have been blessed to win the Coke raffles.
I now get to go to trips with...
- a better pair of shoes (and sandals!)
- a better pack
- better shorts
- tight underwear
- ukay ukay na jacket
- a little more money
and I still have a good time because I have...
- a different but equally good set of friends to climb with
- God's creation in a different view around me
- and a fabulous journey (it never fails... except this one time in...)
- and a wife who shares the same interests
Though I get weaker in the knees more often I still would not give up climbing. I just have to do something with my knees (or use my hands perhaps? ANGAS!) See you in the mountains... SOON.

Kates S. - Mt. Tapulao (Sept., 2003).Noon ko pa gusto magjoin sa pag-akyat kaya lang masyado busy saka ala ako gamit, pero ng mag-invite sila na aakyat ulit, grab ko na opportunity dahil natapat ng day off. kahit alang practice at major daw ang aakyatin sige pa rin dahil 1st time syempre excited, maaga pa lang prepared na sa lahat. when we start treking, syempre excited pa rin pero after an hour pagod at hingal na kaagad, I ask myself, ganito ba ito aakayatin namin parang walang katapusang kalsada na paakyat at pababa, this is not what i'm expecting, pero sige pa rin ang lakad kahit na sobrang init but during our lunch nag-start ng umulan, we have a guide(he looks like loutter actually , hehehe) how can i forget, i gave him a shirt( and its one of my favorite) kasi giniginaw na sya sa sobrang lamig dahil basang-basa sa ulan, umiral ang pagiging maawain ng lola nyo hehehe. pero bakit ganun, iwanan daw ba kami sa paglalakad and we didn't reach the campsite for the night. pagod na kasi lahat at inabutan na kami ng gabi sa paglalakad. in the morning, we decide to fetch some water kasi nagkakaubusan na, and we learn na 10 mins walk na lang pala mula sa tinigilan namin eh yung camp site na. i really like the place parang nasa baguio ang dating, kung ganito ang dadatnan mo after ng hirap ok na ulit-ulitin. But sad to say not all of us reach the summit, 5 lang kami. until that day at kung my time, sama pa rin kahit takot ako sa limatik, what an experience....

Louie A. - Mountain Range at Pangasinan (June 1991). Nag-umpisa ako nakaakyat ng bundok nang ang aming pamilya ay nagdesisyon na lumipat sa Pangasinan. Pagkalipat namin noon ay 1st eruption ng Pinatubo! I really don't have any idea na dadaan ka muna ng bundok before you reach the town proper of Bolinao dahil ang kinatitirikan ng bahay namin ay paanan pala ng bundok. Naging bahagi na ng pag-aaral ko ang pag-akyat ng bundok. Wala lang... daan ka lang ... hayun na iyong iskul! Wala rin akong ideya noon tungkol sa hiking at mountaineering. Kahit hindi kataasan ang bundok eh... para na rin major climb kasi araw-araw... Enjoy din ako especially 'pag summer kasi nangunguha kami ng mga kaibigan ko ng duhat, "al-lagat" at "marya-marya". Aalis kami ng umaga dala ang mga basket net tapos uuwi na kami ng mga 5 ng hapon dala-dala mga basket namin na puno ng duhat at maraming pantal na kagat ng "abuos" (malalaking langgam). Naalala ko ang terible na nangyari sa akin na habang sa pagbaba ko... Malakas ang ulan at hangin, mag-isa, nakayapak, hawak-hawak ng mahigpit ang bag at nakapayong... eh....! may tumalilis sa harapan ko na maputi, nakakasilaw na tumama sa isang punong madre de cacao at gumawa ng usok. Sa tantsa ko 1 metro mula sa akin... kitang-kita ko talaga... Kidlat pala iyon.!!! Marami pang dulas, dapa at sakit ng katawan habang lumilipas ang panahon. Ayun! nakakita lang naman ng malaking mabilis umikot na tornado o buhawi at mga landslides.... Siyempre takbo kaagad!!! Baka kung saan akong dalhin niyon, eh!!! Madalas ko pinupuntahan ang "sikopet" dahil kita mo doon ang mataas na pook ng Baguio, mga Isla ng Hundred Islands, Pacific Farms, at mga lumilipad ng mga "kannaway".Simula noong nagtrabaho ako sa Cavite, at nakilala si S'Eric. Hayun! Nakayag na umakyat papuntang Banahaw. Iyon ang first Major Climb hayun nangatog lang naman ng (2 oras ba 'yun?) sa pagtayo ng tent... Adventure talaga! Lalo na ang pag-akyat. Nagkainteres kasi ako sa mga UFO na nababasa ko na may nakikita daw sa Banahaw. Kaso WALA man lamang nagparamdam...sana sa susunod na mga akyat ko ay may makita na ako.... (at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin...)

Ave Averin, Mt Banahaw, 1994.Sem break namin sa meralco no'n, bakasyon kami sa lucena, yung isang kasama ko, mountaineer daw siya, aya nya kami akyat ng bundok"Banahaw" daw tawag dun..lagi nyang sinasabi yung "take nothing but pictures" ala naman kaming dalang camera, leave nothing but foot prints, eh nabura ko naman lahat ata ng foot prints ko kakadulas at balabag, kill nothing but time, eh dami ko nabaling sanga kakahawak sa dulas ng daan. naubusan pa kami ng tubig, kaya ayun kahit mga stagnant na tubig eh tinalo na namin...lasang putik. sabi ko sa sarili ko ang hirap palang maging mountaineer..pero masaya, di rin ako ganung pagod nun..kasi medyo bata pa din tulad ng unang climb ni Dindo. Tawa lang ng tawa na mga nadudulas. Paguwi namin binaliktad namin ung t-shirt namin para daw di kami paglaruan ng engkanto..Nang napunta ako ng Analog nakilala ko si Phoks at Jong...cla yung sinamahan ko papunta ng pulag at mt. pinatubo...la pa din ako gamit kundi Islander na tsinelas at hiram na bag. Hanggang ngayon eto kahit mura ng mura pag nahihirapang umakyat eh ganado pa rin..sarap eh..ewan ko ba..sa bundok lang masarap ang GIN, SARDINAS at NOODLES....pwede ka pang mag-angas hanggang gusto mo..di ba Sir Dindo? :-)

Eye. Buntot Palos. Feb 14, 2004. ang lalagay kong testi eh yung unang akyat ko with Angas. 2001 pa lang eh inaaya na ko ni eric umakyat kaso last year lang ako natapos mag-aral kaya this year lang nakasama. 30mins pa lang ang lakad eh hinihika na ko hehe! tapos parang lahat sila di naman napapagod kaya nahiya akong mag-request ng pahinga. matarik na nung pababa na ng falls tapos may part na walang hawakang rope. sumemplang ako pero yung bag ko ang una nag-landing sa bato kaya nadurog lang sunglasses ko at nasugatan ako sa kamay. muntik ako mamatay? hehe! tumalbog diretso hanggang sa baba, buti may nakahatak ng bag ko at buti may ugat ng puno akong nakapitan.nahirapan din ako matulog kasi dumadausdos kami ni glenda pababa every 10 minutes dahil mabato at di pantay yung campsite. pero yun, sulit naman lagi pag dating sa taas. lalo na pag atat ka kumuha ng picture tulad ko hehehe! nagsimula na rin ako bumili ng gamit after nito, pero di singmahal ng mga gamit ni dindo hahaha!

Jamie. Famy. 1996. medyo late na kami dumating sa jump off point noon...madilim na...pito kaming magbabarkada noon na napagtripang sumama sa kaibigan naming bading na umakyat ng bundok. 4 kaming lalake (isang lalakwe) at 4 babae...umuulan noon...first climb pa ng karamihan sa amin...madulas...i had to carry one of the backpacks kung saan nilagay yung bigas...kaldero...kalan...baboy...etc... makasampung beses din ako sumemplangnun...3 kasi nadulas ako...yung 7 kasi sa akin kumakapit yung kaibigan ko ng babae pag nadudulas...haayyy buhay...to make it a lot worse...naligaw pa kami...we made a wrong turn....fortunately nakapagbacktrack kami at ayun sa wakas narating din namin yung campsite...nagmumura sa galit yung mga conita kong kaibigan...palibhasa sosi...wahehe...nakatikim rin sila kung pano mapasubsob sa putikan...anyway, we were dead tired so tinapay na may palamang peanut butter na lang ang kinain namin..tapos punas dito punas doon...tapos bagsak tulog...but the next day was a totally different experience...early morning bumaba na kami dun sa 2nd campsite kung saan ang bagsak ng falls...hayy...the sound of falling water and the view was refreshing...sarap humiga sa batuhan at matulog....we were able to cook some decent food na...then around 3pm start na uli kaming bumaba...tulog lahat sa jeep pauwi....3 years after that...we went back to stay there for 2 nights and 3 days. i was so disappointed with the place...parang talipapa na sa taas...nagsulputan ang maraming tindahan...dami na kalat...haayyy tao nga naman...pero enjoy pa rin ang stay namin...

Vince Hizon. Mt Maculot 1999.dito ko unang nasubukan yung stamina ko sa pagakyat at endurance, hirap dahil unang akyat ko night trek at dalawa lang kami umakyat ng friend ko. sa ibang mounteneering group sya kasali. matagal ko ng gusto mag mounteneer pero this the first time pa lang na natupad. kumakanta pa kami habang umaakyat, kinakanta namin yung pangsimbahang kanta, (only our thirst lights us onwards) nagkakatakutan pa nga kaming dalawa, habang umaakyat. pero dala ng pagod bale wala na iyon. feeling ko nga di na ako makakababa nung dumating na sa summit dahil pagod at masakit na nag hita ko. but with God guidance, eh pinawi nya yung pagod ko ng makarest na kami. bale inakyat namin yun ng 3 oras, kasi di pako sanay. wow heavy ang experience that time nung umaga na. ang ganda ng view, lalo na nung pumunta kami sa rockies. feeling mo humahalik sayo yung ulap at malapit ka sa diyos. forget mo yung problems mo sa ibaba. all you see is the wonderful nature God created for us. after sa rockies, impake na at baba na kami. madali lang pala ang pababa. kaso ingat pa rin, kasi pwede kang gumulong o masubasob. tapos kumain kami sa palengke. sarap pala ng pagkain dun. malinis pa yung palenke. ibang iba sa manila..now i miss climbing again. sana makasama uli ako...

LHEN Manlapaz : Mt Romelo-Famy, November 1999. Kwento ko na lng 1st climb ko nung andito na ako Analog......OJT pa lng po ako nun. Supposedly, Oct 23-24 on Mt. Majayjay yata or Palos ang unang destination ko.. eh pinapasok ako ng weekend (sympre, di ako maka-angas, ojt pa lng eh.. ) Ang mga kasama : JR Cabagui, Jane Aguila, Lyn Tolentino, Eric Escalante, Angelo Urbina, Jovan Navalta, Quincy Dahilan (libre nya baon naming tilapya), Dang Dandan, Marlon Vinarao (sino pa ba?). Ang bag : hiram lang muna sa kababata ng tito ko. Ang sapatos: white rubber shoes (na naging brown after nung climb)... Ang damit: shorts at t-shirt. Sabi nina JR & Eric kc, d daw matalahib kaya ok lng magsuot ng shorts pero ang nangyari nagmukhang pinagkakalmot ako sa dami ng sugat kc naligaw kmi, napunta kmi sa talahiban na matataas pa sa'kin.. Sbi pa kc ni Eric E. 3rd time n nya dun kaya imposibleng maligaw kmi - kaya sunod-sunod nman kmi sa kanya.... ayun naligaw pa rin pala kmi!.... Pinulikat ako nun, ambait pa noon ni Angelo eh tinulungan yung paa ko.. kaya sandali lng ok na ulit ako.. At nakarating nman kmi sa camp site... nakita ko p lng yung tubig gustung-gusto ko na maligo.. sarap kc, malinis pa at malamig yung tubig. Sa batya-batya muna kmi nagpunta - naaliw na agad ako... Eh lalo na dun sa buruisan falls! Panay ang pose ko kahit d ako kasama sa kukunan ng litrato... At may tindahan pala - bumili me ng tsinelas...Aba! ang baguhan pala sa grupo noon: pinagliligpit, pinaghuhugas ng mga pinaglutuan & pinagkainan... Di na ako nagreklamo, eh baguhan nga po. May dala palang alak (napoleon brandy, 2 lapad) si JR.. nakitagay din ako - walang reklamo. Kwentuhan, tawanan.... Itong si Eric E, iniligaw na nga kmi, nagpamasahe pa..!!! Kahit ano pa lang hirap o pagod sa pag-akyat.... SULIT pagdating sa peak o camp site! MASAYA and FULFILLING! Nakakaaliw ang mga tanawin... nakaka-amaze ang likha ng Diyos!!! Kaya dpat alagaan at igalang natin ang ating kapaligiran... Dami ko pa sanang gustong isulat dito......... Next time na lang ulit. :) Wish ko lang, makaakyat at makasama na ulit ako.................. kating-kati na mga paa ko (wa epek ang kamot pag kumakati eh)...

Sep 13, 2004

BMC (Perst Taym ni Pedro)

Knot tying lesson

Si Pedro, matagal ng umaakyat ng bundok, talampas, burol at kung anu anu pa. Nagsimula sya nuong dekada nobenta. Ngunit alam nyo bang wala pa syang BMC? Anu nga ba ang BMC? Para saan yun? BMC - beysik mawnteyniring kors.

Makalipas ang isang dekada, bumuo na ng grupo si Pedro at dito nya napagtantong kailangan na nyang kumuha ng BMC. Sinimulan ang pagpaplano, paniningil at paghingi ng permit para sa luob ng kumpanya ganapin.

Dumating ang araw ng treyning, maraming eksayted, maagang nagsidatingan ang karamihan tulad ng sabi ni el presidente. Pero tinamaan ng magaling, leyt ang mga treynor, sarado raw kasi ang roxas blvd e. yun naman pala, di naman sinasadya, nagkataon lang…ok? Yung panay ang reklamo habang naghihintay sa treynor tumahimik ng makita ang mga leyt, mas malaki kasi sa kanya, kaya syang iwasiwas nito.

Nang magsimula na ang treyning, halos ang lahat ay tahimik at nakikinig ng mabuti sa mga sinasabi ng treynor. Wari'y nag-iisip ng kung anu-ano ang mga tama at maling nagawa nya sa kanyang mga pag-akyat ng kabundukan. Ito ang ilan sa mga natutunan ni pedro sa perst dey ng BMC.
1. Sa bawat akyat ay may apat na importanteng tao - tim lider, skrayb, medik at swiper. Isip si pedro… meron kaming tim lider at medik, tama ang mga ginagawa nila. Skrayb? Kailangan pala yun? Sya daw ang dapat magtala ng mga nangyayari sa akyat. Merong swiper si pedro pero mali pala ang pagkakaunawa nya. Dapat pala ay yung mga pinakamalakas sa grupo ang nasa swiper dahil sya ang tutulong sa mga naiiwan…ang siste, yung pinakamalalakas kay pedro ay syang nauuna. Bakit? Tanungin mo sila…
2. Kung may pasaway sa mga akyat, wag magsisihan sa bundok. Ilista ang mga ginawang pasaway at sa asesment pag-usapan. Ang problema, hindi naman ginagawa yun ni pedro pagkatapos ng akyat. Alam nyo ba ang nasa isip nya? Sana lumabas na ang mga piktyur at ng maipagmalaki na at makapang-inggit.
3. Ang lahat pala ng tali o strap ng bakpak ay may gamit at hindi lang palamuti. Itinuro ang mga gamit nito at kung panu gamitin. Si pedro ay nag-isip at nasasabing "yun pala ang gamit nun". Sa tagal nya ng pag-akyat, nun nya lang napagtanto na lahat sa bakpak ay may silbi.
4. Treyl sayn… mahalagang malaman ang paggawa nito at pag-intindi ng bawat kahulugan. Kaya pala may naligaw sa halkon, di marunong magbasa e. si pedro naman, gumawa ng sayn, mali pala ang ibig sabihin. Gusto nyang ipaunawa na "dis way" pero ang kahulugan ng ginawa nya ay "nid help" Nakampu!! Buti na lang wala kayong mga kasunud….
5. grup pormeysyon - lid grup, midel grup at swiper grup. Yan dapat ang pagkakasunud sunud sa pag-akyat. Bawat grup ay may grup lider at di pala dapat nag-iiwanan ang bawat grup. At higit sa lahat, di pwedeng magkapalit ng pwesto sa lakaran ang kahit anung grup. Isip uli si pedro… "anu ba ang mga ginawa ko sa napulauan?" napangisi sya…alam nyo ba kung bakit? Wala kasi syang nasunud dito…
6. no smoking on treyl - pero may humihirit pa rin, baka naman daw pwede.
7. Sa pagpili ng pwesto ng tent, medyo maganda yung may konting slope kesa patag? "Bakit?" tanung ni pedro. Para pag umulan, hindi sa'yo maiipon ang tubig, tulad ng nangyari kay pedro sa tarak o kaya ay sa napulauan (yun bang naglangoy lahat ng gamit sa luob ng tent)
8. Ang aydiyal na dalang tubig ng bawat isa ay 4 liters, ang 2 ay para sa treyl water at ang sobra ay sa grupo, panluto. Hindi 5 gallons…..

Marami pang ibang natutunan si pedro, mali pala yung paangas na pagsuot ng bag… yun bang isinisirko ang bag sa ibabaw ng ulo…pag sumablay… ARAY!!! Pag may nakakitang nag BMC, iiling na lang. Hindi rin maganda yung mga rumaratrat…. Pagtanda nyo babawi yan…

Pero ang pinakamasayang tapik ay ang HALKON!!!. Sabi ng treynor, pag pumupunta sila dun, may pisikal treyning sila ng apat na buwan. Isip si pedro, mahihina ba sila o maangas lang talaga sya? Nalaman din na ang buong pamilya ng limatik ay nasa halkon, namutla at natahimik si pedro…dito sya nagsimulang magtanung sa sarili… "sasama pa ba ako sa halkon?" abangan na lang natin….

Samakatuwid, para san ang BMC? Sa aking pagkakaunawa, isang dahilan para sa beterano at isa para sa baguhan. Para sa beterano, ang BMC ay para malaman ang mga nagagawa nyang tama at mali sa pamumundok. Sa mga baguhan ay upang hindi nya pamarisan ang mga ginagawang pasaway ng mga beterano.

by Eric E

Sep 9, 2004

Mt. Tapulao

The trek will test your limits and will truly separate the boys from the men....

Isang taon narin ang nakalipas noong umakyat ang tropa sa Mt Tapulao na matatagpuan sa Iba Zambales na may kabuuang taas na 2037 meters above sea level. Kuha ito sa sa campsite na may taas na 2000 meters, hindi lahat ay umabot sa peak dahil sa kakulangan ng panahon.

Sep 7, 2004

Bowling


4th floor Metropolis Alabang

Sabado, tatlong tao ang nagkasundong aakyat ng makulot sa linggo. Dey hayk lang pero trabers naman. Pero ang prumotor nito, umatras!!! May susunduin daw sila. Alam nyo ba kung may bisnes silang syatel serbis? magbobowling na lang daw kami sa pestibal mol sa alabang. Sinubukan kong magyaya pa ng ilang pleyer para mas masaya, ngunit iisa ang nagpaunlak. Tulad ng inaasahan, leyt ang may pakana, na sya ring umatras sa akyat.

Nang makumpleto na ang apat, sugod agad sa bowling leyn. Hala!! May problema, may turnament pala at walang bakante. Pero pwede raw kaming maghintay. Sige lista sa weyting list habang isip ng ibang magagawa. Nagkatuwaan na mag bidyoke. Mabilis na lumipas ang isang oras at tapos na ang aming oras dun. Balik kami sa leyn pero wala pa rin. Pero talagang gusto naming magbowling e, sige lipat na lang sa metropolis, matuloy lang. Buti na lang may bakante, laro agad, kampihan ang laban, alabang-dasma at C5-QC.

Perst rawnd, praktis lang po muna. Ang aangas ng porma, dala-dalawa pa ang didyital kamera, panay ang piktyur, panay naman ang kanal ng bola. Kaya nga tawag dun e praktis geym e. Rawnd tu, pustahan daw ng miryenda, sige payt. Ganado ang lahat, halos lahat ay naka strayk at speyr. Pero merong isa na nakaka strayk pag pinatatalbog ang bola, heheheh!!! Tago naman agad at baka masita ng mga bantay. Ang isa naman e, strayk pa rin kahit gapang lang ang bola, ang tawag dun ay swerte o tsamba. Mangilan ngilan na lang ang kanal. Masaya, panay ang kantyawan at tawanan. Sa huli ay panalo ang alabang-dasma. Yahoo!!! Libre pagkain namin.Pero teka, bawi daw ang mga talunan. Pag nanalo kami, grande ang kainan pero pag natalo naman, kwits lang, KKB ang tsitsa.

Rawnd tri, pagod na kaming lahat. Dinahan dahan lang ang laro. Kung kanina ay dalawa ang sabay na tumitira, syempre po sa dalawang leyn, ngayon ay salitan na lang. Dito ay walang nagawang strayk ang alabang-dasma, nabuhay sa speyr at sandamakmak na kanal. Ang C5-QC, marami yatang baon na swerte at tsamba, may ilang strayk pa rin sila kahit pagod na. Kaya ayun, sila ang nanalo sa rawnd na ito. Di bale, kwits lang naman. KKB na lang ang miryenda.

Eto lang po ang aming nakayanan sa luob ng tatlong laro, di naman kami kasing galing ni glenda g.

  • Eric E. – 422
  • Kates S. – 286
  • Kit V. – 300
  • Ronald M. – 360

Sa labis na kapaguran, kain muna kami. Napadpad kami sa pit-sa hat. Nakampu!!! Ang pagkain, parang huli na namin. Dal’wang pitsang pagkalake!!! Matapos ang mahigit isang oras, sandamakmak na ‘wentuhan, sama ng luob at hinaing (sa aming apat na lang yun) at sa tulong ng 1.5 litrong pepsi, naubos din namin ang isa at napangalahati naman ang isa pa. Salamat naman po.

Dito po nagtatapos ang kwento ng apat na gala na nagsimula sa tatlong di natuloy sa makulot dahil sa pag atras ng nagyaya. Dahil dito, salamat Kit sa libreng bowling, hanggang sa susunud na batuhan ng bola.

by Eric E 09.07.04

Sep 6, 2004

Bertday

Bertday Boy


Dahil bertdey mo, ito ang sa iyo…

Isa ka sa unang bumuo ng angas mawteyniring grup. Unang akyat natin ay sa mawnt maribeles - tarak, marami ka na nung napanalunan sa kowk kaya medyo maangas na ang mga gamit mo…. Pero sandali, bakit pagkatapos ng tanghalian natin sa ilog ng papaya ay gusto mo ng magpaiwan? Dahil may tent ka na nun, nanghihiram ka na ng kalan para dun ka na lang magpalipas ng gabi. Pero di naman pwede yun sa angas grup, walang iwanan tayo eh, hala sige, paghatian na lang ang mga gamit mo at ng makarating tayong lahat sa itaas, iba na kasi pag alam mo na… kabebertdey mo lang din nun dahil setyembre yun e, kaya alam mo na, nadadagdagan ang… edad.

Ang Tarak ay nasundan pa ng ilang mga akyat… andyan ang banahaw…. Sampu tayo nun, puro barako, dalawang kilong bigas ang dala para sa apat na kainan. Pagdating sa taas, nanginginig pa tayo ni angas1 para lang maitayo ang damuhong tent na dala natin. Kundangan ba namang mga sirang powl ang dala e. sa akyat na 'to mo napagtanto na mas maangas pala ang tent ni el presidente, kaya ikaw, bumulong sa sarili… sana manalo ako nito sa kowk kundi man ma-aprub ni kumander ang P.R. (purchase request ba). Tanda ko rin 'to, katatapos lang din ng bertdey mo e, siguro, pahabol na wis mo yung tent.

Sumunud ang tinamaan ng magaling na napulawan. Dahil nga angas grup daw tayo, kahit may bagyo sige ang lakad, walang ulan na pwedeng pumigil. Binaha na't lahat ang kamynilaan, sobra sobra ang trapik, di pa rin napigil. Kaya nga dalawang grup kayong leyt sa istasyon ng bus. Yung pinakahuli, si kit at ave, nadamay lang dun si ave e, alam nyo naman si kit. Tapos kayo ang sekond tu da last. Kaya naman pala alam nyo ang nangyayari dun e may bantay na kayo at nagrereport sa inyong mag-asawa. Tulad ng karamihan sa grup, nawala ang mga angas natin at nag-emerdyensi kamp na lang, samakatuwid, di umabot sa kamp sayt. Namatayan ka ba dito ng kuko?di ba ang iyong maybahay ay dalawang kuko ang ipinagluksa?

Taong kasalukuyan, naalala mo ba yung wis mo sa banahaw? Dahil sa pagmamahal ni misis (di lang namin alam kung may halong pagmamakaawa) na-aprub yung PR mo ng tent at balita ko may bago ring sapatos na napanalunan sa kowk. Una mong ginamit ang iyong tent sa daguldol, yun nga lang di ka nakatulog dun, si esmi at utol mo, kaya ikaw tyaga kang makitulog sa ibang tent na may malakas maghilik (hindi ako yun a). Dahil wala ka ng magawa ay ni-rekord mo na lang yung hilik ng tao, may kopya ka pa ba nun?

Pero talaga yatang di matapos ang angas mo, sumali ka ngayon sa isang mawnteyniring grup, kilala bilang isa sa maangas/malulupet na grupo dito sa larangan ng pamumundok. Kaya ngayon, 2 beses isang linggo ay panhik panaog ka sa isang bilding sa makati para makumpleto ang treyning at ilang malulupet na akyat ng bundok na talaga namang pangmaangas lang. Sana magawa din namin yun. Kaya dapat ikaw si angas1 at hindi yung isa e.

Dito na nabuo ang ADM (Angas daw Mawnteyniring), hangang sa maging ADTREK. At bilang isang nakatatandang kapatid ng grupo, o nakatatandang kung anu pa man, ikaw ngayon ay isa sa ating bord op trastis. At nagpapasalamat pa rin kami sa inyong mag-asawa sa pagpapaunlak nyo sa grupo sa idinaos na miting sa inyong tahanan.

At ngayon na araw ng iyong kaarawan, ito ang aming pagbati sa'yo. Hapi bertdey tu yu. Mey yu hab meni mor to kam.

by Eric E 09.06.04

Sep 4, 2004

Rain or shine

Picture of the day: Rain or shine

Di papaawat ang grupo kahit saang bundok ay aakyatin umulan man o umaraw, malimatik man o hindi. Mukhang handang handa na talaga ang grupo sa HALCON! HALCON! HALCON!

Kuha ito habang paakyat sa Tarak Ridge Mt Mariveles Bataan.

Sep 2, 2004

Xpiryenz


Hi mga angas,

Kumusta kayo dyan? ok lang kami ng camera ni mark dito, masasaya naman ako dito. salamat talaga sa camera ni mark nagkaroon ako ng kasama at kausap. naaawa ako sa mga kasama ko sa hotel mga taga ibang bansa din lahat sila sinisipon hindi ata kaya ang lamig dito panis sila sa akin, mga mahihina ata risestensya ng mga yun. ako mejo inuubo lang saka nilalagnat at mejo sumasakit ang ulo talang sila sinisipon heheheh. ok pala dito eh sabi nila malungkot dami ko nga nakakausap na mga building yun nga lang hindi sumasagot.^_^ . galing kong mag-english dito hindi ko nga lang alam kung tama hehehe. feeling ko ako lang pinakamaangas dito pagnagtatanong ako sa tao dito nag-aalisan hindi ako kayang kausapin heheheh.....

Langya eto kakaibang xpiryenz, grabe KUMAIN AKO NG GULAY SHIT. wlang choice eh, mamatay ako pag hindi ako kumain. nakakaduwal yyyaaakkkkkk.....

Cge trabaho muna ako, pakita ko na lang yung mga picture pagblik ko

NOTE:
ignore nyo na lang po tong email para sa mga hindi nakakakilala sakin..

Mike

by mike m. @ swytserland 09.02.04

Sep 1, 2004

Seksi(k)

Picture of the day: The Angas Hunks

May a-a-angas pa ba sa picture na ito? siguradong matataranta ang Viva Hotmen, Maskulados, at Sex Balls dahil may bago na silang kalaban sa industriya! Kuha ito sa Hugom Beach San Juan Batangas pagkababa galing sa Mt. Daguldol.