Aug 28, 2004

ADTrek Gen Assembly

Ang Bertday Boy

Ika-20 ng Agosto, nagtipon-tipon ang karamihan sa mga opisyales at trastis ng grupo, ipinakita dito ang bay-lows na ihahain sa lahat. Nagkasundo ang mga dumalo at kailangan ng i-present sa lahat. Dito nabuo ang pagpaplano ng isang dyeneral miting ng ADTREK (adventure trekkers ha, hindi yung ibang AD na iniisip nyo). Na-set ang araw, tumapat sa 27, eksakto, kaarawan din ng ating pangulo.

Dumating ang gabi ng pagpupulong (baka naman selebrasyon ni el presidente), marami ang dumalo at naging masaya ang pagtitipon. Nagsimula ang programa, nagpakilala at nagpatutuo ang mga orihinal na kasapi ng angas mawnteyniring, sumunud ang mga bago sa grupo. Ng matapos ang mga kwento kung panu nabuo ang ADTREK, chicha muna tayo, syang pagdating ng ating hiram na bidyoke. Sinimulan ang awitan habang nagsisikain ang ilan. Nang may nagrekwest ng "she bangs" mula kay william hung. Medyo nahihiya pa ng konti. Pero pasasaan ba't mapipilit din yan. Bumigay na nga, nagsimulang kumanta, subalit datapwa't anupa't, ng ginaganahan na sya ay di sinasadyang maapakan ng kamera man ang ekstensyon at namatay ang bidyoke. SAYANG!!! Dito na pumasok si president, diskas daw muna ang BMC para sa mga uuwi, matapos ang medyo mahaba habang diskusyunan, nagpaalam na ang ilan. Ngunit di naman nagtagal ay nagdatingan din ang mga humabol sa pagpupulong. Matapos ipaliwanag ang magiging patakaran ng grupo, dito naman nagsimula ang sosyals na hinihintay ng lahat.

Ngunit alam nyo ba na bago pa dumating ang araw ng pagpupulong ay may naghamunan? Kung mapapatumba raw sya ng alak, sagot nya ang isa sa kahit na anung kasunud na akyat ng grupo, pwera lang pamasahe. Nagsimulang bumuhos ang alak habang dumali na naman ng she bangs, wala talagang kadala dala at kahihiyan, pis!!! Walang humpay ang hulog ng limang piso sa bidyoke, walang tigil, halos mahilo ang pobreng barya sa kakapabalik balik nito. Pilit pa ring binabantayan ng lahat kung may babagsak ba. Marami palang mahuhusay umawit sa grupo, andyan ang kumakanta ng makabagbag damdaming sasakyan kita, bongga ka day, ikaw sana, salamat at kung anu anu pang banyagang awitin. Hangang isang tao ang biglang nawala, pero sayang, hindi yung naghamun ang nagtatawag ng uwak. Sa puntong ito, nag-uwian ang ilan pa sa ating mga katoto, kasama ang unang nagtawag ng uwak, baka kasi madagdagan ang uwak na tatawagin e. Hala!!! Sige kanta at kampai!!! Hayan na!!! May bumagsak na naman, sino? Sa mga dumalo na lang yun. Ang naaalala ko na lang ay ang sigaw ng mga tao. HALCON! HALCON!! HALCON!!! HALCON!! HALCON! Dito nalaman, na marami pala sa grupo ang di tinatamaan ng carlos uno, don luis, dyin, alponso pero tupe sa 1877. Nagkanya kanya na ang natitirang grupo, lima ang nagpaiwan dahil malayo pa ang uuwian. Pero akalain ba namang may humabol pang magtawag pa ng uwak, nakahiga na lang at lahat ay bumangon pa ng makatlong ulit para magtawag, he rili labs da bawl.

Tulad ng awiting SALAMAT ng DAWN, nais naming ipahatid sa lahat ng dumalo ang aming pasasalamat. Kay mark, na syang sumagot ng kalahati ng gastos. Sa butihang mag-asawang Dinds at Lyn, sa pagpapaunlak nila sa atin sa kanilang tahanan. Kay mike, na syang nagdala at nag-uwi ng bidyoke pati na rin ang mga upuan at mesa. Kay Ma'am Net, na lubos ang suporta sa grupo. Nais na ring pasalamatan ang isa kung sakaling sagutin man nya ang susunud na akyat ng grupo, HALCON! HALCON!! HALCON!!! HALCON!! HALCON!, salamat po sa inyong lahat. Hanggang sa muli..

by Eric E 08.30.04

>>>>Click this link to see more pictures<<<<

Aug 25, 2004

Limatik

The Victims


Hope we'll find the informations contributed by our fellow trekkers about Limatik amuzing and interesting. Please read on .....

Johnel - Limatik (li-ma-tik) n. -- 1. People who are perinnial dependents on other climbers for food or supplies. 2. Parasite.[From Filipino limatik, leach.]. di lang pala yung mga itim na kumakagat ang dapat katakutan kundi itong mga LIMATIK...hahaha!

Angelo - parasite that suck blood given by the mountaineering group........di lang sila nagpapaalam....pag-busog na bibitaw din sila...he he he ang takot sa kanila wag na umakyat.....

Marie - These small (2 inch long) leeches silently clings to your boots and makes their way to any exposed skin where they begins to suck the blood of their host. The bite however is painless but after sucking the blood, the blood then flows continuously from the victim for about 30 minutes due to an anti-clotting substance it injects when it bits you. Its more of a messy uncomfortable feeling than pain.[from its former use by physicians for bleeding patients] : any of numerous carnivorous or bloodsucking usually freshwater annelid worms (class Hirudinea) that have typically a flattened lanceolate segmented body with a sucker at each end

Sol - hmmm...mukhang galing encyclopedia [link]

Dindo - (L)intik na (I)big (M)anipsip (A)t (T)umoma ng (I)yong (K)atas

Mark - a local name of a small variety of leech which is of numerous carnivorous or bloodsucking usually freshwater annelid worms (class Hirudinea) that have typically a flattened lanceolate segmented body with a sucker at each end. - these worms can be found in cold places like mountains, rivers, and swamps. - ang pinaka kinatatakutan ng mga TUOD.......... Mga kapaki-paikanabang sa LIMATIK. 1, ginagamit sa larangan ng medisina, dahil sa taglay nitong "anti clothing fluids" 2, panakot par manahimik ang mga TUOD.... 3, pwedeng gamiting GENDER detector... (para malaman mo kung bading o lalaki ang kasama mo) .......

Kit - kalaban ng taong Takot sa UOD...he he he

Eric - kakampi ni babsie at bopek, kaaway na mortal ng TUOD...

Ruth - The "Limatik" or "Linta" in the common dialect is notorious for its stealth like feature. It has a covert way of attaching to the skin and sucking blood without ever knowing it until you bleed. They are very common especially on the wet season, wet forest areas or after a rain in the woods. Limatik can most easily be removed by sprinkling salt on them (which irritates their skin).DO NOT pull off the leech, its suckers may be left attached to the skin. Carefully burn them with a lit cigarette or match or apply a hot material, knife or any metal object put over a flame, on the leech. It will cause the leech to disengage its mouthparts and flee. Application of rubbing alcohol may also do the trick. Bleeding over the site of attachment will be noted. This is due to the anti-clotting factor that the leech uses for to get the blood. Some itchiness maybe noted. If the wound is cleaned, there is little risk of infection. The most dangerous thing seems to be scratching using fingernails.

Kevin - kung naglalaro kayu ng HALF-LIFE.. yun yung parang UOD na binabato ng kalaban at once na makapitan ka.. ubos ang LIFE mo..hehehe.. DYAN TAKOT SI MIKE.....

Mike - Para sakin simple lang naman ang meaning na Limatik hindi na natin dapat pang pahabain or palawakin T_T
---->>>>>> PESTE na nagpapabagal ng lakad sa pag-akyat -

--->>>>>> Lintang maliit na nakakadiri

---->>>>>> teka ano p b, bulating lumalaban kasi nakakasugat,
ah basta ASAR ako sa limatik na yan.....BAKIT KASI MERON PA NYAN KAINISSSSS........

Glenda - gusto ko lang share kung ano ang nalalaman ko tungkol sa limatik... bigla ko lang kasi naalala na ang limatik nga pala e matinding pantanggal ng antok... ito ang uod na siguradong di magpapatulog sayo... he he he... di ba kates?

Aug 19, 2004

Flying

I believe I can fly

Di pa natapos ang saya ng grupo sa Taal, pagka-daong ng bangkang sinakyan namin sa Talisay ay nagkayayaang kaming mag-swimming. Kahit masakit ma-plakda, tuloy pa rin ang pag-dive maipakita lang husay sa paglipad. Sa ganon ay di mahalatang may TUOD sa kanila!

Aug 18, 2004

Taal Volcano Crater

Group pic sa crater ng Bulkang Taal


Sabado ng umaga, labing walong gala ang nagkita-kita sa makdonald olivarez patungong Bulkang Taal. Matapos ang tawaran sa dyip, tumulak na rin ang grupo. Makalipas ang kalahating oras na byahe ay narating namin ang resort ng pinsan ni Ka Hector, maganda ang tanawin. Lawa ng Taal, isla ng taal at sa bandang dulo ay ang bundok Makulot. Tawaran na naman, para sa bangka, makalipas ang ilang saglit, nagsimula ng maglayag ang aming tatlong bangka.

Pagdating sa isla, mali raw ang nababaan namin, dun sana kami sa lava plow. Sabi ng mga bangkero namin ay wala daw treyl dun papuntang kreyter. Pwede ba naman yun!!??? Matapos ang ilang minutong bolahan, kulitan, kasuwapangan at tawaran nakakuha kami ng gayd na magdadala sa amin sa kreyter. Pero teka, may tubig bang maiinom dun? Natural, WALA!!! Hala sige, bilangan ng mga dala dalang tubig, umabot lang ng 20 liters, yun ang akala namin. Pero teka, hirap daw magdala ng gamit ang isang mama, aayusin nya muna ang bag nya bago magsimulang mag lakad. Aru dyosku!!! Limang galong tubig ang dala … Solve ang problema sa tubig. Mabuhay ka!!! Simula na ang lakaran, tatlong gayd ang sumama, puro nakakabayo, magugulang ah. Pero di sila magkasundo kung saan ba talaga ang daan, nalilito raw kasi ang mga kabayo e.

Matapos ang mahigit dalawang oras, sandamakmak na pawis at walang humpay na paghawi ng mga damo na mataas pa sa amin, narating din namin ang kreyter. Maganda nga!!! Sulit ang pagod. Pahinga, piktyur piktyur at magtayo ng kamp. Nagluluto pa lang ng hapunan e sinimulan na ang pagpapaikot ng gin, naubos ang tatlong bilog. Kainan muna… ang sarap ng adobo pati na rin ang pritong isda. Tapos, inuman na naman!!! Isang litrong carlos uno at isang litrong don luis ba yun? Sa inumang ito, nakilala sina babsie at bopek. Nasabi ko na ba na apat lang ang naligo sa kreyter? Kung bakit ay hindi ko rin alam.

Kinabukasan, maagang nanggising ang isang maligalig para ipaluto na ang spaghetti. Ang sarap ng luto, panalo daw, di raw katulad ng menudo, dyowk dyowk dyowk!. Bago umuwi nakilala na grupo ang taong TUOD. Matapos ang isa't kalahating oras na lakaran, narating din ang pampang ng lawa at walang oras na sinayang, sakay agad sa bangka, baka marami pang bayaran pag nagtagal ka pa. Pagbalik sa resort, duon nagkayayaang mag-swimming muna bago umuwi. Dito ay nakita kung paano lumipad ang mga taong bundok. Lahat ay gagawin makapagpa piktyur lang, kahit una ang dibdib sa pagbagsak sa tubig. Pagdating sa Tagaytay, sinugod ng grupo ang chowking, miryenda muna. Dito may nagpa ays krim habang nagpapatila kami ng malakas na ulan.

Salamat kay Jorge, ang aming sponsor sa pagkain. Kay Kates na syang naghanda ng masarap na adobo at kay eye para sa aming spageti, kay ronald para sa ays krim at syempre kay roger para sa baon nyang limang galong tubig.

by Eric E. 08.27.04

Aug 16, 2004

Corregidor

The team in Corregidor

Ang mga nangyari:

Ang lahat ay handa ng sumakay sa ferry, maliban sa isang late, grabe pa ang suot, mukhang mag-aanak sa binyag ng dumating. pagdating sa Bataan, mamili ng mga sea foods at sandamakmak na yelo bago pumunta sa sakayan ng bangka.

Lunch break pag dating, start daw ng 12 ang tour sabi ni manong, at kailangan daw matapos sa luob ng 2 oras. kaya naman tuwing baba sa jeep, hala sige ang takbo at posing sa camera at pag bumusina ang jeep, takbo pabalik at iiwan daw kasi ni manong.ng matapos ang tour, sobra ang pagod at gutom ng lahat. kaya kahit anu tinira. 230pm, siesta ang karamihan habang nagpupusoy ang apat, pero bakit 2 lang ang laging nagbabalasa? ang ilan ay abala sa pagluluto ng sinaing at paghahanda ng mga ulam. Biglang dumating si manong guard, at papirmahin ako ng kasunduan daw na may curfew ng 6pm-6am. pag dating ng 5, nagsimula na kaming maglakad patungo sa mga di namin napuntahan nung mag-tour at mag-abang ng sunset, ang problema, past 6 na, wala pa rin ang sunset at mahigit kalahating oras ang lakaran pabalik sa campsite.

6pm daw ang curfew pero past 7 na bumalik sa campsite at habang pauwi ay walang humpay sa pagkanta ng mga makabayang awitin gaya ng Ako ay Pilipino at Ang Bayan kong Pilipinas. nagsimula ng mag-ihaw ng pusit, alumahan hotdog at pork chop, sinimulan na ring tagayin ang isang boteng gin, habang nagluluto. matapos ang hapunan, di pa nakuntento sa gala, nagpunta pa sa hospital lateral ng malinta tunnel ng almost 10pm, kahit may mga taong takot pala sa dilim... pwede lang yun pag kasama si kates.

magpakalango sa alak hangang sumayaw ng otso-otso (kampai!!!!) o matulog sa buhangin sa sobrang kalasingan, or daanin na lang sa videoke hangang 2am at gisingin sa ingay ni jorge ng 6am. gutom na raw kasi sya at gusto ng iluto ang masarap na sopas ni kates.alam nyo ba ang aming pananghalian, masarap na tinolang manok ni eye. masakit din palang mabuhusan ng sabaw ng tinola lalo na at bagong luto, at ang tawag daw dun e "tinola burn". magkarera sa obstacle course ng hindi alam ang gagawin.

At ang pang-finale, kumanta at sumayaw na parang si william hung ng "she bangs", at ang group song na Salamat ay inawit ng ilan bago sumakay ng bangka. Pag dating sa karagatan, sobra lakas at taas ng alon, halos wala ng makapangulit habang nasa byahe, maliban na lang ng may maligo sa luob ng bangka sa lakas ng alon.

Sabi nga ni kates, sana ay ma-experience nyo lahat yun. Sabi rin nya, nadadaan naman yan sa mabuting usapan e.

by Eric E. 07.31.04

Aug 15, 2004

Pedro sa Mawnt Napalaluan

Sino ang tunay na Pedro?

Nagmamadaling nagimpake si Pedro ng kanyang mga gamit na dadalhin sa pag akyat sa mawnt napulaluan, isa isang inilagay sa kanyang bakpak ang lahat ng kanyang kakailanganing sa dalawang araw na imamalagi sa bundok. Eksayted sya ng makarating sa terminal ng otobas, san nga ba yon? matapos malagpasan ang sobrang trapik na rohas bulebard at lakas ng ulan.Masaya si Pedro,magkahalong kaba at eksaytment ang naramdaman ng umandar na ang bus na kanyang sinasakyan patungong banaue,wow! ang layo nun.Natulog din si Pedro sa bus,pero malimit eh nag-iisip kung ano ang maaraing mangyari sa bundok na akyatin. Kumain sya ng almusal ng makarating sa banawe terminal bus,gutom sya...inubos nya ng sani saydap,hotdog at isang tasang prayrays.Nagsimula nang hakutin ang mga bakpaks sa dyip na sasakyan patunong baryong hungungan kung saan magsisimula ang mahigit walong oras na akyatan,ehem,kayanin kaya ito?

Sa unang bahagi ng pag-akyat eh masasabing nahihirapan si Pedro,parang nagdadalawang isip na ata kung tama ba ang naging desisyon na pagsama sa "akyat",pero dahil sinabi nya sa sarili na kaya nyang marating ang tuktok eh sige pa rin sya sa paghakbang.Lumipas ang ilang oras,lawit na ang dila ni pedro,halos hingal kabayo na,parang nakikipag agawan sya ng hangin sa loob ng gubat. Marami syang nasaksihang mga bagay, halo halong emosyon ang kanyang naramdam,isa isang sumakit ang ibat-ibang parte ng kanyang katawan.Dahil sa pagpupursige,tapang at detrminasyon,pinilit nyang makarating sa "PIK". Nag tent na si Pedro,pero gaya ng sabi sa weder porkast,magiging maulan kaya naman mas tumindi ang hirap na naranasan ni Pedro.Kumain ng hapunan si Pedro,di nya masyadong malasahan ang alat ng "dangit" at init ng sabaw dahil sa sobrangmlamig ng panahon,pinahirap pa ng walang humpay ng patak ng ulan.Dahil wala ng magawa,nakatulog na syang basa ang medyas,pati ilang parte ng higaan,pero and di nya makalimutan ang takot at hapdi na idinulot sa kanya ng "limatik" .

Kakaibang pakiramdam ang kanyang naramdaman ng mamasdan ang paligid ng tuktok ng bundok,kahit di nya namasdan ang paligid ng bundok dahil puro ulap,damang dama nya ang lamig ng hangin na marahil eh ngayon pa lang nya naranasan.Naghanda na sya sa pagbaba,inakala nya na magiging madali pero mas mahirap pala. Sa kanyang pagbaba sa bundok,di lang isang bese syang nadulas,napaupo,napatid,nasubsob at nalubog sa putik. Napagtanto nya na di pala lahat ng akyat eh pasko.Parang gusto na nyang sumuko,tumigil,pero alam nyang di pwede dahil kailangang makabalik sa terminal ng otobas bago mag alas sais ng gabi. Sa lahat ng bagay na naranasan nya sa bundok,di maiaalis ang takot at kaba lalo ng dumating sa lugar na maraming bangin,pero habang papalapit na sa paanan ng bundok eh lalo nyang nilakasan ang loob.Halos walong oras din ang kanyang binuo bago makababa sa bundok,pero ano pa mang hirap ang naranasan nya,di pa rin iyon naging hadlang para tumawa at maging masaya.Nagbibigay pa rin sya ng joke joke joke,mga biro pero di nya rin maiwasang mabigkas ang *&$%^@!!! at @#%$$#!!!...at syempre,mapa wow sa ganda ng tanawin.

Hapon ng nang makababa si Pedro,halos di maipinta ang mukha,kung titingnan sya mula ulo hanggang paa eh masasabing daig pa nya ang nagsaka sa rays tereses sa sobrang dami ng putik ng kanyang damit.Di lang paa at kamay ang ginamit sa pagbaba ng bundok,pati pwet eh ginamit na rin...kaya pati doon eh inakala nyang napasok na rin sya ng limatik.Sobrang sakit ng katawan nya ng makauwi sa bahay,pero dipa doon nagtatapos yon kasi kailangan pa nyang pumasok sa trabaho kahit wala syang tulog.Pero teka,sino nga ba itong si Pedro? si Pedro eh yung 32 taong nagplano,umakyat at nakarating sa tuktok ng mawnt napulaluan.May ibat-ibang dahilan man sa pag akyat,iisa pa rin ang hangarin...ang marating ang "PIK". Ang lahat ng kanilang naramdaman,tuwa man o lungkot, hirap man o ginhawa,hirap man o sarap,di na nila ito makakalimutan.Maaring maitanong nila sa sarili nila kung uulit pa o hindi dahil sa mga naranasan,alam na nila ang sagot doon.Kaya para sa lahat ng sumama,nagging mahirap man ang akyat,kinaya pa rin natin! Nagawa natin ang bagay na ilan lang ang maglalakas ng loob na gawin. Kaya PANALO ka pa rin kaibigan dahil isa ka sa nakakongker ng Mawnt Napulaluan! MABUHAY KA!

by J. Nazareth 11.14.03