Aug 15, 2004

Pedro sa Mawnt Napalaluan

Sino ang tunay na Pedro?

Nagmamadaling nagimpake si Pedro ng kanyang mga gamit na dadalhin sa pag akyat sa mawnt napulaluan, isa isang inilagay sa kanyang bakpak ang lahat ng kanyang kakailanganing sa dalawang araw na imamalagi sa bundok. Eksayted sya ng makarating sa terminal ng otobas, san nga ba yon? matapos malagpasan ang sobrang trapik na rohas bulebard at lakas ng ulan.Masaya si Pedro,magkahalong kaba at eksaytment ang naramdaman ng umandar na ang bus na kanyang sinasakyan patungong banaue,wow! ang layo nun.Natulog din si Pedro sa bus,pero malimit eh nag-iisip kung ano ang maaraing mangyari sa bundok na akyatin. Kumain sya ng almusal ng makarating sa banawe terminal bus,gutom sya...inubos nya ng sani saydap,hotdog at isang tasang prayrays.Nagsimula nang hakutin ang mga bakpaks sa dyip na sasakyan patunong baryong hungungan kung saan magsisimula ang mahigit walong oras na akyatan,ehem,kayanin kaya ito?

Sa unang bahagi ng pag-akyat eh masasabing nahihirapan si Pedro,parang nagdadalawang isip na ata kung tama ba ang naging desisyon na pagsama sa "akyat",pero dahil sinabi nya sa sarili na kaya nyang marating ang tuktok eh sige pa rin sya sa paghakbang.Lumipas ang ilang oras,lawit na ang dila ni pedro,halos hingal kabayo na,parang nakikipag agawan sya ng hangin sa loob ng gubat. Marami syang nasaksihang mga bagay, halo halong emosyon ang kanyang naramdam,isa isang sumakit ang ibat-ibang parte ng kanyang katawan.Dahil sa pagpupursige,tapang at detrminasyon,pinilit nyang makarating sa "PIK". Nag tent na si Pedro,pero gaya ng sabi sa weder porkast,magiging maulan kaya naman mas tumindi ang hirap na naranasan ni Pedro.Kumain ng hapunan si Pedro,di nya masyadong malasahan ang alat ng "dangit" at init ng sabaw dahil sa sobrangmlamig ng panahon,pinahirap pa ng walang humpay ng patak ng ulan.Dahil wala ng magawa,nakatulog na syang basa ang medyas,pati ilang parte ng higaan,pero and di nya makalimutan ang takot at hapdi na idinulot sa kanya ng "limatik" .

Kakaibang pakiramdam ang kanyang naramdaman ng mamasdan ang paligid ng tuktok ng bundok,kahit di nya namasdan ang paligid ng bundok dahil puro ulap,damang dama nya ang lamig ng hangin na marahil eh ngayon pa lang nya naranasan.Naghanda na sya sa pagbaba,inakala nya na magiging madali pero mas mahirap pala. Sa kanyang pagbaba sa bundok,di lang isang bese syang nadulas,napaupo,napatid,nasubsob at nalubog sa putik. Napagtanto nya na di pala lahat ng akyat eh pasko.Parang gusto na nyang sumuko,tumigil,pero alam nyang di pwede dahil kailangang makabalik sa terminal ng otobas bago mag alas sais ng gabi. Sa lahat ng bagay na naranasan nya sa bundok,di maiaalis ang takot at kaba lalo ng dumating sa lugar na maraming bangin,pero habang papalapit na sa paanan ng bundok eh lalo nyang nilakasan ang loob.Halos walong oras din ang kanyang binuo bago makababa sa bundok,pero ano pa mang hirap ang naranasan nya,di pa rin iyon naging hadlang para tumawa at maging masaya.Nagbibigay pa rin sya ng joke joke joke,mga biro pero di nya rin maiwasang mabigkas ang *&$%^@!!! at @#%$$#!!!...at syempre,mapa wow sa ganda ng tanawin.

Hapon ng nang makababa si Pedro,halos di maipinta ang mukha,kung titingnan sya mula ulo hanggang paa eh masasabing daig pa nya ang nagsaka sa rays tereses sa sobrang dami ng putik ng kanyang damit.Di lang paa at kamay ang ginamit sa pagbaba ng bundok,pati pwet eh ginamit na rin...kaya pati doon eh inakala nyang napasok na rin sya ng limatik.Sobrang sakit ng katawan nya ng makauwi sa bahay,pero dipa doon nagtatapos yon kasi kailangan pa nyang pumasok sa trabaho kahit wala syang tulog.Pero teka,sino nga ba itong si Pedro? si Pedro eh yung 32 taong nagplano,umakyat at nakarating sa tuktok ng mawnt napulaluan.May ibat-ibang dahilan man sa pag akyat,iisa pa rin ang hangarin...ang marating ang "PIK". Ang lahat ng kanilang naramdaman,tuwa man o lungkot, hirap man o ginhawa,hirap man o sarap,di na nila ito makakalimutan.Maaring maitanong nila sa sarili nila kung uulit pa o hindi dahil sa mga naranasan,alam na nila ang sagot doon.Kaya para sa lahat ng sumama,nagging mahirap man ang akyat,kinaya pa rin natin! Nagawa natin ang bagay na ilan lang ang maglalakas ng loob na gawin. Kaya PANALO ka pa rin kaibigan dahil isa ka sa nakakongker ng Mawnt Napulaluan! MABUHAY KA!

by J. Nazareth 11.14.03