Aug 28, 2004

ADTrek Gen Assembly

Ang Bertday Boy

Ika-20 ng Agosto, nagtipon-tipon ang karamihan sa mga opisyales at trastis ng grupo, ipinakita dito ang bay-lows na ihahain sa lahat. Nagkasundo ang mga dumalo at kailangan ng i-present sa lahat. Dito nabuo ang pagpaplano ng isang dyeneral miting ng ADTREK (adventure trekkers ha, hindi yung ibang AD na iniisip nyo). Na-set ang araw, tumapat sa 27, eksakto, kaarawan din ng ating pangulo.

Dumating ang gabi ng pagpupulong (baka naman selebrasyon ni el presidente), marami ang dumalo at naging masaya ang pagtitipon. Nagsimula ang programa, nagpakilala at nagpatutuo ang mga orihinal na kasapi ng angas mawnteyniring, sumunud ang mga bago sa grupo. Ng matapos ang mga kwento kung panu nabuo ang ADTREK, chicha muna tayo, syang pagdating ng ating hiram na bidyoke. Sinimulan ang awitan habang nagsisikain ang ilan. Nang may nagrekwest ng "she bangs" mula kay william hung. Medyo nahihiya pa ng konti. Pero pasasaan ba't mapipilit din yan. Bumigay na nga, nagsimulang kumanta, subalit datapwa't anupa't, ng ginaganahan na sya ay di sinasadyang maapakan ng kamera man ang ekstensyon at namatay ang bidyoke. SAYANG!!! Dito na pumasok si president, diskas daw muna ang BMC para sa mga uuwi, matapos ang medyo mahaba habang diskusyunan, nagpaalam na ang ilan. Ngunit di naman nagtagal ay nagdatingan din ang mga humabol sa pagpupulong. Matapos ipaliwanag ang magiging patakaran ng grupo, dito naman nagsimula ang sosyals na hinihintay ng lahat.

Ngunit alam nyo ba na bago pa dumating ang araw ng pagpupulong ay may naghamunan? Kung mapapatumba raw sya ng alak, sagot nya ang isa sa kahit na anung kasunud na akyat ng grupo, pwera lang pamasahe. Nagsimulang bumuhos ang alak habang dumali na naman ng she bangs, wala talagang kadala dala at kahihiyan, pis!!! Walang humpay ang hulog ng limang piso sa bidyoke, walang tigil, halos mahilo ang pobreng barya sa kakapabalik balik nito. Pilit pa ring binabantayan ng lahat kung may babagsak ba. Marami palang mahuhusay umawit sa grupo, andyan ang kumakanta ng makabagbag damdaming sasakyan kita, bongga ka day, ikaw sana, salamat at kung anu anu pang banyagang awitin. Hangang isang tao ang biglang nawala, pero sayang, hindi yung naghamun ang nagtatawag ng uwak. Sa puntong ito, nag-uwian ang ilan pa sa ating mga katoto, kasama ang unang nagtawag ng uwak, baka kasi madagdagan ang uwak na tatawagin e. Hala!!! Sige kanta at kampai!!! Hayan na!!! May bumagsak na naman, sino? Sa mga dumalo na lang yun. Ang naaalala ko na lang ay ang sigaw ng mga tao. HALCON! HALCON!! HALCON!!! HALCON!! HALCON! Dito nalaman, na marami pala sa grupo ang di tinatamaan ng carlos uno, don luis, dyin, alponso pero tupe sa 1877. Nagkanya kanya na ang natitirang grupo, lima ang nagpaiwan dahil malayo pa ang uuwian. Pero akalain ba namang may humabol pang magtawag pa ng uwak, nakahiga na lang at lahat ay bumangon pa ng makatlong ulit para magtawag, he rili labs da bawl.

Tulad ng awiting SALAMAT ng DAWN, nais naming ipahatid sa lahat ng dumalo ang aming pasasalamat. Kay mark, na syang sumagot ng kalahati ng gastos. Sa butihang mag-asawang Dinds at Lyn, sa pagpapaunlak nila sa atin sa kanilang tahanan. Kay mike, na syang nagdala at nag-uwi ng bidyoke pati na rin ang mga upuan at mesa. Kay Ma'am Net, na lubos ang suporta sa grupo. Nais na ring pasalamatan ang isa kung sakaling sagutin man nya ang susunud na akyat ng grupo, HALCON! HALCON!! HALCON!!! HALCON!! HALCON!, salamat po sa inyong lahat. Hanggang sa muli..

by Eric E 08.30.04

>>>>Click this link to see more pictures<<<<